Under The Rain
By: Iwaswiththestars
Genre: Teen Fiction, Slice of Life, Romance
Language: Tagalog
Status: Free and Completed
Blurb:
Samantha Colline De Jesus is a typical type of girl. Mayroon siyang mapagmahal na kuya, mabait na best friend, at masayang pamumuhay. Pero, paano niya kaya maibabalik iyon kung agad itong masisira nang dahil lang sa isang halik na ibinigay ng isang lalaking nakasalubong lang niya habang umuulan?
Isang halik na magbubunyag ng mga sikretong hindi niya inaasahang mayroon pala. Isang halik na magpapaalala sa kan'ya ng lahat... Sa ilalim ng ulan.
PANIMULA:
"Sammy, mauuna na ako, ah? Kailangan ko kasi talagang umuwi nang maaga ngayon dahil anniversary ng mama at papa ko, you know, bonding daw," paalam sa akin ng best friend ko na si Mich habang nagre-retouch ng make-up niya.
May hawak itong compact mirror sa kanang kamay niya habang hawak naman niya ang foam sa kaliwang kamay nito. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero roon nakalagay ang pulbo niya.
Hindi naman kasi ako mahilig sa make-up kaya hindi ko alam ang tawag doon.
Patingin-tingin pa siya sa wrist watch niya at nagmamakaawang tumingin sa akin na para bang sinasabi sa akin na sana ay payagan ko siya at nawa'y wag sana akong magalit sa kan'ya.
Ang usapan kasi dapat namin ay sabay kaming kakain doon sa bagong bukas na restaurant malapit lang din dito sa school, pero hindi naman niya inaasahan na isasama rin siya sa celebration ng anniversary ng parents niya ngayon kaya wala naman na akong magagawa roon.
As if naman na magagalit ako sa kan'ya, ano. Best buddy ko kaya siya.
"Sige, okay lang. Baliw ka, huwag ka ngang tumingin sa akin diyan na parang inaapi kita, papayag naman ako kaagad, eh," naiiling kong sagot sa kan'ya. "Pakisabi na lang din kay tito at tita na happy anniversary, ah? Nawa ay maging matatag pa sila."
Ngumiti ako at nakahinga naman siya nang maluwag.
"Aalis na ako, Sammy," wika nito bago hinalikan ang kaliwang pisngi ko. "Bye! Ingat ka pag-uwi, ha?"
Tumango ako bilang sagot at tumakbo na palabas ng school namin ngunit bago siya tuluyang makalayo ay humarap pa muna siya ulit sa direksyon ko.
"I-chat mo ako kapag nakauwi ka na!"
Muli akong tumango.
Kumaway-kaway pa siya sa akin at sinuklian ko naman iyon ng isang ngiti.
"Ikaw din! Enjoy!" turan ko naman sa kan'ya.
Sumakay na siya ng jeep kaya naman hindi ko na siya nakita pa. Tahimik ko na lang na inayos ang gamit ko. Nang matapos ay naglakad na ako hanggang sa makalabas na ako ng gate.
Siguro ay hindi na lang ako magje-jeep ngayon dahil mukhang maganda naman ang panahon ngayong gabi. Malamig ang simoy ng hangin at hindi rin naman umuulan. Tama, maglalakad na lang ako para makatipid na rin ako sa pamasahe.
Habang naglalakad ako ay patuloy lang ako sa pagkiskis ng dalawa kong palad upang makalikha ito ng init at mailagay ko ito sa leeg ko.
Wala kasi akong jacket na dala ngayon, idagdag pa na simpleng blouse na color white at may red na ribbon sa gitna at skirt na hanggang sa itaas lang ng tuhod ang suot kong uniform kaya naman ay mas lalong nagiging malamig ang pakiramdam ko.
Madilim. Malamig. At walang masyadong tao ngayon sa lugar na nilalakaran ko. Mabuti na lamang at mayroong kakaunting liwanag na nanggagaling sa mga poste kaya nakikita ko pa ang dinadaanan ko.
*bzzt bzzt*
Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman ko na mag-vibrate ito.
"Ah, si ate Rica pala," pagkausap ko sa sarili bago ko binasa ang message niya.
Si ate Rica ay ang girlfriend ng kapatid kong asungot na si kuya Kristoff. Hindi ko alam kung paano sila tumagal gayong sobrang bait nito ni ate Rica, habang sobrang balasubas naman ni Kristoff. Baka opposite attracts talaga, ano?
Colline, umuwi ka na. Alas-otso na ng gabi kaya wag ka nang magpatagal pa. Hindi ka pa raw umuuwi sabi ng kuya mo. Ano'ng oras na.
Nag-type ako habang naglalakad para maka-reply kay ate. Mas protective pa talaga siya kung minsan kaysa sa kapatid ko mismo.
Opo, ate.
Iyon lang ang ni-reply ko sa kan'ya dahil wala naman akong ibang masabi.
Medyo natagalan pa ako mag-type dahil ang dami kong typo. Opo, ate na nga lang ang ita-type ko, nata-typo pa ako. Ayaw din talaga makisama ng kamay ko sa akin paminsan-minsan, eh.
S-in-end ko na 'yong reply ko kay ate at hindi na siya nag-reply sa akin pagkatapos no'n.
Seenzoned.
Ako nga pala si Samantha Colline De Jesus. Fourth-year student sa Domino High. 17 years old. Hindi ako kagandahan pero maayos naman ako sa katawan. Pagiging hygienic na nga ang puwede kong magawa, hindi ko pa ba gagawin?
Minsan ay pasulpot-sulpot pa ang tigyawat ko sa mukha kahit na inaalagaan ko naman ito sa gamot. Ngayong araw nga ay may bago na naman akong tigyawat sa pisngi. Nakakainis na rin talaga pero ayaw ko namang pisilin.
Ewan ko ba kung bakit ayaw akong iwan ng mga tigyawat ko. Feel na feel na yata nilang tumira sa mukha ko, eh.
"Ay, awit."
Napatingin ako sa langit nang maramdaman ko na may tumutulo sa ulo ko. At doon ko lang napagtanto na umuulan na pala kahit na kasasabi ko lang kanina na wala naman akong nakita na kahit anong seniyales na uulan ngayong gabi
Agad kong kinuha ang payong sa loob ng bag ko at sumilong dito saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ako, bigla akong napaisip. Bakit parang ang layo ng bahay namin ngayon? Bumabagal pala ang oras kapag bored ka at wala kang kadaldalan habang naglalakad ka pauwi.
Bigla ko tuloy na-miss si Sammy. Mag-jeep man kami o maglakad ay palagi kaming magkasama. Bihira lang mangyari na ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon.
Paliko na sana ako sa isang eskinita dahil doon na ang bahay namin nang biglang may humila sa akin.
"Miss, puwede pasilong?"
Napatingin ako sa kan'ya at halos mapanganga ako sa kaguwapuhang tinataglay niya.
Guwapo. Makinis. Maputi.
Ni parang hindi siya tinutubuan ng tigyawat sa mukha. Magulong buhok na bumagay naman sa kan'ya. Maputlang labi pero nagbibigay pa rin ng karisma sa kan'ya. At 'yong tayo at tindig niya, panlalaking-panlalaki talaga.
Agad akong nag-iwas ng tingin at tumango na lang ako bilang pagsagot sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag pero kawawa naman kasi siya kung hindi ko siya pasisilungin dito sa payong ko.
Sayang ang kaguwapuhan niya kung magkakasakit lang siya nang dahil sa ulan, hindi ba?
Pero sa totoo lang, nakakaawa din talaga ang isang 'to. Wala siyang payong at basang-basa na rin siya. Namumutla na rin ang itsura niya at nanginginig ang labi niya. Mukhang kahit nakasilong na siya rito sa payong ko ay magkakasakit na rin talaga siya.
Tahimik lang kaming naglalakad habang rinig na rinig namin ang malakas na patak ng ulan.
Gusto ko siyang kausapin, ngunit baka sabihin niya na masyado akong papansin kaya nanahimik na lang din ako.
"Miss," siya ang unang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Lumingon ako sa kan'ya at tinitigan ko lang siya sa mga mata niya na parang nagtatanong kung bakit niya ako kinakausap ngayon.
Hindi ko magawang magsalita dahil para bang kinakain niya ang enerhiya at lakas ko.
Sanay naman ako makakita ng guwapo dahil halos lahat naman ng mga kaklase kong lalaki ay guwapo– mas guwapo pa nga sa kan'ya 'yong iba.
Pero bakit ganito ang reaksyon ko sa presensiya pa lang niya?
Anong misteryo ba ang mayroon sa kan'ya at nagagawa niyang patahimikin ang isang babaeng katulad ko?
Tumingin din siya sa akin. Isang titig na nakakapanghina ng tuhod. Na tila ba hinihigop nito ang buong lakas ko. Na tila tinatanggal ako nito sa katinuan ko.
Dahan-dahan siyang napatingin sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napakagat sa labi ko nang makita ko kung gaano kaseryoso ang pagkakatitig niya roon.
Hindi ko sinasadyang ipakita sa kan'ya ang ginawa kong 'yon pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Para bang gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng labi niya na nakadikit sa labi ko.
Ah, ano bang kalandian iyan, Samantha?!
Mag-iiwas na sana ako ng tingin at lalayo na sa kan'ya pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.
Hinila niya ako palapit sa kan'ya at ang alam ko na lang, magkalapat na ang mga labi naming dalawa.
Mainit. Ramdam na ramdam ko ang init ng labi niya sa oras na naging magkalapat ang labi naming dalawa. Hinawakan niya pa ang beywang ko at nilapit pa lalo ang katawan ko sa katawan niya.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at ginantihan ko na rin ang bawat paghalik niya bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko. Nakahawak ang kaliwa kong kamay sa leeg niya habang hawak ko pa rin ang payong sa kanang kamay ko.
Ramdam na ramdam ko ang malalalim na paghinga niya at ang malakas na tibok ng puso niya, kaparehas ng sa akin ngayon.
Mas lalo niya pang pinalalim ang halikan naming dalawa at isa lang ang masasabi ko. Masarap. Sobrang sarap. Nakakalasing. Nakakaadik. Nakakabitin at parang ayoko nang matapos ang mga bagay na 'to.
Hindi ko siya kilala. Ngunit may nagsasabi sa akin na may malalim kaming koneksyon sa isa't-isa.
Agad ko siyang naitulak nang mapagtanto ko na isa nga pala siyang estranghero. Mali ang ginagawa namin!
"S-Sino ka ba?" tanong ko habang humihinga ng malalim dahil parang nawalan na ako ng hininga sa paghahalikan namin kanina.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maangat ang mga paa ko. Ni hindi ko maalis ang pagtitig ko sa mga mata niya.
Bumulong siya sa tainga ko at medyo nakiliti ako sa boses niya kaya naman ay napalayo ako pero kaagad niyang nahawakan ang beywang ko.
"Sana balang araw ay matandaan mo na ako," huling sabi niya bago ito naglakad paalis.
Naiwan akong mag-isa. Nakatulala lang habang nakatingin sa kan'ya na naglalakad palayo at basang-basa sa ulan.
Parang may sariling utak ang katawan ko at kusa akong tumakbo papalapit sa kan'ya.
"Psst!" pagsitsit ko sa kan'ya at ipinahawak sa kan'ya ang payong ko.
Nagtataka naman siyang tumingin sa akin bago dumako ang tingin sa hawak kong payong. Napansin ko kasi na nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin at puwede ko nang takbuhin iyon.
"Ibalik mo na lang iyan kapag nagkita tayo ulit, pero kung hindi, kahit itapon mo na lang. Ayos lang."
Naglakad na ako palayo pero napatigil ako sa huling sinabi niya. Hindi kalakasan ang boses niya pero rinig ko ang sinabi niya mula sa puwesto ko.
"Salamat, Colline."
Biglang napakunot ang noo ko nang tawagin niya ang pangalawang pangalan ko.
Bihira lang ang tumatawag sa akin ng Colline dahil bihira lang din naman ang nakakaalam ng pangalan kong 'yon... ng second name ko.
At paano niya nalaman ang pangalan ko?
Kaagad akong lumingon sa likod ko pero wala na siya roon.
Nakaalis na siya.
Sino ang lalaking 'yon? Bakit kilala niya ako?
KABANATA 1:
SAMANTHA'S POV
"KUYA NAMAN! Napakakupad mo talagang kumilos! Argh!" pagmamaktol ko sa kuya ko na pa-chill chill lang habang naglalagay ng gel sa buhok niya.
Ang lakas ng loob niyang bagalan ang kilos niya habang halos hindi na ako magkanda-ugaga rito sa pagsigaw sa kan'ya.
"Dalian mo naman! Pa-gel gel ka pa, eh mukha ka namang lamok!" dagdag ko pang sabi sa kan'ya na ikinatawa lang nito.
Naiirita raw kasi siya kapag bumabagsak 'yong bangs niya sa mukha niya at tumatama sa mata niya kaya mas gusto niyang i-style 'yong buhok niya.
Pero ako, naiirita ako sa kan'ya! Grrr, magpapaturo pa ako ng assignment sa math kay Mich, eh! Kapag iyon talaga hindi ko naintindihan tapos tinawag ako ng teacher para i-explain 'yon, kakalbuhin ko talaga siya nang malala para hindi na siya mahalin ni ate Rica!
Sa totoo lang, ayoko naman talaga sana siyang hintayin pero may kotse kasi siya kaya makikisabay na lang ako. Kaysa naman maglakad pa ako kahit na puwede naman akong sumabay sa kan'ya, hindi ba?
Sayang lang ang effort ko, at sayang din ang kotse niya kung hindi niya rin sa akin gagamitin 'yon.
"May lakad ka ba?" nagtyatakang tanong nito habang nakyataas ang kanang kilay at nakatingin pa rin sa salamin habang bahagyang inii-style ang buhok. "O baka naman may boyfriend ka at magkikita kayo nang maaga ngayon?"
Lumawak ang ngisi niya pagkyatanong niya no'n sa akin. Nagpo-pogi pose pa ito sa harap ng salamin kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na bigyan siya ng isang malakas na sapak.
"Aray!" kaagad na singhal nito sa akin. "Bakit ba defensive ka— aray!" reklamo niya sa akin nang bigla ko siyang hampasin sa braso nang paulit-ulit.
Dasurv, kuya. Dasurv.
"Makasabi ka kasi riyan na may boyfriend na ako! Wala. Akong. Boyfriend! Assignment, mayroon!"
Inirapan ko pa siya pero ang nakakainis kong kapatid, nginisian lang ako. Ang sarap niyang sabunutan!
Humarap siya sa 'kin na may makahulugang tingin sa mga mata niya.
"Wala? Eh sino kaya 'yong kahalikan mong lalaki kagabi? Akalain mo 'yon, may pumatol sa 'yo kahit na mukhang kalansay ka na sa sobrang payat?"
Humalakhak pa siya ng sobrang lakas pagkyatanong no'n, kaya 'yon, nakatikim siya ng sapak mula sa 'kin. Akala niya, ha!
"Buwisit ka kuya! Argh, isusumbong kita kay ate Rica!" parang bata kong sabi habang nakanguso.
Para akong bata na inagawan ng kendi ng kapatid niya. Nakakaasar talaga ang kapatid kong 'to kahit kailan.
Si ate Rica nga pala ay ang girlfriend ni kuya. Akalain mo 'yon, may papatol pa pala dito sa ungas kong kapatid? Akala ko kasi ay wala nang papatol pa sa kan'ya dahil mukhang pambubuwisit ng tao ang love language niya.
"Oh, talaga?" nang-aasar niya pang tanong bago ako tinaasan ng kilay at tinawanan ako.
Mas lalo lang siyang humalakhak dahil sa sinabi ko. Grrrr!
"Sige ka, isusumbong din kita sa ate Rica mo. Ano kaya ang magiging reaksyon no'n kapag nalaman niya na may kahalikan ka kagabi?" pang-aasar niya ulit sa akin na may kasama pang pagngisi.
Pssh, okay fine. Talo na ako.
Biglang uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang halikan namin ng stranger na iyon kagabi. Nakakaano. Nakakakilig.
Ugh! Ano ba 'tong sinasabi ko? At bakit ako kinikilig sa halik ng isang estranghero, huh? Mali ito. Mali!
"Namumula si Colline," pagpansin na naman sa akin ng kapatid ko bago sinundot ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.
Inirapan ko na lang siya at nauna na akong naglakad palabas ng bahay namin. Sumakay na ako sa kotse niya at dahil alam kong pinagmamasdan niya ako ay hinawakan ko ang steering wheel.
Pustahan tayo ng bente susunod agad si kuya sa 'kin in five... four... three... two... one...
"Huwag kang magd-drive, utang na loob!"
Kaagad na bumukas ang pintuan ng kotse. Pumasok si kuya sa driver's seat at itinulak ako papunta roon sa passenger seat na para bang isa akong langaw na napaupo roon sa trono niya.
Psh! Napairap na lang tuloy ako bago ipinagkrus ang magkabilang kamay ko sa aking dibdib.
Hingal na hingal pa siya at halyatang tinakbo niya nang mabilis 'yong daan mula sa bahay namin hanggang dito sa kotse niya. Para siyang sumali sa marathon dahil sa itsura niya ngayon.
"Phew," saad niya pa bago bumuntong hininga habang pinupunasan ang pawis niya sa noo gamit ang likod ng palad niya.
Napahalakhak na lang ako, at dahil doon ay sinamaan niya ako ng tingin.
"Chill, kuya," seryoso kong saad sa kan'ya, pero nahihimigan pa rin ang tawa sa boses ko. "Kahit naman inaasar mo ako ay hindi ko na gagawin 'yong ginawa ko dati sa kotse mo."
Naalala ko kasi noong nag-away kami ni kuya. Lambourgini pa 'yong kotse niya no'n. Inasar-asar ako ni kuya na para na raw akong bangkay kaya naman dali-dali akong pumasok sa kotse niya at pinaharurot ko iyon.
'Yong katulad ng mga napapanood ko sa mga telenovelas na nagwa-walk out 'yong bida? Feel na feel ko maging ganoon eh.
Pero nakalimutan ko... hindi nga pala ako marunoong mag-drive kaya naman nabangga ko 'yong kotse ni kuya sa isang bahay.
"A-Anoong ginawa mo sa kotse ko, bubwit!"
Halos mangiyak-ngiyak pa siya noon habang dinuro-duro ako. Samantalang ako, tawa ako nang tawa dahil sa tumutulong uhog mula sa ilong niya habang naiyak. Alam ko naman na mali ang nagawa ko noong panahon na 'yon pero hindi ko lang din talaga maiwasan ang tawanan siya.
Pagkatapos no'n ay sinabihan niya rin ako na hindi raw ako puwedeng magkakotse kaya naman ay naglalakad na lang din ako kapag pauwi ako sa bahay namin galing school.
Hindi ko alam kung 'yon ang ganti niya sa akin pero kung 'yon nga, isa siyang malaking buwisit.
Tapos bumili na siya ng Ferrari at ayaw man lang niya ipahawak sa akin ang susi. Noon kasi ako ang tagahawak ng susi ng kotse niya— pero kanina ay nahawakan ko iyon dahil kinuha ko na 'yon sa tagal niyang kumilos.
Ang masama pa ay iba rin ang kotse na ginagamit niya kapag ihahatid ako.
Napangiti na lang ako dahil sa naalala ko. Parang gusto kong makita ulit 'yong reaksyon niya dati tutal kanina pa naman niya ako pinagt-trip-an. Hmmm...
"I don't like that smile, Samantha," komento ni kuya nang makita niya ang itsura ko.
I'm sure na mukha akong witch ngayon dahil sa itsura ko.
Ningitian ko na lang si kuya ng pagkatamis-tamis— pero alam ko na ang bitter ng ngiti ko na yon— at napangiwi lang siya bago niya pinagana ang makina ng kotse niya.
"Seatbelt mo," paalala niya bago itinuro ang beywang ko.
"Yes, boss!"
"NANDITO na tayo, bumaba ka na. Susunduin ko pa si Rica," bored na sabi sa akin ni kuya bago binuksan ang pintuan.
Minsan, hindi ko na talaga alam kung kapatid nga ba niya ako, o baka naman isa akong lamok sa paningin niya?!
"Oo na, atat na atat sa labing-labing!" Agad naman akong bumaba at kumaway sa kan'ya na paalis na.
"Bye, kuya! Walang forever! Tandaan mo 'yan!" sabi ko habang nakangiti.
And I'm sure na naka-pokerface na naman 'yon ngayon dahil sa sinabi ko. Bahala siya riyan.
Masaya akong pumasok sa gate ng school namin. Binati rin naman ako ng mga kaklase ko dahil matagal-tagal na rin kaming magkakakilala rito.
"Good morning, Sam!"
"Hi, Sam!"
Sinuklian ko na lang ang mga bati nila ng isang tipid na ngiti.
Naglalakad ako papasok ng room namin nang makita ko ang ilang mga kaklase ko na babae na nakatingin sa isang lalaki.
Napakunot naman ang noo ko. Hmm? May transferee ba o kaya naman ay exchange student?
"Ano'ng meron, Icia?" tanong ko doon sa isa kong kaklase.
"Nag-transfer dito si Chester sa school natin, at kaklase natin siya!" masaya naman niyang sagot bago nagpapapalakpak, pero wala naman akong naintindihan.
Chester? Sino 'yon?
"Sino'ng Chester?" nagtatakang tanong ko.
Sikat ba 'yon? Artista? Gangster?
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin bago nagtaas ng kilay. Mas lalo akong nagtaka.
"Bakit?" tanong ko.
"Talagang hindi mo siya kilala?" nagtyatakang tanong niya sa akin, napakurap pa nga nang dalawang beses.
Umiling naman ako. "Sino ba kasi 'yon?"
"Naku, sumali ka na lang sa Theater Club para makilala mo!" sabi niya sa akin.
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Sinubukan kong sumilip doon sa tinitingnan nila pero bigla ring nagbago ang isip ko.
"Ayoko nga! Ano siya, chicks?" sagot ko naman kay Icia. Tinawanan niya lang ako.
Nah, 'di bale na lang. Tsk, wala naman akong mapapala kung malalaman ko kung sino ang Chester na 'yon, eh.
Pero maya maya lang ay hindi ko namalayan na nanghihingi na pala ako kay Icia ng form para makasali sa Theater Club. Iyon kasi ang paraan para makilatis ko ang Chester na iyon. Hindi ko kasi siya masyadong makita kapag nandito lang ako sa labas, eh.
Noong ma-realize ko ang ginagawa ko ay napangiwi na lang ako. What the heck? Bakit ba nacu-curious ako sa Chester the transferee na 'yan?
Bago ako pumasok sa room ko ay tumingin muna ako sa kan'ya nang huling beses.
Pero nagulat ako nang mahuli ko siya na nakatingin sa akin. 'Yong tingin niya na parang tumatagos na sa buong kaluluwa ko. Nakakatunaw.
Biglang uminit ang pisngi ko. Hala, bakit?
Agad kong ipinilig ang ulo ko pero maya-maya ay tumingin ako sa kan'ya at nahuli ko siya na nakatingin pa rin sa akin. He smiled at ipinagpatuloy na niya ang kung ano mang ginagawa niya roon sa loob ng theater club. Nahuli niya ako, buwisit! Nakakahiya.
Pero teka. 'Yong ngiting 'yon... bakit sobrang pamilyar no'n sa akin?
KABANATA 2:
"Hindi. Hindi na puwede. Kung ano ang sinimulan mo, dapat tapusin mo."
SAMANTHA'S POV
"ANO BA 'YAN, Sammy. Bakit ba lutang ka?" iritadong tanong sa akin ni Mich habang sino-solve niya 'yong assignment namin sa math.
Kokopya na lang ako sa kan'ya ng assignment. Tinyatamad na akong magpaturo eh. Hays. Kahit naman kasi ituro pa niya sa akin kung paano niya 'yon nakuha ay hindi ko rin 'yon maiintindihan kaagad. Wala na rin kasi talaga ako sa wisyo.
"Ewan ko. Nakalaklak yata ako ng Shampoo," sabi ko na lang habang nakatingin sa kawalan.
Bahala na kung tawagin ako ni ma'am. Magso-sorry na lang siguro ako.
Breaktime namin ngayon at nandito lang kaming dalawa ni Mich sa room ngayon. Ni hindi ako nakapag-concentrate sa unang klase namin kanina dahil sa presensiya ng Chester na 'yon sa likod ko kanina.
Kaya nga hiniram ko na lang 'yong notebook ni Mich sa Science dahil hindi ako nakakopya kanina. Ang bagal ko kasi magsulat, eh. Wala ako sa concentration. Tinatamad din ang kamay kong gumalaw dahil sa kakaisip.
Tama nga si Icia, naging kaklase nga namin si Chester the transferee. At habang nagpapakilala siya sa harapan kanina, hindi ko maialis ang tingin ko sa kan'ya.
At ganoon din naman siya sa akin.
Nagtitinginan kaming dalawa at no'ng napansin iyon ng mga kaklase ko ay bigla kaming naging sentro ng atensyon at naging tampulan ng pang-aasar. Sa inis ko ay pinagbabato ko ng eraser ang iba pero hindi naman sila tumigil sa panunukso sa amin.
Nakakainis. Kasi pati ako ay nakakaramdam na para bang may mga kung anoong nilalang na nag-iikot ikot sa tiyan ko. Alam kong baliw ako, pero alam kong hindi 'yon dahil sa gutom, kun'di sa presensiya ni transferee.
Uminom na lang ako ng juice para mawala na 'yong mga bumabagabag sa utak ko.
"Aha! Alam ko na!" biglaang sigaw ni Mich kaya napataas ang kilay ko. "Kaya ka lutang dahil sa bagong transferee, 'no?"
Sa sobrang gulat ko sa tanong niya, bigla kong naibuga 'yong iniinom kong juice. Mabuti na lang at sa may bintana ko naibuga 'yong juice at hindi mismo kay Mich.
"Sammy, bakit ka naman nag-fountain doon sa labas ng bintana?" tanong niya pa habang halata na nadudugyutan ito dahil sa ginawa ko. "Hala ka, baka may nabasa ka doon sa labas! Lagot ka Sammy!" dagdag niya pang pananakot pero inirapan ko lang siya habang pinupunasan ko 'yong labi ko.
"Kasalanan mo kaya 'to, Mich!" singhal ko. "Ano'ng klaseng tanong ba naman kasi 'yon 'di ba? Ano'ng dahil kay Chester kaya ako lutang?" maang-maangan ko pa.
Buti na lang at hidden talent ko na ang umarte kaya hindi napansin ni Mich na nagmamaang-maangan lang ako. Sadyang shy type lang talaga ako kaya hindi ako sumasali sa theater club kahit alam kong kaya ko naman, eh.
"Kasi nga 'di ba, inaasar kayo kaninang dalawa?" aniya bago sinundot-sundot ang braso ko na nagpangiwi sa akin. "Don't tell me na naapektuhan ka na sa isang lalaki ngayon, Sammy? Pinapatibok na ba niya ang virgin mong puso?" pang-aasar niya pa.
Well, NBSB kasi ako unlike Mich na nakakadalawang boyfriend na. Wala rin akong pakialam sa mga lalaki dito sa paligid, gaano man sila kaguwapo, dahil bukod sa sesermunan ako ng napakagaling kong kapatid ay wala talaga akong interes sa kanila.
Nakakapagtaka nga, eh. Bakit kaya hindi ako sinermunan ni kuya kanina, eh may kahalikan nga ako? Parang natuwa pa ang tukmol at inaasar-asar pa ako. Bata pa naman ako, ah. Bakit parang mas atat pa silang magkadyowa ako kaysa sa akin mismo? Change of heart na kaya siya? Parang dati lang ay ayaw niyang may umaaligid na lalaki sa akin, eh!
"Sinasabi mo?" tanong ko. Hindi ko itinago sa kan'ya ang inis sa boses ko.
"Weh?"
"Hindi, 'no! Pakialam ko sa Chester na 'yon? Psh!" pagtataray ko na lang sa kan'ya at uminom na ulit ako ng juice.
This time, hindi ko na ito ibinuga kun'di nilunok ko na.
"Pakopya nga ako," sabi ko sa kan'ya at kahit hindi pa siya pumapayag ay kinuha ko na 'yong libro niya at kinopya ko na ang solutions nito.
Ganoon ako kasiga, at ganoon din naman niya ako kamahal dahil kahit madalas ko siyang kopyahan ay hindi naman niya ako tinatakwil. Give and take rin naman kasi kami minsan.
"May magagawa pa ba ako?" sagot niya sa akin at inirapan ako.
Nag-peace sign na lang ako sa kan'ya at nagsulat na ako. Trivia about myself: Mabilis akong magsulat kapag nangongopya. Matawa na lang tuloy ako sa naiisip kong fact tungkol sa sarili ko. Minsan na nga lang makaisip ng fact, kalokohan pa.
"Salamat Mich! Ang bait-bait mo talaga, hoho!" masayang sabi ko kay Mich at ibinalik ko na 'yong libro niya.
"Aba, ang bilis mo magsulat, ah?" mangha niyang sabi sa akin.
"Syempre ako pa! Hohoho," proud na proud ko pang sabi habang nagpo-pogi sign ako.
Natawa na lang siya sa ginawa ko. Pakiramdam ko tuloy ay nakukuha ko na rin ang iilang mannerism ni Kristoff. Yikes! Bigla ko tuloy tinigil ang ginagawa ko nang ma-realize ko 'yon.
"Anyway, Mich," pagkausap ko sa kan'ya sa isang seryosong tono. Tumingin naman siya sa akin nang may pagtataka. "Sa tingin mo ba may pag-asa na makuha ako sa theater club?"
Kita ko ang pagkagulat niya sa tinanong ko. Napanganga pa nga ang bibig nito at hindi kaagad nakapagsalita.
At maya-maya lang, bigla niya nang niyugyog ang buong katawan ko habang sumisigaw.
"Of course, Sammy! You have the beauty, the brain, the potential, oh my gosh! Sasali ka na sa theater club?!" tuwang-tuwa na sabi niya sa akin habang nakangiti ng malapad.
Napatakip ako sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa mala-microphone niyang boses, eh! Jusko, hindi na tuloy nawala ang pagkakangiwi ko.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at kinuha ko 'yong form na hiningi ko kay Icia kanina. Kumislap ang mga mata ni Mich ng makita niya na hawak ko 'yong form. Sigurado kasi ako na alam niya 'yon dahil medyo matagal na rin mula nang pinilit niya akong sumali sa theater club.
Sayang daw kasi ang talent ko, pero wala naman siyang magagawa dahil hindi rin naman niya ako mapilit.
"Oh my gosh, kung kanino mang medyas ang nasinghot mo ngayong araw, sana ibigay niya na lang sa 'kin para lagi na lang kitang mapasinghot no'n araw-araw," bulong niya sa kasiyahan pero narinig ko naman.
Natawa na lang tuloy ako.
Well, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ang OA ng reaksyon niya no'ng sinabi ko na sa kan'ya na sasali ako sa theater club. Wala kasi akong self-confidence at wala rin akong sinasalihan na mga extra-curricular activities (ECA).
Top five ako sa school namin pero lahat ng grade ko doon ay sa academics lahat. Wala akong grades sa ECA kahit isa. Isa rin 'yon sa dahilan bakit g na g siyang pasalihin ako; para tumaas ang ranking ko.
Pero hindi 'yon ang pakay ko ngayon. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang Chester na iyon. Hangga't hindi ko kasi nasasagot ang tanong sa utak ko ay mananatiling palaisipan 'yon para sa akin. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang mga riddle na hindi nasasagot!
Nakakainis talaga, bakit kasi napakapamilyar niya sa akin? Aish! Tama na nga Samantha!
Kinuha ko 'yong ballpen ko at f-in-ill up-an ko na 'yong form. Nang matapos ko na 'yong pag-fill up ay iwinagayway ko na ito sa mukha ni Mich. Ngumiwi siya noong una pero tinawanan lang din niya ako pagkatapos.
"Tadaaaaa! Tapos na!"
"Sana makuha ka, Sammy! Galingan mo ah? Para magkasama na tayo!" pagc-cheer sa akin ni Mich habang nakangiti nang malapad at tumatalon-talon pa.
"Kaya nga, eh," sabi ko na lang. "Sana makapasa ako sa theater club. Aja!"
Nag-hand shake pa kami ni Mich bilang tanda ng pagkakaibigan namin. Well, pauso namin 'yan. Hoho.
At pagkatapos no'n, naglaro na lang kami ng bato bato pick habang nagpapalipas ng oras. Kahit tumanda man kami ni Mich ay mananatiling bata ang puso't-isipan naming dalawa, at wala ring makakatibag sa amin!
"Talo na naman ako? Dinadaya mo yata ako eh!" pagmamaktol ko habang nakasimangot.
"Hohoho!" tawa ni Mich at pinitik ang noo ko. "Paparatangan mo pa akong mandaraya, eh bano ka lang maglaro!" dagdag niya pang saad bago humalakhak.
Inirapan ko na lang tuloy siya.
Habang naglalaro kami ay biglang nilipad ng hangin 'yong form ko papunta sa may pintuan. Sa sobrang pagkataranta ko ay bigla ko pang nasapak si Mich dahil sakto ay bato rin ang ginamit kong pantira sa laban namin.
"Aray!" reklamo niya.
"'Yong form, buwisit ka, nilipad!"
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa may pintuan, pero napatigil ako nang may lalaking pumasok sa loob ng room namin... at walang iba iyon kung hindi si Chester.
"Shet..." halos hilingin ko na sa mga santo na sana ay bigla na lang bumuka ang lupa at lamunin ako nang biglang lumanding sa mukha niya ang papel, katulad ng mga napapanood ko sa tv.
Imbes na magalit ay nakakunot-noo lang ito bago inalis ang form sa mukha niya at hinawakan 'yon nang mahigpit.
Seryoso lang din ang itsura niya habang binabasa ang nakasulat doon, habang ako naman ay hindi mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para kunin sa kan'ya ang papel na 'yon.
"Sasali ka sa theater club, Miss De Jesus?" tanong niya sa akin bago tumaas ang kilay nito.
What? Kilala niya ako?
Ay teka, shonga. Binasa nga pala niya 'yong form ko.
"Opo," tipid na sagot ko.
Binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong tingin nang marinig ang sinabi ko. Lecheng Chester 'to, ah! Anoong meron sa tingin niya? Minamaliit niya ba ang kakayahan ko?! Hindi niya ba alam na magaling akong kumanta, sumayaw, at um-acting!
Ah, oo. Hindi niya alam dahil bukod sa transferee siya ay tinago ko rin ang mga talento kong iyon.
Nakasandal lang siya sa pader habang hinahawi niya ang buhok niya gamit ang kaliwang kamay niya at hawak naman niya ang form ko sa kanang kamay niya.
He looks cool.. yet hot.
"I'm the president of the theater club, miss Samantha," aniya habang nakangisi. "Biyernes. Alas-nuwebe nang umaga. Ipakita mo kung ano ang talento mo," makahulugan niyang sabi sa akin at naglakad na papunta sa upuan niya, which is sa likuran ko lang.
Kinuha na niya ang papel ko at sa panahong 'to ay isa na talaga ako sa mga mag-aaudition!
Napanganga na lang ako.
What the- president? 'Di ba transferee lang siya? What the heck? Paano nangyari 'yon?
Bigla akong tinamaan ng kaba habang nakatingin kay Chester. Parang ayoko na pala. Gusto ko nang magback-out. Paano naman ako makakapag-perform sa harapan niya?
"Uhm, puwede magback-out? Sa iba na lang siguro ako sasali," sabi ko sa nakaub-ob sa armchair niya na si Chester.
Nakaupo na ako sa upuan ko ngayon kaya nangangawit na rin ako sa kakalingon sa kan'ya. Si Mich naman ay panaka-naka lang ang tingin sa aming dalawa pero kita ko ang pagngisi nito habang kunwari ay may ginagawa siya. Sinipa ko tuloy siya sa ilalim ng lamesa, dahilan kung bakit napa-aray ito at tiningnan ako nang masama.
Pero nawala na ang atensiyon ko kay Mich nang biglang inangat ni Chester ang ulo niya. Napalingon ako ulit sa kan'ya at halos mahugot ko ang hininga ko nang makitang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
'Yong tibok ng puso ko... sobrang pamilyar nito sa akin. Parang naramdaman ko na ito dati.
Binigyan niya na naman ako ng isang nakakalokong ngiti.
"Hindi. Hindi na puwede. Kung ano ang nasimulan mo, dapat tapusin mo." seryosong sabi niya sa akin.
Hala, paano na 'to?
"Alam kong kaya mo 'yan. Good luck," pagc-cheer niya sa akin at... kinindatan niya ako.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito?
KABANATA 3:
Talaga bang hindi mo ako natatandaan, Samsam?
SAMANTHA'S POV
"Itigil mo nga 'yan, Mich! Ang creepy mo, alam mo 'yon?!" naiinis na sita ko kay Mich bago ko siya inirapan.
Paano ba naman kasi, kanina niya pa ako tinititigan. And hindi lang basta-basta titig, ha.'Yong tingin niya talaga sa akin ay 'yong tingin na hindi talaga kumukurap ang mata. Literal na nakatitig!
"Geez. Alam kong ang creepy ko pero hindi ko talaga maiwasang isipin, eh! Talagang nag eye-to-eye contact kayo ni Chester? Nagkalapit pa kayo ng mukha at... namula 'yong cute na cute mong cheeks!" exaggerated na sigaw niya sa akin habang tumatalon-talon pa siya sa kama ko.
Tapos na kasi ang klase at nandito kami ngayon ni Mich sa kuwarto ko. Nakitambay kasi muna siya sa bahay namin at wala pang tao sa bahay nila. Ayaw daw niyang mag-isa at natatakot siya.
Ewan ko ba sa babaeng 'to! Malapit na sa legal age pero ang duwag pa rin!
"Hoy babae, 'yong kama ko kapag nasira sasamain ka sa 'kin," pagbabanta ko sa kan'ya kaya naman agad siyang tumigil sa pagtalon pero halatang-halata pa rin sa mukha niya na kinikilig siya.
"Hehe. Sorry," nag-peace sign pa siya sa akin pero isang irap lang ang natanggap niya.
Umupo na ako roon sa dulo ng kama ko at napatingin na lang ako sa kawalan.Napabuntong-hininga na lang ako. Kada pipikit ako, laging si Chester ang pumapasok sa utak ko. Nakakainis!
Ginugulo niya 'yong utak ko!
SAMANTHA'S POV
"Itigil mo nga 'yan, Mich! Ang creepy mo, alam mo 'yon?!" naiinis na sita ko kay Mich bago ko siya inirapan.
Paano ba naman kasi, kanina niya pa ako tinititigan. And hindi lang basta-basta titig, ha.'Yong tingin niya talaga sa akin ay 'yong tingin na hindi talaga kumukurap ang mata. Literal na nakatitig!
"Geez. Alam kong ang creepy ko pero hindi ko talaga maiwasang isipin, eh! Talagang nag eye-to-eye contact kayo ni Chester? Nagkalapit pa kayo ng mukha at... namula 'yong cute na cute mong cheeks!" exaggerated na sigaw niya sa akin habang tumatalon-talon pa siya sa kama ko.
Tapos na kasi ang klase at nandito kami ngayon ni Mich sa kuwarto ko. Nakitambay kasi muna siya sa bahay namin at wala pang tao sa bahay nila. Ayaw daw niyang mag-isa at natatakot siya.
Ewan ko ba sa babaeng 'to! Malapit na sa legal age pero ang duwag pa rin!
"Hoy babae, 'yong kama ko kapag nasira sasamain ka sa 'kin," pagbabanta ko sa kan'ya kaya naman agad siyang tumigil sa pagtalon pero halatang-halata pa rin sa mukha niya na kinikilig siya.
"Hehe. Sorry," nag-peace sign pa siya sa akin pero isang irap lang ang natanggap niya.
Umupo na ako roon sa dulo ng kama ko at napatingin na lang ako sa kawalan.Napabuntong-hininga na lang ako. Kada pipikit ako, laging si Chester ang pumapasok sa utak ko. Nakakainis!
Ginugulo niya 'yong utak ko!
"Hoy Sammy, okay ka lang? Sabog ka na naman, ah," tanong ni Mich habang nagdududutdot sa cellphone niya. Mas okay na 'yan kaysa naman magtatatalon siya sa kama ko.
"Psh. Okay lang ako, 'no," sagot ko naman. "Pero ano kayang magandang talent para roon sa theater club sa friday?" dagdag ko pang tanong sa kan'ya habang inii-stretch ang braso ko.
Puwede kasi akong sumayaw, kumanta, o um-acting. Pero alin kaya roon ang mas magandang gawin?
"Singing, siyempre! Maganda ang boses mo kaya kumanta ka na lang!" pasigaw niyang sagot kaya napangiwi ako.
Para talagang loudspeaker ang babaeng 'to!
"Huwag ka nga lang sasayaw kasi matigas ang katawan mo— aray naman! Masama na bang magsabi ng totoo— Aray! Oo na oo na ang galing mong sumayaw!" paulit-ulit na pagdaing ni Mich habang hinahampas ko siya ng unan na hawak ko.
"Magaling ako sumayaw, huwag ka nga!" pagmamaktol ko. Mabilis naman akong kumuha ng steps, eh!
"In your dreams— Joke lang!" pagtigil niya sa pagsasalita nang ambahan ko ulit siya ng unan.
Ang sadista ko yata ngayon, ah. Tsk.
Nanahimik na lang ako at sumandal ako sa headboard ng kama ko. Napag-isip isip ko lang, bakit kaya napaka-feeling close ng Chester na 'yon?
At bakit feeling ko matagal ko na rin siyang kilala? Nagkita na ba kami dati? Weird, ah. Pero... parang kaparehas niya ng tangkad 'yong lalaking humalik sa akin noon. Pero hindi, imposible!
"Oy, Sammy. Ano'ng password ng wifi n'yo? Bagong wifi 'tong bananababa no?" tanong ni Mich at ipinakita sa akin ang cellphone niya.
Inirapan ko na lang siya bago kinuha ang phone sa kamay niya at t-in-ype ang password doon. Tuwang-tuwa naman ang bruha.
Napailing na lang ako sa reaksyon ng best friend ko at kinuha ko na lang 'yong cellphone ko at naglaro ng GTA, habang siya naman ay nags-social media dahil wala namang hilig sa laro ang babaeng 'yan.
"Ay gosh! OMG! Siomai!" biglang sigaw ni Mich na ikinagulat ko. Muntik pa akong mamatay sa laro!
"What? Bakit?" tanong ko pero ang gaga, nakatingin lang sa cellphone niya habang tumitili.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakapokus lang ako sa misyon ko, pero napangiwi ako nang bigla niya akong sinabunutan.
"OMG. OMG. Shocks! Ang haba ng hair mo, Sammy!"
"Aray, bruha- 'Yan, patay na tuloy ako!" pagmamaktol ko sa kan'ya nang mamatay ako sa laro.
Sino ba naman kasing hindi magugulat kung bigla na lang may sasabunot sa 'yo?
"Wala akong paki sa laro mo. Tingnan mo 'to, bilis!"
"Ano ba 'yan?" nakasimangot kong tanong pero hinila lang ako ni Mich papalapit sa kan'ya at ipinakita ang screen nito.
Hinila ako ni Mich papalapit sa kan'ya at ipinakita sa akin ang cellphone niya.
Nag-init ang pisngi ko sa nabasa ko.
Chester Natividad: Best friend ka ni Samantha ko, 'di ba? Sabihin mo nga sa kan'ya na i-accept na ang friend request ko.
"Tama ba 'yong nababasa ko?" tanong ko bago pumikit nang dalawang beses, pero nang basahin ko ang message niya ay ganoon pa rin ang nakita ko.
"Oo, Sammy! Inaangkin ka na niya, gagi!" aniya.
Natawa na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Mich.
Agad akong nag-online at inaccept ko na 'yong friend request ni Chester. Mabilis namang tumunog ang chat ko pagka-accept ko sa kan'ya.
Chester: Bakit ngayon mo lang ako in-accept?
Samantha: Ngayon lang kita nakilala. Duh.
Baliw yata 'tong isang 'to, eh. Akala niya ba ay nag-aaccept ako ng strangers? Hindi, 'no!
Chester: Talaga bang hindi mo ako natatandaan, Samsam?
Natulala ako saglit. Na para bang may biglang pumasok na hangin sa utak ko.
"Samsam, babalikan kita. Tandaan mo 'yan. Huwag na huwag mo akong kakalimutan, ha?"
"Hindi kita kakalimutan, promise. At hihintayin kita kahit hanggang kabilang buhay."
"Pangako?"
"Pangako."
"What the hell?" bulalas ko. Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya itong sumakit na para bang pinupukpok ang ulo ko. Makirot man ang ulo ko pero nagawa ko pa ring basahin ang chat niya.
Chester: Sorry. Huwag mo na lang isipin 'yong sinabi ko.
Iyan na ang huling reply niya sa 'kin at pagkatapos no'n ay naglog-out na siya. Hinagis ko ang phone ko sa kama habang hawak ng isa kong kamay ang ulo ko. Pinilit kong tumayo nang maayos pero hindi ko talaga kaya.
Argh. Mababaliw na yata ako sa sakit.
"Bakit, Sammy?" tanong ni Mich sa 'kin at kaagad akong inalalayan. "Ano'ng masakit sa 'yo?"
"Wala. Pagod lang 'to," mahina kong sabi kahit na iniinda ko 'yong ulo ko. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.
"Okay lang ako." mahina kong sabi habang pilit kong iniinda ang sakit ng ulo ko.
"Humiga ka na lang muna. Magsisinungaling ka pa sa akin, eh. Akala mo ba mapaglilihiman mo ako?" nakangisi itong umirap sa akin bago niya ako inihiga.
Maya maya lang ay mayroong kumatok sa pinto. Siguradong si kuya 'yon kaya mabilis ko ring inayos ang sarili ko. Si Mich na ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Pumasok si kuya sa loob at nagtaka siya nang makita niya na hawak-hawak ko ang noo ko. Hindi ko kasi maalis 'yon at parang binibiyak ang buong ulo ko.
"Masakit ang ulo mo?"
Tumango ako at hindi na nakapagsalita.
"Magpahinga ka na," saad niya bago humarap kay Mich. "At ikaw, Miasse Chynne Alvarez, may kasalanan ka sa 'kin. Mag-usap tayo."
"Fine- Aray ko hayop ka bakit ka nangkakaladkad?!" angil ng best friend ko nang bigla siyang hinawakan ni Kristoff at hinila palabas.
"Bye, Sammy!" pagpapaalam niya sa akin bago tuluyang sumara ang pintuan.
Napapikit na lang ako. Tss, makatulog na nga lang. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip ako.
Chester.
SamSam.
Ano ba 'yong mga 'yon?
"MICH, KINAKABAHAN ako. Puwedeng magback-out?" reklamo ko kay Mich habang palakad-lakad ako.
"Bawal nga, 'di ba? Saka memorize mo naman na 'yong kakantahin mo, eh," sagot niya. "And puwede ba, Sammy? Itigil mo 'yang kakalakad mo at nahihilo ako!"
Agad naman akong tumigil sa paglalakad ko at umupo na lang sa tabi niya. Ganoon pa man ay nanlalamig pa rin ang mga kamay ko.
Friday na kasi ngayon, at araw na ng audition kaya kinakabahan ako. Isang simpleng dress na color blue lang naman ang suot ko kaya medyo komportable ako. Memorize ko na rin 'yong kakantahin ko pero anak ng- bakit kinakabahan pa rin ako? Kapag nagre-report sa klase ay hindi naman ako ganito.
"Leche. Kung bakit ba naman kasi naisipan ko pa na sumali sa lecheng theater club na 'to- aray!" reklamo ko nang bigla niya akong suntukin sa braso.
"Huwag ka na ngang madaldal! Malapit ka ng tawagin, oh!" sita niya ulit habang nakasimangot.
Tumahimik na lang ako at hinintay ko na tawagin ng isa sa miyembro ng theater club 'yong pangalan ko.
"Samantha Colline De Jesus?" pagtawag ng isang lalaki kaya kaagad na itinaas ni Mich ang kamay ko. "Get in."
"Kaya mo 'yan, Sammy! Fighting!" pag-cheer ni Mich bago ako tumayo paakyat ng stage.
Tumahimik ang lahat kaya bigla akong na-awkward-an sa sarili ko.
"Si Samantha 'yan, 'di ba?"
"OMG, sasali siya?"
"Gusto kong makita kung ano'ng gagawin niya!"
Ilan lang iyan sa mga narinig kong bulungan ng mga ka-schoolmate ko.
Napatingin ako sa tatlong judge habang nakikinig. 'Yong isa, si Kayleigh Fujimoto na guest dito sa school. Ang alam ko ay sa ibang school siya nag-aaral. Pangalawa, si Diane Alquisola na queen bee rito sa Domino High. And lastly, sino pa ba? E'di si Chester the transferee.
Napaiwas ako ng tingin nang makita ko na napatingin si Chester sa 'kin. Argh! Bakit ako naiilang? Naiinis na ako sa kinikilos ko, ah!
KABANATA 4:
SAMANTHA'S POV
"Miss Samantha, ang cute mo naman po," puri sa akin ni Kayleigh.
Omo! Mas cute kaya siya! Namula ako dahil sa sinabi niya.
"Salamat po. Ikaw din po... cute," sabi ko na lang din bago sumilay ang ngiti sa labi ko.
Nakita kong natawa si Chester dahil sa pamumula ng mukha ko. Inirapan ko tuloy siya. Leche talaga 'to.
"Ano'ng talent mo?" biglang singit ni Diane na nakabusangot ang mukha ngayon habang nakatingin sa 'kin. Bakit naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ang isang 'to?
"Singing po," nahihiyang sagot ko.
"Then go! Ang tagal-tagal!" masungit niyang sabi sa 'kin.
Well, Diane Alquisola will always be Diane. Gan'yan talaga ang ugali niya but I never thought na ipapakita niya iyon sa harap ng maraming tao. Madalas kasi ay nagpapanggap siyang mabait pero hindi niya yata kaya sa akin.
Inirapan niya ako pero hindi ko siya inirapan pabalik. Sa halip ay umupo na ako roon sa upuan na nasa stage at ini-strum ko na 'yong gitara ko.
[Now Playing: Why Can't It Be - Nina]
Habang kinakanta ko 'to, iba't-ibang flashbacks ang pumapasok sa utak ko. Tungkol sa isang lalaki. Isang lalaki na hindi ko naman makita kung sino. Isang lalaki na hindi ko naman alam kung ano ang papel niya sa buhay ko.
"Samsam, gusto mo ba ako? Kasi ako, gustong-gusto kita," aniya. "Pero alam kong hindi puwede."
Sino ka? Sino ka ba na laging tumatawag sa akin ng Samsam?
Napatingin ako kay Chester at nakita ko rin si'yang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero kahit gano'n, hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kan'ya.
Nang matapos na ako kumanta ay nag-bow na ako sa harapan nila. Pumalakpak si Kayleigh at Chester ngunit si Diane ay matalim na nakatingin sa 'kin.
May nagawa ba akong kasalanan sa kan'ya? Bakit gan'yan siya makatingin? May inggit yata sa akin ang isang 'to.
"Congratulations, Samantha. You've passed the audition," matamblay na sabi ni Diane na para bang hindi siya masaya dahil pumasa ako.
"OMG! Yes, yes, yes!" rinig kong sigaw ni Mich sa likod.
Tinignan ko naman siya at 'yon, tumahimik ang bruha.
"Thank you po. Thank you!" masigla kong sabi bago ako nag-bow sa mga judges at bumaba ng stage.
Didiretso na sana ako papunta kay Mich pero nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko.
"Oh, Diane. Ikaw pala," sabi ko nang makita ko siya na masama pa rin ang tingin sa akin. "May sasabihin ka ba?" tanong ko pa pero hindi naman niya ako sinasagot.
Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako patay dahil sa titig niya.
"Okay. Alis na ako."
Maglalakad na sana ako paalis pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Naubos na tuloy ang pasensiya ko.
"Ano bang problema mo?" medyo iritado kong tanong sa kan'ya.
Nakakainis na, eh. Pinagmumukha niya akong tanga.
"Paano kung may isang lalaking naging parte ng buhay mo pero hindi mo siya maalala? Ano'ng gagawin mo?"
Literally, napanganga ako sa tanong niya. Ano 'to, telenovela? My amnesia guy ang peg?
Napatingin ako sa kan'ya bago tumaas ang kilay ko, pero inirapan niya lang ako.
"Well, I guess, wala kang gagawin. Kasi siya nga nag-eeffort para maalala mo siya, pero ikaw, wala ka man lang ginagawa para makaalala ka ng kahit kaunti tungkol sa kan'ya," mariin niyang sabi sa akin kaya napakunot ang noo ko.
Ano raw? Nahihibang na ba ang isang 'to?
May sasabihin pa sana siya pero bigla siyang pinigilan ng isang lalaki sa likod niya.
Si Chester.
"Tama na, Diane," awat niya habang nakatingin sa akin ng parang... malungkot?
Bakit siya malungkot?
Kasalukuyan akong nag-iisip kung ano ang dahilan para malungkot siya, pero kaagad din akong nabalik sa reyalidad nang marinig ang mga kataga ni Diane na sobrang tumagos sa puso ko.
"Wala kang kuwenta, Samantha."
"Tara na," mariing saad ni Chester bago hinila si Diane papalayo sa akin.
Ako? Walang kuwenta? Eh paano pa kaya siya?! Buwisit na Diane 'yon, ah!
"OMG, SAMMY! Congrats talaga. Ang galing mo kumanta! I'm so proud of you!" proud na proud na bati sa akin ni Mich habang niyayakap ako ng mahigpit.
Nandito kami ngayon sa school garden at nakytambay. Matapos kasi akong sabihan ni Diane ng "walang kuwenta" ay tumakbo na ako paalis at hinila ko na si Mich papunta dito sa school garden.
Baka kasi bigla akong makasampal ng tao. Kung girlfriend siya ni Chester, dapat ay matuto si Chester paano pakalmahin 'yong girlfriend niya! Akala mo naman kung sino na parang aagawan siya. Tsk!
"Haha. Syempre naman Mich ako pa ba? Ganda ko kaya," pagyayabang ko sa kan'ya.
Pinilit ko na lang na huwag alalahanin 'yong tungkol sa tingin ni Chester at sa mga weird na pinagsasabi ni Diane kanina.
Magsasaya na lang ako. Woohoo!
"Mich, tara shopping tayo!" pagyayaya ko sa kan'ya.
At ang bruha, biglang nagsaya nang marinig ang word na "shopping."
"Talaga? Talaga?! Sige-"
Naputol ang sasabihin sana ni Mich nang biglang may humawak sa braso niya.
"Miasse Chynne, mag-usap tayo," ma-awtoridad na utos ni kuya Kristoff kay Mich.
Napakunot ang noo ni Mich sa inutos ni kuya. Maging ako ay napakunot din ang noo dahil sa inaasta ni kuya ngayon.
Never pa siyang naging seryoso dahil palaging kalog 'yan. Mas loko-loko pa 'yan kaysa sa 'kin, eh. Pero ngayon, bakit gan'yan kaseryoso ang tingin niya kay Mich?
"Bakit na naman, Kristoff? Ipinaliwanag ko na ang lahat. Ano pa bang gusto mo?" mahinahon na sagot ni Mich habang nakikipagsabayan ng tingin kay kuya.
Wait... there's something fishy between them. Aba aba! Tapos hindi man lang nagkukuwento sa akin ang Mich na ito?!
Si kuya naging seryoso. Si Mich naging mahinahon ang salita. Ano'ng nangyayari? End of the world na ba?
"Gusto ko, Miasse? Ikaw."
"Ouch!" daing ko nang bigla akong malaglag sa kinauupuan ko.
What the- ano raw? May something-something ba na namamagitan kay Mich at kay kuya? Eh, paano na si Ate Rica na girlfriend ni kuya? Hala!
"What the fudge- wait lang Sammy, may pag-uusapan lang kami ng siraulong 'to," galit na utas ni Mich. "Halika rito Kristoff!" dagdag niya pa bago kinaladkad si Kristoff paalis ng school garden.
"Aww aww what the- Miasse!" rinig kong reklamo ni kuya bago pa sila makalayo ni Mich.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-iimagine ako ng kung ano ang nangyayari.
Hindi kaya... may secret relationship si kuya at Mich? At hindi na maitago ni kuya ang nararamdaman niya kay Mich kaya naman nakipag-break na siya kay ate Rica? Pero ayaw ni Mich nang idea na 'yon kasi malalaman din ng boyfriend ni Mich 'yong secret affair nila? Hala! Baka gano'n nga!
Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagco-connect connect ang mga hypothesis na pumapasok sa imagination ko.
This can't be... masasaktan silang lahat!
"Ate Sam!"
"Ay tokwa kutsinta!"
Halos mahimatay ako sa gulat nang biglang may tumahuwag sa akin mula sa likod ko. Siomai! Dapat talaga hindi na ako umiinom ng kape sa gabi, eh!
"Pft, ate Sam, okay ka lang po ba? Bakit po sa damuhan ka nakaupo kaysa sa upuan mismo?" natatawa at nagtatakang tanong ni Kayleigh habang nakatingin sa 'kin.
Siguro iniisip nito na ang weirdo ko. Pero, sino ba namang hindi?
"Ah, wala lang. Trip ko lang, hehe," sagot ko bago ako tumayo at pinagpagan ang dress ko.
Parang mushroom kasi 'tong si Kayleigh. Biglang sumusulpot. Mabuti na lang talaga at cute siya.
Tiningnan ko siya at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.
"Tawag ka ni kuya Chester sa backstage. May meeting daw ang mga new theater club members," sabi ni Kayleigh.
"Ah, sige. Pupunta na ako," sagotko naman bago inayos ang sarili ko.
Napatingin ako kay Kayleigh at napansin ko talaga na ang cute niya. Ang rosy pa ng cheeks niya. Halatang mayaman!
"Sige, Kayleigh. Aalis na ako, ah? Bye!" paalam ko sa kan'ya at maglalakad na sana ako paalis nang bigla niya akong hinila sa braso.
Naalala ko tuloy bigla si Diane. That freak. Ang sarap niyang sapatusin sa mukha.
"Oh, bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko, medyo masama ang loob dahil si Diane talaga ang naaalala ko. Buwisit na impakta 'yon!
Binitawan niya 'yong braso ko at kinalkal niya 'yong bag niya. Nagtaka ako nang may binigay siyang isang libro.
"Ito," sabi niya sa akin habang nakangiti.
Kinuha ko naman ito at binasa ko ang title nito.
"She's the lovely angel?"
Teka, wait. Ito 'yong best-selling novel doon sa national book store, ah? Palagi ko kasi 'tong nakikita na pinagkakaguluhan ng mga customer.
"Ikaw ang author nito?"
"Yep." Tumango siya. "True story 'yan. Basahin mo, ah?" sabi niya at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.
Tumango na lang ako sa kan'ya at itinago ko na ang libro sa bag ko.
Ang galing naman niyang gumawa ng story. Pangarap ko rin makagawa ng ganitong libro kaso pinangungunahan ako ng katamaran. Pangmasipag lang kasi ang pagiging writer, eh.
"Salamat, ah," sabi ko.
Ngumiti siya.
"Welcome. Sana pagkatapos mong basahin 'yong kuwento, may matutuhan ka na," makahulugan niyang sabi sa akin bago naglakad paalis.
"Bye, ate Sam!" Muli siyang lumingon sa akin at kumaway.
"Bye!" paalam ko rin at nagsimula na akong maglakad papunta sa backstage ng theater club room.
At habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Sana may matutuhan na ako? Saan naman?
KABANATA 5:
SAMANTHA'S POV
"ANG TAGAL naman nila. Psh," reklamo ko habang nakaupo ako sa isang upuan sa backstage.
Ako pa lang mag-isa dito at wala pa 'yong iba kong kasama na theater club members. Nakakainis. Kanina pa ako naghihintay dito.
At para hindi na ako ma-bore, kinuha ko na lang 'yong libro na ibinigay ni Kayleigh. Babasahin ko na sana ito pero napatigil ako dahil may biglang nagsalita sa may pintuan.
"Maganda 'yang libro na 'yan, si Kayleigh ang author ni'yan," mahinahon na sabi ni Diane at umupo sa tabi ko.
Napakunot naman ang noo ko. Bigla yata siyang bumait ngayon? Ano, bipolar lang?
"Alam ko, sinabi na niya sa 'kin 'yon kanina," bored na sabi ko at tinignan ko 'yong cover ng book.
Umurong din ako papalayo sa kan'ya dahil hindi ako 'yong tipo ng tao na basta-basta na lang nagpapatawad. Mapagtanim ako ng sama ng loob, alam ko 'yon.
Hindi na maganda ang impression ko sa kan'ya noong una pa lang, pero hindi ko alam na may mas ipapangit pa pala 'yon kapag nakausap ko na siya sa personal.
Ang ganda ng book cover. Isang babaeng nakaupo habang may hawak na pusa at pakpak sa likod nito habang nakatingin sa langit.
Ano kayang kinalaman nito sa contents ng story?
"Story 'yan ng kapatid ni Kayleigh at ng girlfriend niya," sabi ni Diane na nakapagpatigil sa ginagawa ko.
"May kapatid si Kayleigh?" tanong ko.
Tumango siya bago umirap. Oo nga, ang obvious naman kasi ng tinanong ko.
"May sakit 'yong kapatid ni Kayleigh na ang pangalan ay Kent, pero nagawa niya pa rin mahalin ang isang babae na nagngangalang Selene. Mahal nila ang isa't-isa, pero tadhana mismo ang humadlang sa kanila."
Hindi ako umimik at nakinig lang ako sa kan'ya. Spoiler 'tong isang 'to, pero puwede na rin.
"May amnesia 'yong babae. Pero ginawa niya ang lahat para makaalala siya. Ang masakit lang, hindi na siya nakaalala pa. May nangyari na hindi niya inaasahan."
Napatingin ako kay Diane at nakita ko na pinunasan niya ang luha niya bago niya ipinagpatuloy ang kuwento niya. Sa tingin ko naman ay hindi siya nag-iinarte ngayon.
"Hanggang huli, hindi na nalaman ng babae 'yong nakaraan niya."
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin nang may bahid ng lungkot sa mga mata niya.
Bakit?
"Samantha, papayag ka ba na ganoon din ang mangyari sa 'yo? Na manatili kang walang alam hanggang sa mahuli na ang lahat?" tanong niya.
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niyang 'yon. Napabuntong hininga na lang siya bago muling naglakad palabas ng silid.
"LATE na late na kayo. Pumunta pa kayo?" bulong ko nang dumating na si Diane at Chester.
Nakaakbay pa si Chester kay Diane at nakasandal naman si Diane sa dibdib ni Chester. Kanina lang ang bait, tsk. Ahas talaga. Dapat sa kan'ya sa gubat naninirahan, eh.
Hindi ko alam pero napatitig ako sa kanilang dalawa.
Bagay sila, leche. Pero mas bagay kami. May chemistry kaya kami, tapos sila wala!
Teka nga, bakit ako naiinis? At saka ano ba 'tong pinagsasasabi ko?
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi ni Diane.
Sa ngisi niyang iyon, parang gusto ko na talaga si'yang bunutan ng buhok.
Sige pa, inisin mo pa ko. Sisiguruhin kong kalbo ka kapag nakaidlip ka rito sa theater club room.
"Sa inyong lahat na bagong members ng theater club, congrats dahil official members na kayo ng theater club!" masayang pagbati sa amin ni Diane sabay tingin sa akin.
Bigla na naman niya akong inirapan!
Sa totoo lang, gusto ko nang sumimangot kanina pa pero pinipigilan ko lang. Binigyan ko na lang siya ng isang pilit na ngiti at saka nag-iwas ng tingin.
"Anyway, may bago tayong play na gagawin. Ang title ay A Cinderella Story," pagpapaliwanag niya.
"Ches, ipamigay mo nga 'yong script sa kanila. Pretty please," pa-cute na sabi ni Diane sabay pout pa sa harapan ni Chester with matching hawak pa ng kamay sa kan'ya.
Kapal ng mukha, akala mo naman ang ganda niya eh di-hamak na mas maganda at mas cute naman ako sa kan'ya!
Hindi ko na namalayan na nakakuyom na pala ang kamao ko. Pilit akong ngumiti nang magtama ang mga tingin namin ni Chester.
Nakakaasar! Argh! At mas naaasar ako dahil hindi ko alam kung bakit ako naaasar!
"No need to do that. Tss," inis na sabi ni Chester kay Diane sabay ipinamigay ang mga flyers.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas matapos ang eye-to-eye contact namin ni Chester pero bakit gano'n? Parang naa-attach ako sa kan'ya ng sobra?
Ang landi ko naman sa part na 'yon.
"Samantha."
"Samantha."
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Chester at iwinawagayway sa mukha ko 'yong papel.
Agad ko naman itong kinuha bago tumikhim. Ang tagal ko bang tumulala?
"Salamat," cold na sabi ko.
Ngumiti naman siya sa 'kin at namigay na ng papel sa iba pa naming members.
Binasa ko na 'yong title.
A Cinderella Story.
"Ang ganda ng title, 'no?"
Nagulat ako nang may isang lalaki ang tumabi sa akin at kinausap ako.
Isang lalaking mestiso, chinito, at makinis ang mukha. Kada magsasalita rin siya ay lumilitaw ang dimples niya na nakakapag-distract sa akin. Messy din ang buhok niya na bumagay naman sa kan'ya.
He looks like the boy next door.
"Weird kaya. Bakit Cinderella?" sagot ko naman sa kan'ya.
Ano 'to, fairytale ang peg?
Nagkibit-balikat lang siya at binasa na ang script na ibinigay ni Chester sa kan'ya.
"Anyway, Slade nga pala," pakilala niya sa akin at nilahad niya ang kamay niya.
Agad ko naman itong kinuha bago tumikhim. Ang tagal ko bang tumulala?
"Salamat," cold na sabi ko.
Ngumiti naman siya sa 'kin at namigay na ng papel sa iba pa naming members.
Binasa ko na 'yong title.
A Cinderella Story.
"Ang ganda ng title, 'no?"
Nagulat ako nang may isang lalaki ang tumabi sa akin at kinausap ako.
Isang lalaking mestiso, chinito, at makinis ang mukha. Kada magsasalita rin siya ay lumilitaw ang dimples niya na nakakapag-distract sa akin. Messy din ang buhok niya na bumagay naman sa kan'ya.
He looks like the boy next door.
"Weird kaya. Bakit Cinderella?" sagot ko naman sa kan'ya.
Ano 'to, fairytale ang peg?
Nagkibit-balikat lang siya at binasa na ang script na ibinigay ni Chester sa kan'ya.
"Anyway, Slade nga pala," pakilala niya sa akin at nilahad niya ang kamay niya.
Tataasan ko sana siya ng kilay kaya lang mukha naman siyang approachable. At saka, dapat maging friendly ako lalo na at ngayon lang ako nakasali sa isang org.
"Samantha," sagot ko naman at kinuha ko ang kamay niya para makipag-shake hands.
"I know," sabi niya habang nakatingin sa 'kin at nakangiti nang malapad.
"Ha? Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ko.
"Samantha," sagot ko naman at kinuha ko ang kamay niya para makipag-shake hands.
"I know," sabi niya habang nakatingin sa 'kin at nakangiti nang malapad.
"Ha? Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ko.
Sikat na pala ako ngayon?
"Sino ba naman ang hindi? Kilala ka sa bawat sulok ng school na 'to, Samsam. Hindi mo lang alam."
Automatic akong napalingon sa kan'ya nang tawagin niya ako ng Samsam.
Magtatanong pa sana ako sa kan'ya pero bigla siyang tumayo at lumayo sa akin.
"Sandali lang—"
Hahabulin ko sana si Slade pero napatigil ako nang biglang may dumamba sa akin ng yakap.
"Sammy! I missed you!"
"Mich! Bitaw— Bitaw! Hindi ako makahinga!"
Lumagapak ako sa sahig nang dahil kay Mich na nakadagan sa 'kin.
Napahawak ako sa likod ko dahil pakiramdam ko nabali ang mga buto ko.
"Hala, sorry, Sammy!" utas ni Mich at umalis na sa pagkakadagan sa akin bago nag-peace sign.
Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo niya ako doon sa inuupuan ko kanina.
"Okay ka lang?"
Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Chester nang may pag-aalala sa mga mata nito.
Tumango na lang ako sa kan'ya habang hawak-hawak ko ang likod ko at bahagyang minamasahe iyon. Lokreng na Mich talaga, isusumbong ko siya sa boyfriend niya, eh! Grrrr!
"Ches," tawag ni Diane sa kan'ya.
"Sa susunod, mag-iingat ka naman," concern na sabi niya sa akin bago siya naglakad papalapit kay Diane.
May pinagme-meeting-an yata sila. 'Yong tungkol sa project namin.
"Concern sa kan'ya si Chester, oh? Wew," pang-aasar sa akin ni Mich.
Inirapan ko na lang siya at binasa ko na 'yong script ulit.
Nagulat ako nang biglang hablutin ni Mich 'yong papel na hawak-hawak ko. Ano ba 'yan, hindi na ako natapos-tapos sa pagbabasa!
"Woi, pahingi rin ako ng ganito!" sigaw ni Mich doon sa katabi niya na hindi ko kilala kung sino.
"Hoy Miasse, huwag ka ngang sumigaw. Para ka talagang nakalunok ng microphone."
Napalingon kaming lahat doon sa biglang nagsalita sa may pintuan.
"Hoy, Kristoff De Jesus! Kanina ka pa ah! Huwag ka ngang epal!" tugon ni Mich.
"Sino ba naman ang hindi? Kilala ka sa bawat sulok ng school na 'to, Samsam. Hindi mo lang alam."
Automatic akong napalingon sa kan'ya nang tawagin niya ako ng Samsam.
Magtatanong pa sana ako sa kan'ya pero bigla siyang tumayo at lumayo sa akin.
"Sandali lang—"
Hahabulin ko sana si Slade pero napatigil ako nang biglang may dumamba sa akin ng yakap.
"Sammy! I missed you!"
"Mich! Bitaw— Bitaw! Hindi ako makahinga!"
Lumagapak ako sa sahig nang dahil kay Mich na nakadagan sa 'kin.
Napahawak ako sa likod ko dahil pakiramdam ko nabali ang mga buto ko.
"Hala, sorry, Sammy!" utas ni Mich at umalis na sa pagkakadagan sa akin bago nag-peace sign.
Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo niya ako doon sa inuupuan ko kanina.
"Okay ka lang?"
Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Chester nang may pag-aalala sa mga mata nito.
Tumango na lang ako sa kan'ya habang hawak-hawak ko ang likod ko at bahagyang minamasahe iyon. Lokreng na Mich talaga, isusumbong ko siya sa boyfriend niya, eh! Grrrr!
"Ches," tawag ni Diane sa kan'ya.
"Sa susunod, mag-iingat ka naman," concern na sabi niya sa akin bago siya naglakad papalapit kay Diane.
May pinagme-meeting-an yata sila. 'Yong tungkol sa project namin.
"Concern sa kan'ya si Chester, oh? Wew," pang-aasar sa akin ni Mich.
Inirapan ko na lang siya at binasa ko na 'yong script ulit.
Nagulat ako nang biglang hablutin ni Mich 'yong papel na hawak-hawak ko. Ano ba 'yan, hindi na ako natapos-tapos sa pagbabasa!
"Woi, pahingi rin ako ng ganito!" sigaw ni Mich doon sa katabi niya na hindi ko kilala kung sino.
"Hoy Miasse, huwag ka ngang sumigaw. Para ka talagang nakalunok ng microphone."
Napalingon kaming lahat doon sa biglang nagsalita sa may pintuan.
"Hoy, Kristoff De Jesus! Kanina ka pa ah! Huwag ka ngang epal!" tugon ni Mich.
Napangiwi na lang ako sa lakas ng boses ni Mich. Tama nga si kuya, para nga siyang nakalunok ng microphone.
Nginisian lang siya ni kuya at tumingin sa akin. Infairness, ah. Ang guwapo ng kuya ko habang feel na feel niya ang pagsandal sa pader at pagmo-model. I-apply ko kaya 'to sa Bench?
"Colline, hihintayin kita sa main gate. Sabay tayong uuwi," huling sabi ni kuya bago siya naglakad paalis.
"Pasensya na sa kalokohan ng kuya ko. Sige balik na ulit kayo sa ginagawa n'yo," paghingi ko ng paumanhin sa members dahil ang feelingero kong kuya ay ginambala ang meeting namin.
Nagtaka ako nang makita ko 'yong ibang members ng theater club na nakanganga.
"OMG, kuya mo 'yon, Sam?"
"Ang guwapo!"
Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasasabi nila.
Yuck, 'yong kuya kong 'yon, guwapo? Never!
"Guwapo? Saan banda?" rinig kong bulong ni Mich kaya bigla ko siyang sinapak sa braso.
Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan ko naman siya.
Binasa niya 'yong script at napakunot 'yong noo niya no'ng binasa niya 'yong title.
Nginisian lang siya ni kuya at tumingin sa akin. Infairness, ah. Ang guwapo ng kuya ko habang feel na feel niya ang pagsandal sa pader at pagmo-model. I-apply ko kaya 'to sa Bench?
"Colline, hihintayin kita sa main gate. Sabay tayong uuwi," huling sabi ni kuya bago siya naglakad paalis.
"Pasensya na sa kalokohan ng kuya ko. Sige balik na ulit kayo sa ginagawa n'yo," paghingi ko ng paumanhin sa members dahil ang feelingero kong kuya ay ginambala ang meeting namin.
Nagtaka ako nang makita ko 'yong ibang members ng theater club na nakanganga.
"OMG, kuya mo 'yon, Sam?"
"Ang guwapo!"
Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasasabi nila.
Yuck, 'yong kuya kong 'yon, guwapo? Never!
"Guwapo? Saan banda?" rinig kong bulong ni Mich kaya bigla ko siyang sinapak sa braso.
Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan ko naman siya.
Binasa niya 'yong script at napakunot 'yong noo niya no'ng binasa niya 'yong title.
KABANATA 6:
SAMANTHA'S POV
"A Cinderella Story? What the heck? Bakit ang corny— aray naman Sammy! Masama na bang magsabi ng totoo— Ouch! Oo na tatahimik na ako!" paulit-ulit na pagdaing ni Mich habang hinahampas ko ‘yong braso niya.
Bakit ba kasi napakastraight forward nitong best friend ko?
"Hey bitch, watch your mouth," biglang sabi ni Diane na nakikinig pala sa amin.
Geez, isa pa 'tong si Diane eh. Medyo sabog ang ugali. Minsan mabait, pero madalas masungit. Unpredictable ang takbo ng utak.
Hindi sila puwedeng pagsamahin ni Mich. Baka magkaroon ng world war III.
"Makasabi ka naman ng bitch, akala mo ikaw hindi," sagot naman ni Mich at humagalpak ng tawa.
"Saka anong watch your mouth? Paano ko mapapanood ‘yong bibig ko eh ‘yong bibig ko nasa baba tapos ‘yong mata ko nasa taas? Bobo lang?" tuloy-tuloy na sabi ni Mich, walangbalak magpapigil.
Muntik na akong mapatawa sa sinabi ni Mich pero buti na lang at napigilan ko.
Akmang sasabunutan na siya ni Diane pero mabuti na lang at napigilan siya ni Chester.
"Tama na, Diane," pigil ni Chester. "Why are you so violent?"
"No, Ches. Dapat mabigyan ng leksyon 'tong lecheng babaeng 'to!" sigaw ni Diane at dinuro-duro pa si Mich.
Tinaasan siya ng kilay ni Mich kaya naman kinurot ko siya ng palihim. Mukhang sentimental para kay Diane ang script na 'to. Marunong naman ako magpahalaga ng damdamin kahit papaano.
"Ouch," bulong niya at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi mo alam kung gaano kahalaga kay Ches ang title na ‘yon kaya manahimik ka na lang!" sigaw ni Diane kay Mich.
At sa sinabing iyon ni Diane, biglang nag-iba ang ekspresiyon ng mukha ni Mich. Naging guilty ito. I knew it. Kaya ganoon na lang ang galit ni Diane nang sabihin ni Mich na pangit ang title niya.
"Ba—kit?" tanong ni Mich.
Naging malungkot ang ekspresiyon ni Chester.
Parang bigla rin akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko.
"Cinderella..." utas niya.
"Cinderella ang paboritong palabas ng babaeng mahal ko noong naaalala niya pa ang lahat..." aniya.
"Aalis na ako. Sa susunod na linggo na lang natin ipagpatuloy 'to," huling paalam niya at naglakad na paalis.
Nakaramdam ako ng lungkot abang nakatingin ako sa kan’ya. At habang paalis siya, may bigla akong naalala.
Si Cinderella ang favorite ko.
HINDI NAMAN nagtagal at nag-dismiss din sila Diane sa amin. Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Mich na ngayon ay palakad-lakad na sa harapan ko.
Uwian na kasi namin ngayon. Tapos na ang meeting namin at kasalukuyan naming hinihintay si kuya ngayon na nagsabi kanina na isasabay niya raw ako pauwi.
"Ang tagal naman ng bruho na ‘yon. May gagawin pa ako, eh," rinig kong bulong niya.
"Mich, iwan mo na ako dito. Hihintayin ko na lang si kuya," sabi ko pero umiling lang siya.
"Hindi puwede, 'no! Dapat may kasama ka lagi!" sabi niya sa akin at umupo na sa tabi ko.
Tahimik lang kami na nag-aabang sa kuya kong napakakupad. Hanggang sa may bigla na lang pumito sa harapan namin.
"Colline, halika na," sabi ni kuya nang ibinaba na niya ang windshield ng kotse niya.
Agad namang tumayo si Mich at nagpaalam na sa akin.
"Oh, Sammy. Nand’yan na pala ang bruho mong kapatid kaya aalis na ako ah? Bye," paalam niya sa akin at maglalakad na sana siya paalis nang may humila sa braso niya.
Si kuya 'yon. Bumaba talaga siya ng sasakyan para lang mapigilan ang best friend ko. Haba ng hair, ah?
"Oh, ano na namang kailangan mo?" iritadong tanong ni Mich.
"Ikaw nga," sagot naman ni kuya habang nakangisi.
"Leche! Gago!" saad ni Mich, halatang nauubusan na ng pasensiya.
"Ano'ng sabi mo? I love you?"
Humalakhak pa si kuya kaya napatawa na lang ako habang naiiling sa mga pinaggagagawa nila. Tama nga ako, may something nga sa dalawang 'to.
Pero kung tutuusin, mas gusto ko si Mich para sa kapatid ko kaysa kay ate Rica. Sa totoo lang talaga, pero ayaw ko rin namang manghimasok sa buhay ng kapatid ko. Mas matanda pa 'yon sa akin kaya alam ko na alam niya ang ginagawa niya.
Sumakay na ako sa backseat ng kotse ni kuya at pinanood ko lang silang magbangayan doon.
Napahalakhak ako nang makita ko na binuhat ni kuya si Mich na parang sako. ‘Yong style na ‘yong likod lang ni kuya ang nakikita ni Mich at hawak-hawak ni kuya. Ganoon na ganoon ang itsura nila ngayon.
"What the hell Kristoff! Let me go!" rinig kong sigaw ni Mich habang pinapalo ang likod ni kuya.
"I wont, Miasse. Kapag binibitawan kita, lagi kang lumalayo," seryosong sagot ni kuya.
Mas lalo akong napahalakhak dahil sa itsura nilang dalawa. Para silang magjowa na may LQ.
Binuksan na ni kuya ang pinto at inihagis niya si Mich sa passenger seat. Mabilis naman siyang pumasok sa driver's seat pagkatapos no'n.
Uulitin ko. INIHAGIS. Kamuntikan pang mauntong ang ulo ni Mich sa bintana. Alam n'yo na siguro kung ano ang naging reaks’yon ni Mich the straightforward girl ‘di ba?
"Argh! Kristoff De Jesus! Walanghiya ka!" sigaw ni Mich habang sinisipa ‘yong pintuan ng kotse ni kuya.
Napailing na lang si kuya at pinaandar na ‘yong sasak’yan. Ni-lock ni kuya ‘yong pinto ng kotse kaya hindi makalabas si Mich. Ang talino ni kuya kahit baliw siya!
"I hate you! I hate you! I hate you, Kristoff!" sigaw ni Mich habang pinagsisipa pa rin ‘yong pintuan ng kotse ni kuya.
Hindi ka ba nauubusan ng energy, Mich? Napabuntong hininga na lang ako pero ganoon pa man ay naaawa rin ako sa kotse niya.
Naaawa na ako sa kotse ni kuya. Pft.
"I love you too," sagot naman ni kuya at kumindat pa kay Mich.
Gusto ko nang humagalpak sa tawa dahil sa pamumula ni Mich, sa galit nga lang.
Pero nawala ang pokus ko sa kanila nang biglang mag-ring ang phone ko. Nang tiningnan ko ito ay nakita kong unregistered number ito.
Sino naman kaya 'to?
"Hello? Sino 'to?" tanong ko roon sa tumawag.
Narinig kong nagbuntong hininga pa ‘yong caller bago siya sumagot.
"Magkita tayo ngayon sa Park. May pag-uusapan lang tayo saglit."
Hmm, teka, pamilyar ang boses niya ah? Saan ko nga ba narinig ang boses niya?
Teka...
"Sino ka nga?" tanong ko ulit.
Tumingin sa akin si kuya gamit ang salamin sa unahan. Nakakunot ang noo niya at parang nagtatanong kung sino ang tumawag sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Natawa naman si Mich kaya sa kan'ya ulit nabaling ang atensiyon ni kuya.
Kaya ko nga tinatanong 'yong caller dahil hindi ko alam kung sino siya, eh.
"Tss." Sinamaan ako ni kuya ng tingin ni kuya at ibinalik na ulit ang tingin doon sa daan.
Samantalang si Mich, nakabusangot pa rin ang mukha at tila hindi maipinta. Ano kaya talaga ang issue ng dalawang 'to? Curious man pero hindi ko naman sila matanong.
"Slade," maikling sagot niya sa akin at pinatay na ‘yong telepono.
"What the fudge?" iyon na lang ang nasabi ko bago ko inilagay ‘yong cellphone ko sa bulsa ko.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Importante kaya ‘yon?
Pupunta ba ako?
Hmmm...
"Kuya, ibaba mo ako sa Park. Dali," utos ko kay kuya.
Pupunta na ako. Baka brokenhearted ‘yon at kailangan lang ng makakausap.
"Bakit?" nang-uusisang tanong niya.
Ang chismoso nitong kapatid ko, ah. Tsk.
"Nandoon‘yong kaibigan ko. Magpapasama sa akin pumunta sa mall," bored kong sagot.
"Sino'ng kaibigan?" tanong niya ulit.
"Si Icia."
"Babae?" tanong niya pa.
Tumango ako.
"Okay. Basta huwag kang magpapagabi kun'di malilintikan ka sa ‘kin," pagbabanta niya.
"Psh. Opo na," sagot ko at umirap ako sa kan’ya. Ginagawa niya talaga akong bata!
Okay, I lied. Sinabi ko na si Icia ang kasama ko kahit na si Slade talaga ang makakausap ko. Eh hindi ako papayagan ni kuya kapag sinabi kong lalaki ang kasama ko, eh. Gusto yata nito sa babae lang mag-revolve ang buhay ko.
"Sama ako, Sammy!" sabi ni Mich na biglang napangiti.
"Sige," matamblay kong sagot kasi nag-iisip ako.
Well, good idea rin na isama si Mich para naman hindi awkward mamaya sa pag-uusap namin ni Slade. Madaldal pa naman ‘yan si Mich. May experience pa sa lovelife kaya magaling mag-advice.
Nag-drive na si kuya at maya maya lang, itinigil na ni kuya ‘yong kotse sa park.
"Baba na, Colline," utos ni kuya.
Wow ah, hindi naman halatang pinapaalis na niya ako 'no?
Agad naman akong bumaba at hinintay si Mich na sumunod sa akin.
Pero hindi siya nakababa dahil pinaharurot ni kuya ang sasakyan.
"Hoy! Walangya ka talaga Kristoff!" rinig ko pang sigaw ni Mich bago sila tuluyang nakalayo.
Tss. Parang baliw talaga 'tong si kuya! Bakit ayaw niya pa hiwalayan si ate Rica kung si Mich naman pala talaga ang gusto niya?
"Bakit nakabusangot ka riyan, Samantha?" sabi ng isang pamilyar na boses.
Napalingon ako sa kan’ya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.
KABANATA 7:
SAMANTHA'S POV
"Chester? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman.
Ito na naman ‘yong abnormal na tibok ng puso ko. Magpa-check up na kaya ako sa doktor?
"Naglilibot. Ikaw?" tanong niya habang nakapamulsa ang mga kamay niya.
"Ah. Wala lang. May hinihintay lang na kaibigan." I lied.
Hindi ko naman kasi kaibigan si Slade, eh. Kanina ko nga lang siya nakilala.
Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Slade na nakapuwesto nang medyo malayo sa akin.
"Ah, Chester. Aalis na ako ah?" paalam ko sa kan’ya.
He smiled. "Sige. Ingat ka."
Maayos naman pala kausap ang isang 'to kapag gabi. Kumaway ako sa kan’ya at ngumiti lang siya sa ‘kin. Naglakad na ako papunta sa kinalulugaran ni Slade ngayon.
"Upo ka," utos niya at tinapik ‘yong bakante sa tabi niya. Kaagad naman akong umupo roon.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko.
Hindi siya agad sumagot. Imbes ay nilantakan niya muna ang pagkain na hawak niya bago magsalita.
"Wala ka pa rin bang naaalala?" tanong niya.
I frowned.
"Ano'ng pinagsasasabi mo riyan?" nawe-weird-uhan kong sagot.
Ang we-weird ng mga tao ngayong araw, ah. Una, ‘yong lalaking nagnakaw ng halik sa ‘kin na pilit kong kinalimutan ang mukha dahil sa kahihiyan. Pangalawa, si Kayleigh na nagbigay ng libro sa ‘kin tungkol sa isang babaeng may amnesia. Pangatlo, si Diane na napakasungit sa akin.
At panghuli itong si Slade na napakamisteryoso.
Pero wait... bakit hindi ko isinama si Chester sa mga taong tingin ko ay nawe-weird-uhan ako?
Ay, ewan.
Nagulat ako at nagtataka na napalingon kay Slade nang hawakan niya ang kamay ko.
"Pakiusap naman Samantha, gumawa ka na ng paraan kasi sobrang nasasaktan na siya," huli niyang sinabi bago siya naglakad palayo at iwan akong mag-isa.
Napatulala na lang ako.
Paraan? Anoong paraan?
At sino na ang nasasaktan ko?
Gusto ko mang isipin ang tungkol sa bagay na 'yon pero hindi ko na lang ginawa.
"WOW, PLAYGROUND!" masayang sabi ng isang batang babae habang tumatakbo papunta sa swing.
I think nasa eight years old na yata siya o nine. Masyado pa siyang bata. Umupo siya sa swing at sinubukang mag-swing nang mataas pero hindi niya magawa.
"Gusto ko pa naman magswing ng mataas... 'Yong parang lumilipad," pagmamaktol ng bata.
Inuga-uga na lang muna ng bata ang swing hanggang sa may makita siyang dalawang batang lalaki na papunta roon sa monkey bar ng playground.
'Yong isang batang lalaki, mukhang mabait. Palangiti at masayahin. At ‘yong isang lalaki naman, cold. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakunot ang noo.
'Yong batang mukhang mabait ay nanatili lang na nakatayo roon sa gilid ng monkey bar, at ‘yong lalaking cold naman ay nagsimula nang sumabit doon sa monkey bar.
Hanggang sa makaisip siya ng isang maganda idea. Halata naman kasi sa mukha niya. Ewan ko rin kung bakit ako nandito. Bakit ko nga ba sila pinanonood?
"Bata! Bata! Hoy, batang lalaki na nag-aala monkey sa monkey bar!" sigaw ng babae.
Nakakunot naman ang noo na napalingon sa kan’ya ang lalaki.
"Bakit?" masungit na tanong nito.
"Saglit lang," paalam ng lalaki roon sa kasama niya bago lumapit sa babae.
"Tulak mo naman 'to, oh. Dali na," pagmamakaawa ng babae at nagpout.
"Tss," tanging nasabi ng lalaki at tinulak-tulak ‘yong swing ng babae. Kaagad namang napangiti ang babae dahil doon.
Ang rupok, ah. Napangiti na lang din tuloy ako. Mga bata talaga.
"Yey! Ang bait mo naman! Salamat, ah?" nakangiting saad ng babae sa lalaki.
Nakita kong tumalikod ‘yong lalaki pero kitang-kita ko sa puwesto ko na napangiti siya.
Akala ko 'yong babae lang ang marupok. 'Yong lalaki rin pala.
"Hija, hinahanap ka na ng kapatid mo," sabi ng yaya niya yata roon sa babae.
"Ah, sige po yaya susunod na po ako. Oy ikaw, salamat ulit ah?" pang-siga na sabi ng babae sa lalaki.
Hindi siya pinansin ng lalaki. Bagkus at tiningnan niya lang ang babae.
Napatingin din ako doon sa babae. Maganda siya, palangiti at halyatang masayahin.
May kamukha siya. Hindi ko lang matandaan kung sino. Hmmm...
"Ang sungit mo naman, bata! Pero okay lang, friends na tayo. Sige, bye bye na ah! Sana magkita tayo ulit!" sigaw ng batang babae at tumakbo na papunta sa yaya niya pero napatigil siya ng sumigaw ang batang lalaki.
"A-Ano nga palang pangalan mo bata?!" saad no’ng lalaki.
Ngumiti ‘yong babae kasabay ng paghampas ng hangin sa buhok niya.
"Samantha."
Napanganga ako. Pero teka, baka ibang Samantha naman siya ‘di ba? Marami namang Samantha dito sa mundo, hindi lang ako.
"Samantha Colline De Jesus."
Napaatras ako sa sobrang gulat. S-Samantha din siya? What the hell? May kakambal ba akong mas bata pa sa ‘kin?
Pinapanood ko ang sarili ko? What the—
"Samantha, wake up."
Napilitan akong idilat ang mga mata ko para tingnan kung sino ang yumugyog sa akin.
"Oh, Diane. Pasensya na at nakatulog ako," paghingi ko ng paumanhin sa kan’ya.
Nandito kasi kami sa gymnasium ngayon dahil magsh-shooting kami.
Mine-memorize ko ‘yong mga lines sa script ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naaalala ko pa rin kasi ‘yong mga sinabi ni Slade kahapon. At wengya ‘yong lalaking ‘yon, bigla-biglang nang-iiwan.
Masapak nga mamaya ‘yon pagdating.
"Okay lang, ano ka ba! Dapat nga hindi pa gigisingin kasi parang antok na antok ka na talaga," saad niya. "Kaya lang simula na raw ang shooting eh. Nakatulog ka ba kagabi? Ang laki ng eyebags mo, oh."
Isa pa 'tong buwisit na babaeng 'to. Hindi ko alam kung mabait ba talaga siya sa akin o baka nagbabait-baitan lang? Nakakaasar. Unpredictable talaga ang takbo ng utak niya.
"Hindi nga, eh, ‘yong kanina na nga lang ang naging tulog ko tapos nagkaroon pa ako ng napaka-weird na panaginip," sagot ko sa kan’ya.
Nakakunot naman ang noo niya nang napatingin siya sa ‘kin. Napakunot din ang noo ko dahil naisip ko, bakit nga ba ako nagkukuwento sa babaeng 'to?
"Weird na panaginip? At ano naman ‘yon? Mind to share?" aniya.
Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa yata ‘yong Diane na masungit kaysa sa Diane na kaharap ko ngayon. Nakakapagtaka lang kasi, sa iba masungit siya tapos sa akin hindi?
Nakakapanibago lang talaga.
Pero hayaan ko na nga lang, malay mo bumait na talaga siya. Ang amo rin ng itsura ng mukha niya kaya dapat ay maging mabait din siya. Para swak naman sa kan’ya.
"Ganito kasi ‘yon..."
Ikinuwento ko sa kan’ya ‘yong napaka-weird ko talagang panaginip at nagtaka ako nang bigla siyang napangiti.
"Nagsisimula na pala. Good Job, Samantha," makahulugang sabi niya bago ako tinapik sa balikat.
Okaaaaaay. Ano ang nagsisimula na?
Magtatanong pa sana ako sa kan’ya nang biglang pumasok si Chester.
Epal naman 'to.
"Nand’yan na si Slade. Magsisimula na ang shooting," cold na sabi ni Chester at lumabas na ulit.
Lumabas na si Mich kaya lumabas na rin ako dala-dala ang script ko. No choice, eh.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay nahagip agad ng mga mata ko si Mich na nagdududutdot sa cellphone niya. Parang naiilang siya or something?
"Sammy, hi," mahinahon na bati sa akin ni Mich at kumaway-kaway.
What the eff? Mahinahon? Walang pagyakap na naganap at walang sigawang naganap?
"Seriously, Mich? Ikaw ba talaga ‘yan?" nagtatakang tanong ko.
Baka naman kasi alien lang ‘yan na ginaya lang ang itsura ni Mich dahil ang totoong Mich ay kinuha na ng mga aliens at dinala sa ibang mundo. Hala!
Napatawa siya pero hindi ‘yong tawa na malakas at halakhak talaga. ‘yong tawa niya parang... mahinhin? What the eff, Mich, seriously?
"Syempre naman, the one and only," sagot niya at nagbigay ng isang tipid na ngiti.
Napakunot na lang ako ng noo. Baka may lagnat lang 'to si Mich o baka masama ang pakiramdam o baka—
"Colline, kumusta ka na?" tanong ng isang babae na nakaupo sa bench.
"A-Ate Rica!" masayang sabi ko at akmang yayakapin ko sana siya nang bigla niyang iniharang ang mga kamay niya sa ‘kin.
"No, Colline. No," maawtoridad niyang utos.
"Why, ate?" nagtataka ko namang tanong.
She just smiled at bago siya magsalita, kitang-kita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya.
"You remind me of him, Colline. At ayoko na siyang maalala pa. I'm sorry," malungkot niyang sagot sa akin.
Napatingin ako kay Mich at para siyang... guilty?
Pero, bakit? Saka, bakit ayaw na niyang maalala ang kuya ko? Nangyari na nga ba ang kinakatakot ko?
"Actually, I'm here to visit my sister. Kaya naman isinabay ko na rin si Mich papunta dito," saad niya at lumingon-lingon sa paligid, tila ba may hinahanap.
Sabay sila pumunta ni Mich? Kaya naman pala tahimik siya, eh. Tsk tsk.
Pero, sino naman kaya ang kapatid ni ate Rica? Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya.
"OMG, ate!" sigaw ng babae sa tabi ko.
What the eff, Diane? Nanlaki na lang ang mga mata ko.
KABANATA 8:
SAMANTHA'S POV
"Hi, Diane. Haggard ka na, ah?" sagot ni ate Rica. "Sa bahay na lang tayo mag-usap mamaya. I'll fetch you," nakangiting dagdag pa ni ate Rica.
She kissed Diane on her cheeks bago naglakad paalis.
Nagsiayos naman na ng gamit ang mga iba naming members pero kami ni Mich, 'yon, nganga pa rin.
Hindi talaga ako makapaniwala.
Magkapatid sila?
"Okay lang kayo, guys? Para kayong nakakita ng multo ah?" tanong ni Diane habang humahalakhak.
Gising, Samantha. Gising.
"Hayaan mo na sila Diane. Ako na ang bahala sa kanila," biglang singit ni Slade sa pag-uusap namin.
Wait, speaking of Slade...
"Hoy Slade! Wengya ka! Pinuyat mo ako kagabi!" sigaw ko at tinalunan ko siya mula sa likod para masabunutan ko siya.
"Aray! Aray sorry na— aray! Samantha naman eh— ayoko na!" reklamo niya habang sinasabunutan ko siya.
"Sorry? Walang sorry sorry, oy! Hindi ako nakatulog kagabi nang dahil sa ‘yo leche ka!" saad ko ulit at sinipa ko naman siya.
Sa tingin ko ay close na kami dahil nasasabunutan ko na siya.
"Aray!" sigaw ko nang bigla akong matalisod.
Inaabangan ko na ang paghampas ng napakaganda kong mukha sa sahig pero hindi iyon nangyari.
Kasi si Slade... sinalo ako.
Napatingin ako sa paligid at nailang ako nang makita ko na halos lahat ng mga members ng theater club ay nakatingin sa amin.
Halos lahat ay nakangiti. ‘Yong iba ay inaasar-asar pa kami puwera lang kay Diane na nakabusangot na ngayon.
Hindi kaya, may gusto si Diane kay Slade? Aba, my Chester na nga siya! Loko 'to, ah!
"Pasensiya na kung pinagod kita kagabi. Pinuyat pa kita. Sorry talaga. Babawi na lang ako ulit mama’yang gabi."
Bigla akong namula.
Ano bang pinagsasasabi ng lecheng lalaking 'to?
Talaga bang sinadya niyang sabihin ‘yon para maging green ang laman ng utak ko?
Hinampas ko siya sa braso at napahalakhak lang siya. Leche talaga 'to.
Napatingin ako sa bandang gilid at nakita ko siya na masama ang tingin kay Slade.
"Chester..."
"Yieee! Si Sam, luma-lovelife!"
"Boyfriend mo na pala si Slade? 'Di ka nagsasabi, ah!"
Iyan ang mga tanong at pang-aasar na sinasabi sa akin ng co-members ko kapag nakakasalubong ko sila.
What the eff, ako luma-lovelife? Eh 'di hamak na NBSB nga ako, eh!
And what the eff ulit, hindi ko boyfriend si Slade! Ang sarap niyang tusukin ng heels talaga. Dahil sa ginawa niya kanina ay naging tampulan kami ng tukso!
Kinuha ko na ‘yong script ko at pupunta na sana roon sa venue namin nang biglang tumunog ang phone ko.
*beep beep*
Tiningnan ko kung sino ang nagtext.
From: Mich
Pupunta ako sa inyo Sammy. May pag-uusapan tayo. Hindi ko nagustuhan ‘yong nakita ko kanina. At alam kong hindi rin ‘yon magugustuhan ng kuya mo.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ‘yong text niya. Bakit parang sobrang seryoso yata ng best friend ko? Alam naman niyang hindi ko boyfriend talaga si Slade dahil kung totoo man iyon, hindi ko naman 'yon ililihim sa kan'ya.
Magkaiba kasi kami ng lugar na pagp-practice-an kaya naman nagte-text na lang kami. At sa pagkakaalam ko, nakaalis na sila.
At saka hindi raw niya nagustuhan ‘yong nakita niya kanina? At hindi rin magugustuhan ng kapatid ko kung nakita niya ‘yon? Pssh. Eh tuwang-tuwa nga 'yon no’ng makitang may kahalikan akong stranger.
Aish, Samantha! Bakit ba hindi mo pa rin kinakalimutan ang stranger na ‘yon?
Napailing na lang ako bago nag-type.
To: Mich
Sige Mich. May-pag-uusapan tayo. Tungkol sa ‘yo, kay kuya, at kay Ate Rica. Naiintindihan mo?
Naghintay ako ng ilang minuto sa reply ni Mich pero hindi na siya nagreply. Seenzoned. Sinadya ko talagang tarayan siya dahil siya naman ang nauna.
"Samantha, hinahanap ka na nila. Mags-shooting na tayo," saad ni Slade sa likod ko.
"Ah, okay," sabi ko naman at nauna na akong maglakad.
Talagang binilisan kong maglakad para hindi na makasunod si Slade sa ‘kin pero dahil sa haba ng legs niya kaya nakasunod siya kaagad.
"Galit ka ba, Sam?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.
Hindi naman ako galit sa kan’ya eh. Naiinis lang ako at naiilang na rin. Bakit kasi kailangan niya pang gawin ‘yon?
"Hindi ako galit, Slade," sagot ko at iniwan ko na siya at dumiretso na ako sa tabi ni Diane.
Napalingon ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko si Chester. Nakatingin lang siya sa ‘kin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita kong lumandas ang isang patak ng luha mula sa mga mata niya.
Nang makita niyang nakatingin ako ay kaagad niyang pinunasan ang luha niya at tumalikod sa akin. Napayuko na lang tuloy ako. Nakokonsensiya ako pero hindi ko alam kung bakit.
"Memorize mo na ba ang mga lines mo, Samantha?" tanong ni Diane.
Mabuti na lang at medyo close na kami ni Diane kaya naman nakakausap ko na siya. Kapag wala kasi si Mich, nagiging loner ako. Nakakainis lang. Weird pa rin ang ugali niya pero napagtitiisan ko naman. Bahala siya sa buhay niya.
"Yep," simpleng sagot ko at mine-morize ko sa utak ko ‘yong mga lines ko.
Tatayo na sana ako para tumulong sa ibang members na nag-aayos ng mga gamit sa set nang hawakan ni Diane ang braso ko.
"Wait, aayusin ko lang ang buhok mo," sabi ni Diane at inayos ‘yong buhok ko. "'Yan okay na."
"Salamat," sabi ko naman at ngumiti sa kan’ya.
Anyway, naka-hanging blouse nga pala ako at simpleng jeans. Nakalugay ‘yong buhok ko pero dapat nasa ayos pa rin ito.
Tiningnan ko ‘yong leading men ko at nakita ko na prepared na rin siya. Mas prepared pa nga yata siya kaysa sa akin eh. Sa hindi ko malamang dahilan ay ako ang kinuha nilang main character para sa play na 'to. Kailangan daw kasi ng maganda, mahinhin ang mukha, at marunong kumanta.
Ganoon din naman si Diane na mas matagal nang member ng theater club pero ako pa rin ang kinuha nila.
Well, ang story nga pala nito ay tungkol sa isang babae na walang kaalam-alam sa mundo. Naglalakad siya no’n pauwi nang biglang may lalaking humila sa kan’ya at bigla si’yang hinalikan. Tapos hindi niya alam na ang lalaking humalik pala sa kan’ya ay ang kababata niya noon na lihim na may gusto sa kan’ya.
At pati ‘yong kapatid ng lalaki ay nagkagusto doon sa babae.
Okay na sana ang lahat nang biglang maaksidente ang babae at magkaroon ito ng amnesia. Tapos sinubukan ng lalaki na ipaalala ang sarili niya doon sa babae. Pero huli na siya, dahil nahulog na ang loob ng babae doon sa kapatid niya. Saklap, 'no?
Tinahuwag na kami ni Diane at sinabi na magp-practice na raw kami.
Tinignan ko ‘yong ipa-practice namin at nagtaka ako nang makita na ang dami naming is-skip na scenes. Pero, oh well, hayaan ko na nga lang. Buhay nila ‘yan.
"One, two, three. Action!" sigaw ni Diane.
Pinatugtog na ang nakakalungkot na background music. Nagbilang muna ako ng five seconds bago ako nagsimulang maglakad habang pinapatulo ko ang mga luha ko.
Kaya mo ‘yan, Sam. Kaya mo ‘yan.
Umupo ako roon sa bench at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko saka ako humagulgol ng iyak. Expected ko na may yayakap sa akin pero napatigil ako dahil sa sobrang higpit ng yakap niya. Alam mo ‘yon, parang feel na feel niya ‘yong eksena.
Chansing.
"Spring..." malungkot niyang sabi habang niyayakap ako.
Okay, let the drama begin. Mukhang game na rin naman itong leading men ko na si Slade.
"Troy, bakit ganito? Hindi ko naman siya ka-close. Hindi ko naman siya kakilala. Pero bakit nasasaktan ako nang ganito?" sambit ko habang sumisinghot-singhot pa para mas makatotohanan.
"Hindi ko alam, Spring. Hindi ko alam. Bakit kasi hindi na lang ako ang minahal mo?"
Infairness ah, ang galing din umarte ng isang 'to!
"P-Pasensya na Troy... P-Pero-"
Hinawakan niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya. "Sshh. Okay lang, Spring. Alam ko kung bakit. Alam kong siya ang gusto mo. Alam ko."
Hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko at ako naman, napapikit na lang.
Try ko kayang i-feel 'tong scene na 'to? Ano kaya ang pakiramdam? Baka tapos na 'yong eksena pero umiiyak pa rin ako.
"Sorry Troy, sorry talaga..." hagulgol ko at yumakap na ako nang tuluyan sa kan’ya.
He didn't answer me. Niyakap niya lang ako pabalik bago magsalita. "Lahat isasakripisyo ko para sa ‘yo. Kahit pa ang sarili kong kaligayahan."
Ang saya rin palang maging member ng theater club, 'no? Sana pala last year pa ako sumali rito. Baka mas marami pa akong nakuhang experience.
"Mahal na mahal kita, Samantha..."
Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kan’ya nang banggitin niya ang pangalan ko.
Teka, Spring ang pangalan ko sa story ah!
"Mahal na mahal kita..." sambit niya ulit.
"S-Slade, Spring ang pangalan ko dito sa story at hindi Sam," paalala ko sa kan’ya pero ningitian lang niya ako.
"Alam ko."
Tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. "Come with me, Spring. Even just one day."
Kunwaring nagdalawang-isip pa ako pero maya maya lang din ay kinuha ko na ang kamay niya.
At tumakbo na kami palayo.
"GOOD job, Slade and Samantha! Nice one!" puri sa amin ni Diane nang matapos na kami mag-practice.
Napangiti na lang ako. Si Slade naman ay nagpalit na ng damit niya.
"Diane," tawag ko sa kan’ya. Nacu-curious kasi ako eh.
"Hmm, bakit?" tanong niya.
"Sinong makakatuluyan ni Spring sa huli?"
Hindi kasi nakalagay sa script ‘yong ending ng story. Nakakainis 'yong writer, pabitin!
Halytang nagulat si Diane sa tanong ko. Magsasalita na sana siya pero may nagsalita sa likod ko.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko kaya alam ko na kung sino ang nagsalita.
Chester.
"Depende sa ‘yo, Samantha. Depende sa ‘yo," huling sabi niya bago naglakad paalis.
Habang ako, naiwan na nakatulala.
Napangiti na lang ako. Si Slade naman ay nagpalit na ng damit niya.
"Diane," tawag ko sa kan’ya. Nacu-curious kasi ako eh.
"Hmm, bakit?" tanong niya.
"Sinong makakatuluyan ni Spring sa huli?"
Hindi kasi nakalagay sa script ‘yong ending ng story. Nakakainis 'yong writer, pabitin!
Halytang nagulat si Diane sa tanong ko. Magsasalita na sana siya pero may nagsalita sa likod ko.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko kaya alam ko na kung sino ang nagsalita.
Chester.
"Depende sa ‘yo, Samantha. Depende sa ‘yo," huling sabi niya bago naglakad paalis.
Habang ako, naiwan na nakatulala.

.png)
.png)
.png)
.png)
.png)
.png)
.png)
.png)
.png)
0 Comments