PAALALA!
Ako ay isang baguhang writer lang din. Nagsimula akong magsulat sa Wattpad noong 2015, pero inactive ako roon hanggang sa ginawa ko itong side hustle noong October 2021 sa pamamagitan ng pagsusulat sa paid platforms. Lahat ng platforms na babanggitin ko rito ay base lamang sa aking experience, at kung may nakaligtaan man akong platform ay maaari n'yong itong i-comment.
Another note, hindi ibig sabihin na inilagay ko rito ang platforms ay recommended ko na ito. Nilagay ko lang ang platforms na alam kong natanggap ng Tagalog exclusive story. Is-share ko ang experience ko sa bawat platform at kayo na ang humusga kung susubok kayo o hindi.
Maraming salamat po!
ANO NGA BA ANG IPINAGKAIBA NG EXCLUSIVE STORY AT NON-EXCLUSIVE STORIES?
Ang exclusive stories ay stories na roon sa chosen platform n'yo lang puwedeng ilagay, habang ang non-exclusive stories naman ay puwede n'yong ilagay sa kung saang platform n'yo naisin. Puwede n'yo rin siya i-publish as a book, traditional man iyan or self-published.
Mas madalas ay mas maraming benefits ang exclusive stories, pero hindi naman siya puwedeng i-publish as a book. Sa non-exclusive stories naman, since hawak mo ang rights ng libro mo ay mas malawak din ang freedom mo.
Malay mo at mag-boom ang kita mo kapag nilagay mo siya sa kung saan-saang platform, hindi ba? :)
Kung mapapansin n'yo po sa aking website ay mayroong tab sa main menu stories ng aking exclusive stories. Doon ay preview chapters lang ang puwede kong ilagay at ang remaining chapters ay doon lang sa isang platform puwedeng basahin, habang ang non-exclusive stories ko naman, puwede kong ilagay kahit hanggang dulo ng chapter.
Ocakes na ba? Puwes, talon na tayo roon sa pinaka-title ng blog na ito, haha!
PLATFORMS ACCEPTING TAGALOG NON-EXCLUSIVE STORIES
1. FAMEINK
Benefits:
Iniisip ko na lang na mayroon akong long-term investment, HAHAHAHA. Noong una, mabilis pa sana ang kitaan kasi mayroon silang completion bonus at author's invitation income, kaso tinanggal din nila. Mayroon naman akong kita rito, pero maliit talaga, hindi kayang labanan ang taas ng inflation rate ng Pilipinas mga sister.
Malay mo at mag-boom ang kita mo kapag nilagay mo siya sa kung saan-saang platform, hindi ba? :)
Kung mapapansin n'yo po sa aking website ay mayroong tab sa main menu stories ng aking exclusive stories. Doon ay preview chapters lang ang puwede kong ilagay at ang remaining chapters ay doon lang sa isang platform puwedeng basahin, habang ang non-exclusive stories ko naman, puwede kong ilagay kahit hanggang dulo ng chapter.
Ocakes na ba? Puwes, talon na tayo roon sa pinaka-title ng blog na ito, haha!
PLATFORMS ACCEPTING TAGALOG NON-EXCLUSIVE STORIES
1. FAMEINK
Benefits:
- Reads: Kapag nanood ang readers ng ads para buksan ang chapters mo, may kita ka roon.
- Tips: Sa readers ng NOVELAH app, which is hawak ni Fameink, mayroon silang kinikitang coins sa pagbabasa na puwede nilang ipa-convert into ML diamonds or pera talaga kapag nakaipon sila, or puwede rin nila itong ibigay sa libro ng author nila.
- 20,000 words with at least 15 chapters for ONGOING stories.
- 30,000 words with at least 30 chapters for COMPLETED stories.
Editor:
- Hindi na kailangan ng editor para mag-apply ng contract dito. Diretso ka na lang sa website or sa app nila (Fameink) and gawa ng account at upload ng story mo. Parang sa Wattpad lang ang steps niya.
Iniisip ko na lang na mayroon akong long-term investment, HAHAHAHA. Noong una, mabilis pa sana ang kitaan kasi mayroon silang completion bonus at author's invitation income, kaso tinanggal din nila. Mayroon naman akong kita rito, pero maliit talaga, hindi kayang labanan ang taas ng inflation rate ng Pilipinas mga sister.
After one year mahigit, mayroon na akong 2,500 php, tapos 3,800 'yong minimum withdrawal hahaha kaya kayod, sis!
Pero baka sa akin lang 'yon, may ibang authors kasi akong nakikita na kumikita ng 200+ pesos sa isang araw dito sa fameink. For me okay pa rin naman siya lagyan ng non-exclusive stories, dagdag passive income na rin hahaha! Mabilis din sila mag-approve ng story.
Take note pala na once maglagay ka rito ng story sa Fameink, indefinite ang contract niya. Kahit gustuhin mo siyang ipa-terminate ay hindi na puwede. Nagsisisi tuloy ako sa exclusive stories ko rito hayyy.
2. NOVELCAT
Benefits:
Pero baka sa akin lang 'yon, may ibang authors kasi akong nakikita na kumikita ng 200+ pesos sa isang araw dito sa fameink. For me okay pa rin naman siya lagyan ng non-exclusive stories, dagdag passive income na rin hahaha! Mabilis din sila mag-approve ng story.
Take note pala na once maglagay ka rito ng story sa Fameink, indefinite ang contract niya. Kahit gustuhin mo siyang ipa-terminate ay hindi na puwede. Nagsisisi tuloy ako sa exclusive stories ko rito hayyy.
2. NOVELCAT
Benefits:
- Royalty Income: 50%
- 5,000 words.
- Hindi na rin kailangan ng editor, pero ang alam ko ay may mga Acquisition Editor (AE) pa rin sa Novelcat. Pero based sa experience ko ay dumiretso na ako sa website. Responsive naman sila.
So far, mabilis naman ang pag-approve ng story rito. Nasa one week or two yata paghihintay ko rito. Wala pa akong kinikitang profit share so far kahit last year pa ako nagsimulang maglagay ng non-exclusive stories ko rito, at hati rin ang experiences ng writers na nababasa ko. May ibang nagsasabi na maganda rito, may iba ring hindi. Feeling ko rin na kaya hindi masyadong kumikita non-exclusive stories ko kasi bukod sa kaunti pa lang ang word count niya, hindi rin siya trending na genre.
3. NOVELISH
Benefits:
- Royalty Income: 50%
- Blurb, 6 chapters with at least 1,500-2,500 words each.
- Novelish Gwyneth (Facebook Account)
Smooth ang contract signing, pero wala pa akong kinikitang profit share HAHAHA hindi pa kasi completed 'yong story na ipinapasa ko as non-exclusive. Pero mabait ang editor dito, hart hart kay ate Anata!
4. BABELNOVEL
Benefits:
- Royalty Income: 50%
- 30,000 words
- No need na rin ng editor. Upload lang kayo ng story sa website nila.
My Experience:
Hindi pa ako nakakapag-apply ng contract kasi wala pang 30,000 words 'yong story na in-apply ko HAHAHA. Update ko itong blog kapag nakapag-apply na ako.
5. Stary Writing
Benefits:
- Royalty Income: 6%
- 5,000 words
- Hindi ako sigurado rito, pero ang sabi ay dapat daw may 50k reads sa ibang platform. Pero may nakikita akong writers na hindi naman 50k ang reads pero napapakontrata ang story nila sa platform na 'to. Susubukan ko mag-apply rito ng isa kong non-exclusive story at babalitaan ko kayo. :)
- Anne Dreame (Facebook Account)
- Sofia Dreame (Facebook Account)
I have four exclusive stories sa Stary Writing, at... ano... Eme! If non-exclusive contract naman ang ipapasa n'yo, ayos lang. Sa nakikita ko, malaki naman kinikita ng Stary Writers lalo na if billionaire and erotic-romance ang story n'yo, plus points na rin if mayroon kayong fanbase. May mga kakilala akong authors na malaki ang kinikita sa profit share rito monthly.
6. GOODNOVEL
Benefits:
- Royalty Income: 50%
- Completion Bonus: $30 if you'll finish the story first on their platform (120,000 words minimum)
- Outline (Ibibigay ng editor n'yo ang format ng outline)
- At least 5,000 words, blurb.
- Viviane Blanco (Facebook Account)
So far, ito ang pinakamagandang platform na nakita ko for writing stories, mapa-exclusive story man iyan or hindi. May exclusive story ako sa sister app nila (Meganovel) and maayos talaga sila magbayad sa authors nila, hindi delayed, fair sa promotions, at hands-on talaga ang editors dahil sasabihin nila ang need mo i-revise. Nasa sa iyo na 'yon if susunod ka sa kanila para mas maging engaging din ang stories mo, and may chance ring umangat ang profit share mo. May writers akong nakikita na non-exclusive ang stories nila pero talo pa nila 'yong may exclusive stories sa laki ng profit share, so it's worth the risk, I guess.
Highly recommended!
7. MOBOREADER
Benefits:
- Royalty Income: 50%. Not sure pa ako rito, pero natanggap daw si Moboreader ng Tagalog non-exclusive stories.
- Outline (Ibibigay ng editor n'yo ang format ng outline)
- At least 5,000 words, blurb.
- Wala akong kilala HAHAHA. If may kilala kayo, comment na lang po kayo. Salamat!
Waley. HAHAHA. Hindi kasi ako nagpasa rito since marami-rami akong nakitang issue about dito lalo na sa payment. If mayroong Moboreader writer rito na may non-exclusive story sa Moboreader, comment na lang din kayo ng experience n'yo. Thank you!
8. RS STORIES
Benefits:
- One time signing bonus of Php2,000
- Outline (the editor will give you the format)
- 60,000 words.
- joyrsstories@gmail.com
- annarastories@gmail.com
My Experience:
Wala rin, pero may kakilala akong exclusive writer ng RS stories, at maganda raw ang treatment sa kan'ya roon base sa nabasa ko sa post niya dati. Gusto ko rin mag-try dito soon kaso wala pa sa wisyo brain cells ko para magsulat ng story HAHAHA. Billionaire stories and light stories ang alam kong tinatanggap nila sa ngayon.
9. SAGO/GONOVEL
Benefits:
- Royalty Income: 50%
- 10 chapters.
- No need na ng editor. Upload lang kayo ng 10 chapters or higit pa sa website nila.
My Experience:
Wala pa rin. Waiting pa kasi ako na ma-approve nila ang story ko or magkaroon man lang ng results. Ang bagal ng reviewing process nila sis HAAHAHA. Isang buwan or mahigit na yatang under review ang story ko roon. Sago, galaw-galaw naman eme.
10. TYPEKITA
Benefits:
- Royalty Income based on reads/taps.
- According sa isang comment na nakita ko, puwede na raw makatanggap ng coins sa June 2023.
- Puwede rin mag-apply as sponsor writer soon.
- None. Upload ka lang ng story mo after mo gumawa ng account.
- No need na ng editor. Lilitaw na kaagad ang story mo after i-publish.
My Experience:
As someone na mahilig magsulat at magbasa ng epistolary sa Wattpad and twitter, sobrang natutuwa ako sa app na 'to HAHAHA. So far, maganda ang experience ko rito. Mayroon na akong 1.17 USD at nakakatuwa talaga magsulat dito, lalo na 'yong sa chat-style nila.
***
So far, ito pa lang ang platforms na alam kong tumatanggap ng non-exclusive stories. Tiyagaan talaga kung gusto mong kumita sa paid platforms pero kapag nandiyan na si momentum, dire-diretso na 'yan! Again, if may mali/outdated information po rito na hindi ko napansin ay puwede n'yong sabihin sa akin sa comment section.
Sana ay nakatulong ang blog na ito kung naghahanap ka ng mapagpapasahan ng Tagalog story mo, at laban lang po sa ating lahat!
- Star

4 Comments
Ako po editor ng Moboreader haha
ReplyDeleteay hala anonymous haha Jas here
Deletepero anyway, hindi tumatanggap ng filipino books ang SE ko :/
DeleteHi Jaas! HAHAHA. Hindi ako maka-reply sa comment mo aaaa. Sa English nababasa ko maayos naman daw si Moboreader pero sa Tagalog daw medyo tagilid base sa narinig kong feedbacks. >o< I-note kita as AE kapag 'yong sa non-exclusive English stories na ang p-in-ost kooo <3
Delete