Just a Memory
A Short Story by Iwaswiththestars
Genre: Slice of Life, Short Story
Tags: Painful, Best friends
Language: Taglish
Status: Free and Completed
BLURB:
"If I needed just one word to describe the word perfect, I won't hesitate to say her name."
Chewy Marquez has it all. She's a student leader, a dean's lister, has a beauty to die for, and more. Name it, and she'll have it. She has the perfect life that everyone wants to have.
"I wanted to change the world," she said.
But then, she died.
And her existence became just a memory...
"Chewy, ang blooming mo na naman, ah! Gan'yan ba talaga kapag nagiging officer?"
"Dean's lister ka na naman, Chewy! Congrats! Pa-burger ka naman!"
"Ang sUwerte mo talaga kahit kailan, Chewy! How to be you po?"
"Siguro, noong nagpaulan ng sUwerte sa mundo, naka-timba ka pa! Paambunan mo rin kami!"
Chewy, Chewy, Chewy.
Sa inaraw-araw na pumasok ako rito sa university namin, walang araw na hindi ko narinig ang pangalan ni Chewy. Si Chewy na maganda, mabait, matalino, at higit sa lahat, talented sa lahat ng bagay. Parang lahat nga ay kaya niyang gawin, eh.
Parang wala siyang kapintasan. Parang sa lahat ng tao rito sa mundo, siya ang paborito ni Lord.
Sa bagay, sino nga naman ang magtatangkang umayaw kay Chewy? Isa siya sa pinaka-humble at mabait na tao na nakilala ko rito sa university.
Anyway, don't get me wrong, hindi ako naiinggit kay Chewy. In fact, best friend ko siya, at kahit na madalas kaming makumpara sa isa't-isa, wala akong pakialam.
Dahil una sa lahat, hindi naman ako nakikipagkumpitensya kay Chewy. Walang-wala naman ako sa kan'ya kaya talo ako kaagad. Minsan nga, iniisip ko na baka naiinsulto siya kapag pinagkukumpara kaming dalawa.
Nag-iisang anak lang si Chewy ng mga magulang niya, at siguro nga tama siya, magkaibigan na nga talaga siguro kami kahit na nasa sinapupunan pa lang kami ng mga magulang namin.
Para sa akin, hindi ko lang siya basta kaibigan. Para ko na rin siyang kapatid.
If I needed just one word to describe perfect, I won't hesitate to say her name.
She's pretty, kind, at sikat na sikat talaga siya sa university namin. Maraming nagtatangkang manligaw sa kan'ya, pero lahat ng iyon ay ni-reject niya dahil ayon sa kanya, mas priority niya ngayon ang mag-aral, hindi ang lumandi.
"Saka, frienny, hindi ko na kailangan ng lovelife dahil nariyan naman ikaw na bestfriend ko, eh! Basta, walang iwanan, ha? Best friends forever!"
Napangiti na lang ako nang maalala ko ang sinabi niya sa akin. I'm so blessed to have Chewy in my life. Marami siyang magandang characteristics, pero ang isa talaga sa nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging optimistic niya.
She encountered many different problems na kaming dalawa lang ang nakakaalam. She may be too perfect, but her life isn't. She was just seven years old noong naghiwalay ang mga magulang niya dahil mayroong ibang babae ang papa niya. Iniwan sila ng daddy niya at sumama sa babae niya.
At sa araw rin na iyon, namatay ang mama ni Chewy dahil sa isang car accident. Hindi ko malilimutan kung paano naghinagpis si Chewy noong araw na 'yon. Hindi ko malilimutan ang pagyakap niya sa kabaong ng mama niya at ang paghagulhol niya nang mapagtantong hindi na dadalaw doon ang papa niya, kahit man lang sa huling lamay ng mommy niya.
And yet, kahit na may ganoon siyang karanasan noong bata pa siya, hindi niya naisipang sumuko sa buhay. Hindi rin niya naisipang magtanim ng galit sa papa niya. Ganoon kabait si Chewy. Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa kong maganda sa mundo para biyayaan ako ng kaibigan na katulad ni Chewy.
Nagsumikap siya at nag-aral nang mabuti hanggang sa marating niya ang karangalan na mayroon siya ngayon, at iyon ay walang iba kung hindi ang pagiging isang consistent Dean's lister at Student Council Deputy.
Naalala ko noon nang sinabi niya sa akin na kaya siya nag-apply sa student council ay dahil gusto niyang maiayos ang leadership skills niya.
Pinangarap niyang maging presidente ng buong Pilipinas, at minsan niya ring pinangarap na baguhin ang ikot ng mundo.
Kaya malaki ang panghihinayang ko nang mabalitaan ko na patay na pala si Chewy.
Nagpapahinga lang ako noon sa kwarto ko, iniisip kung gaano ako kawalang kwentang tao. Hindi ko kaya kung ano ang ginagawa ni Chewy. Hindi ko kayang maging malakas katulad niya. Hinahayaan ko lang ang sarili ko na magpalamon sa kadiliman.
Ni hindi ko man lang napansin na ang best friend ko pala ay nangangailangan na rin ng tulong.
Chewy Marquez
Born on: September 10, 1999
Died on: January 12, 2019
"Kahit na hindi ka na humihinga, ang ganda mo pa rin," biro ko sa sarili habang nakatitig ako sa lapida niya.
Maraming bulaklak ang nakalagay ngayon sa lapida ni Chewy. Sa dami ng kaibigan niya, at sa dami ng taong natulungan niya, marami rin ang nakiramay sa kan'ya noong namatay siya.
Hanggang kailan kaya siya maaalala ng mga tao?
Siguro, pagkatapos ng ilang buwan o kaya naman ay taon, unti-unti na ring malilimutan ng mga tao si Chewy, dahil hindi naman huminto ang mundo noong namatay siya... Pero huminto na ang sa akin.
Masakit isipin, pero unti-unti ka rin nilang makakalimutan, Chewy.
I can't help but to cry while looking at her, at her grave.
Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang sakit ng puso ko ngayon. Hindi ko matanggap ang pagkawala ni Chewy. Masyado pa siyang bata. Marami pa siyang pangarap sa buhay... na hindi na matutupad ngayon.
Nakakatuwa lang din dahil 'yong picture na nakalagay doon ay 'yong picture na kung saan ay may photoshoot sila para sa student council, at ako ang kumuha ng litrato na iyon para sa kan'ya. At the same time, mas lalong sumasakit ang puso ko, dahil sa mga litrato ko na lang siya p'wedeng makita.
I really miss her so much. I do.
Gustong-gusto ko na ulit makita ang mga ngiti niya nang. Gusto kong makita ulit kung paano niya harapin ang mga problema niya. Gusto kong makita ang mga mararating pa sana niya sa hinaharap, kung hindi niya lang kinitil ang sarili niyang buhay.
January 12, 2019. The day that I tried to commit suicide.
"Please naman, tumigil ka na! You're enough, okay? You're enough! Tigilan mo 'yan!" sigaw sa akin ni Chewy habang pilit niyang kinukuha ang blade na hawak-hawak ko.
Yes, I want to die. I don't want to live from the start. Everyone thinks that I'm happy, but I'm not. I don't want all of this. Maswerte lang ako dahil nariyan si Chewy palagi para sa akin.
Pero hindi ko na talaga kaya.
"I'm not enough. Wala akong kwenta. Iniwan ako ng tatay ko at ng nanay ko. Lahat sila mahal lang ako dahil sa yaman at talino na meron ako. Araw-araw pinaparamdam sa akin ng mundo na dapat matagal na akong nawala dito. Kung ikaw kinakaya mo yung mga nangyayari sayo, pwes ako, ako,p hindi ko kaya. Hindi ko na kaya!" sigaw ko sa kan'ya pabalik.
Hindi siya nakapagsalita pagkatapos kong sabihin iyon.
"Tama na Chewy, gusto ko nang magpahinga, please."
'Yan ang huli kong sinabi sa kanya bago niya ako dahan-dahang iniwan at umalis.
Ilang oras lang din pagkatapos ng pangyayaring 'yon, nalaman ko na lang na wala na siya.
"Can we go back on those days again?" I said while looking at her grave. Tears are already falling from my eyes. I can't help it.
It's painful to the point that it's killing me.
Kung maibabalik ko lang ang oras, nangangako ako sa sarili ko na magpapakatatag na ako, Chewy. Hindi na ako susuko basta-basta dahil sa mga problemang dumarating. Sisikapin kong makita ang future katulad ng kung ano ang nakikita mo rito.
Ngunit, sa sitwasyon na ganito, alam kong imposible ang hinihiling ko na maibalik ang oras.
Ngayon, isang bangkay na lang ang isang babae na minsang nangarap na baguhin ang mundo. Mananatili na lamang siyang isang alaala na sa pagtagal ng panahon ay unti-unti nang mawawala.
Pinatay ko si Chewy.
Pinatay ko ang sarili ko.
STAR'S NOTE:
First of all, I created this story to spread mental health awareness. I know kung gaano kahirap ang buhay. Marami tayong mga problemang naeencounter, and sometimes, the older generation can't understand what we really feel or kung ano talaga yung pinagdadaanan natin. Sometimes, we feel like na wala na tayong kakampi, pero mali. Whoever reading this, don't give up no matter how hard it is. Don't let overthinking and negativity kill your bright future, just like what happened to Chewy.
Aminado ako na ngayon na stressed na rin ako at napapagod na ako sa mundo, but I'm not giving up. Alam kong makakamit ko rin ang mga pangarap ko someday, and kayo rin.
Always look at the brighter side, people. ✨ Thank you for reading!
Aminado ako na ngayon na stressed na rin ako at napapagod na ako sa mundo, but I'm not giving up. Alam kong makakamit ko rin ang mga pangarap ko someday, and kayo rin.
Always look at the brighter side, people. ✨ Thank you for reading!



0 Comments