Make Her Bad
By Iwaswiththestars
Genre: Mafia Romance, Action, Steamy Story
Language: Taglish
Status: Completed (Book 1 and 2)
"I wanted to make you bad, Lucielle," Cullen said as he pinned me on the wall, holding both of my hands above my head. "I want to make you bad, and make you mine."
Lucielle Unity Ventanilla's only dream in life is to graduate and obtain her bachelor's degree, help her family in their financial needs, maintain balance when it comes to her academic life, and to see Ace Cullen Rutherford fall down on his knees. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya gusto ang lalaking 'yon na madalas niyang mahuling may kahalikan sa library o kaya naman ay may ginagawang milagro sa rooftop ng eskwelahan nila. Ang mga lalaking katulad niya ang dahilan kung bakit sobrang laki ng takot niyang magmahal.
She promised herself not to fall in love with any guy, especially Cullen, until the day of her graduation. But as she tries to make her life peaceful as it is, and be the good girl that everyone expected her to be, that's the time when Cullen came on her life and piss her in the ways that nobody else can.
And with that, he wanted to make her bad.
CHAPTER 1:
Napatingin ako sa kanila saglit dahil biglaan akong na-distract sa paggamit ni Shantal ng baby voice niya, pero biglaan din akong nagsisi dahil lumingon pa ako sa kanila.
Shantal was sitting on Vince's lap while facing him and straddling him a bit. Napakurap ako ng dalawang beses at napalingon na lang akong muli sa harap para makinig sa nagdi-discuss ng agenda namin ngayon.
Seriously, are they doing it here? Gusto kong umirap pero maya't-maya ang tingin sa akin ni Nica, ang nagdi-discuss ngayon, kaya hindi ko magawa.
"Oo naman, baby ko," rinig ko namang sagot ni Vince. "Pero noong hinalikan mo ang kamay ko ay parang nawala na ang sakit nito. Napaka-powerful talaga ng kamay mo, baby."
Is it just me, or double meaning iyon? Napailing na lang ako habang nagsusulat.
Kanina kasi ay aksidenteng tumama ang kamay ni Vince sa dulo ng lamesa habang naghaharutan sila ni Shantal dito sa student council office, kaya naman ay medyo namula ito, pero noong hinalikan daw ni Shantal ang kamay ni Vince ay nawala na raw ang sakit no'n.
Like, what's the sense behind that s.hit? Can someone give me a scientific explanation kung paano mawawala ang sakit ng katawan dahil sa simpleng halik? Napairap na lang ako bago umiling nang bahagya.
Being an academic scholar who needs to do some shit, and a student assistant who also needs to do some shit makes my body ache, big time. Kapag ba pinahalikan ko ang buong katawan ko ay mawawala na ang sakit nito dahil sa araw-araw kong pagtatrabaho at pag-aaral?
It just doesn't make sense. It doesn't.
"Ang sweet naman ng baby ko," rinig ko pang pagpuri ni Shantal sa kasintahan, at maya-maya lang ay nakarinig na lang ako ng kakaibang tunog.
Tunog ng naghahalikan.
Wala naman sana akong pakialam doon, kaya lang ay nagtataka lang talaga ako kung bakit madalas silang nandito sa student council room kahit na hindi naman sila student council officers. Dahil ba sa kaibigan nila ang student council president?
Maybe. Maybe not.
The people here don't mind them, anyway, and so am I. Kung ang ibang student council officers nga ay walang pakialam sa ginagawa nila ngayon, so, bakit din ako mangingialam?
Aside from that, intruding other people's lives is not my thing, and will never be my thing. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay kung bakit naglalandian silang dalawa ngayon sa kalagitnaan ng agenda namin ngayon dito sa student council room, and I am one hundred percent sure na hindi kasali sa agenda namin ngayon ang paglalandian nila.
Maghihiwalay din naman ang dalawang 'yan, dahil bukod sa parehas silang malandi ay masyado na silang nagiging dependent sa isa't-isa. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay nandito si Shantal sa room na ito at umiiyak dahil hiniwalayan na siya ni Vince.
"Ventanilla?"
Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Nica. Ang student council president namin. Siya rin ang nagdi-discuss sa amin ngayon ng gagawin namin para sa paparating na freshmen week.
"Yes?" magalang naman na sagot ko bago ako tumingin sa kan'ya habang pinapaikot nang bahagya ang G-Tech na hawak-hawak ko sa kanang kamay ko.
This G-Tech is not mine, though. Ipinahiram ito sa akin ni Nica dahil naubusan na pala ng tinta ang panda ballpen ko kaya hindi ako makapagsulat. 'Yon lang talaga ang disadvantage kapag tig-limang piso lang ang binibili kong ballpen.
At ang advantage? Limang piso lang siya. Maubos man ang tinta nang paulit-ulit, at least ay limang piso lang ito, at kaya ko ulit bumili ng bago. Unlike this G-Tech na nasa isang daan na nga ang halaga, kapag bumagsak pa ay mawawalan na kaagad ng tinta.
Like, why would I spend a hundred just for a pen? Mas mabuti pang ipambili ko na lang iyon ng pagkain, o kaya naman ay ibigay kay mama para kahit papaano ay may pangkain sila.
"Did you list all of this?" tanong sa akin ni Nica at tinuro ang lahat ng nilista niya sa whiteboard.
She wrote all of the things that we need to accomplish until the day when the freshmen week will start. Mula sa booths, persons assigned, at maging ang guests na imbitado roon ay nakasulat sa white board na iyon.
Akala niya siguro ay hindi ako nakikinig dahil hindi ko siya tinitingnan habang nagdi-discuss siya. Nakatitig lang ako sa white board habang nagsusulat ako.
She may have let me to use her G-Tech for a while, but it doesn't mean that she likes me. She doesn't like me as a friend, or even as a person. I don't really know why she hates me that much.
Well, most people, if not all, here doesn't like me, anyway. Mahirap lang kasi ako habang mayaman naman sila. Hindi ko naman itatanggi na mahirap lang kami dahil sa utang ng tatay ko na ilang taon na namin hinuhulugan pero hindi talaga maubos-ubos. It's because it's a freakin' million.
Hindi matanggap ni Nica at ng iba kong mga jaklase na may nakapasok na mahirap dito sa eskwelahan kung saan ay sinasabi nila na para lang sa mayayaman.
Matalino akong likas, eh, kaya ako naging academic scholar. Sila? Puro pera lang naman ang pinapaandar nila. Hindi ba sila nahihiya sa sarili nila? Masyado nilang pinapamukha sa akin na insecure sila sa akin kahit na wala naman akong pera para ma-insecure sila. Paano pa kaya kapag yumaman na ako?
Well, wala naman akong pakialam kung outcast lang ang tingin nila sa akin dito. Ang gusto ko lang ay ang maka-graduate nang matiwasay at makahanap ng matinong trabaho, para na rin mabayaran ko na nang buo ang inutang ni papa noong naadik siya sa sugal, at para makapagsimula na ulit kaming tatlo ng panibagong buhay.
"Here." Imbes na sagutin ko siya ay itinaas ko ang notebook ko na naglalaban ng discussions niya.
Hindi lang ang mga nakasulat sa whiteboard niya ang naisulat ko rito, maging ang mga sinasabi niya lang verbally ay naisulat ko sa minutes.
How? Simple lang. Mabilis ako magsulat. Mataas ang focusing skills ko. Magaling ako mag-multitask.
"Okay." Dahil sa napahiya siya ay iyon na lang ang nasabi niya. Mabuti nga sa kan'ya. Masyado niya kasi akong minamaliit.
Hindi ako tatagal sa eskwelahan na ito kung mabilis akong ma-intimidate sa mga taong kagaya niya.
Kung inaakala niya na hindi ako makakapag-focus dahil sa may naglalandian sa likuran ko, nagkakamali siya. My focusing skills are way more better than her hair. Nagpa-curl na nga siya ng buhok at lahat-lahat pero ang pangit pa rin ng pagkakagawa ng buhok niya.
She wanted to imitate my brown curly hair that much? Too bad, she can't.
Just as I mentioned, I have a brown curly hair that has a length up to my waist. Mukha man 'tong ipinapaayos sa parlor, pero natural ang buhok kong ito. Madalas tuloy ay tinatawag akong latina ng ilang mga kaklase ko dahil sa buhok ko.
May iilan naman akong kaibigan dito sa university, ngunit wala akong maituturing talaga na best friend ko. Isa pa, ayoko rin.
Ayokong ma-attach sa isang tao.
"Transfer that to your laptop, Ventanilla," pag-uutos niya sa akin. "Alam mo naman na ayaw ko na sa notebook, but you're just too persistent."
Muntikan na talagang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, pero mabuti na lang at nanatili akong kalmado. Ang pagiging kalmado ko ang dahilan kung bakit ako tumagal sa eskwelahan na ito sa loob ng dalawang taon, kaya alam ko na dapat ko itong kayanin.
"Of course," sagot ko naman sa kan'ya. "Scratch ko lang naman ito."
Totoo naman iyon. Mas mabilis kasi akong magsulat kaysa mag-type, at mas mataas ang focus ko kapag nagsusulat ako kaysa mag-type. Kung hindi niya maiintindihan 'yon, sana ay hindi na lang siya ipinanganak sa mundo. Buwisit siya.
Gusto ko sana siyang taasan ng kilay pero pinigilan ko ang sarili ko. Natiis ko nga ito nang dalawang taon, ngayon pa kaya?
Bilang isang student council secretary ay responsibilidad ko na ilista palagi ang minutes, kaya naman ay hindi rin ako puwedeng um-absent sa bawat meeting na mayroon ang student council, kahit na madalas ay naiipit pa ako dahil hindi ko kaagad nagagawa ang assignments ko dahil sa mga meeting na ito.
"Okay." Wala na ba siyang ibang masabi kung hindi okay? "Let's meet again next week to discuss our progress about the freshmen week. I'll let the secretary know the date and time so she can disseminate it to you. Meeting adjourned."
I sighed in relief.
Mabuti naman at tapos na. Makakauwi na rin ako, sa wakas. Dahil nakakapagod din makisama sa mga taong ayaw naman sa iyo.
These people inside the student council room? At the back of their heads, they are bashing me, insulting me, and judging me without even having the chance to know me. They judge me easily just because of my freakin' social status.
Sa oras na makapagtapos na ako ng pag-aaral ay hindi na nila ako mahahamak nang ganito. Just two more years... and I'll be able to fight back for myself.
FRESHMEN week is such a pain in the ass.
Ang freshmen week ay isang program para ma-enjoy muna ng freshmen ang pananatili nila sa school na ito bago sila tuluyang tambakan ng professors ng assignments, reports, and final outputs. Para itong isang despedida party bago umalis ang isang tao, o kaya naman ay parang isang handaan na pasasayahin ka muna saglit bago ka saktan nang todo.
This may sound harsh, but I see this freshmen week as a facade. Like a dynamite. Ang dynamite ay mukhang isang simpleng lumpia sa umpisa, pero kapag dinamihan mo na ang kagat, doon mo malalaman na ang anghang pala no'n dahil mayroon 'yong sili sa loob. Sili na hindi inaasahan na nagtatago pala sa loob ng dynamite na iyon.
Parang freshmen week lang, akala nila ay masaya 'yon dahil sa mga pasabog ng student council, pero sa mga susunod na Linggo ay paiiyakin na sila dahil sa dami ng gagawin, at hindi lang 'yon, mararanasan na nila 'yong pakiramdam na ginawa naman nila ang lahat para mag-aral at makapasa, pero kapag lumabas na ang resulta ng exam ay parang kulang pa rin ang effort na ginagawa nila.
Me, as a third-year accountancy student, can definitely relate into this kind of dilemma. 'Yong pakiramdam na ginawa ko naman na ang lahat para mag-aral, pero sa bawat kuha ko ng exam, pakiramdam ko ay hindi ako nag-aral.
But despite all the hardships, I still manage to make it. Third year na ako ngayon, at isang taon na lang ay makakamit ko na ang inaasam-asam ko.
Graduation. A bachelor's degree.
Freedom.
"Here's your pen," wika ko kay Nica na nag-aayos na ngayon ng gamit niya. "Thank you."
Napatingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na nilapitan ko siya bago niya ako pinagtaasan ng kilay.
"You really think that I'll use that ballpen, eh nagamit mo na ba iyan? Ginamit na iyan ng marumi mong kamay, Lucy."
Maruming kamay? Oh, come on. Kahit naman mahirap kami ay marunong akong gumamit ng alcohol. Gumagamit nga rin ako ng gloves kapag nagtatapon ako ng basura sa bagay namin.
In short, I am hygienic. So, ano ang basehan niya para sabihin na marumi ang kamay ko?
Gusto ko man siyang sagutin pero hindi ko na ginawa. Napangisi na lang ako sa utak ko. This attitude is very Nica. Maarte, matabil ang dila, at siguro noong ginawa siya ng Diyos ay naibuhos sa kan'ya ang lahat ng insecurity, kaya ngayon, kahit ako ay kinaiinggitan niya.
"So, are you saying that this is mine now?" tanong ko habang ipinapaikot ko ang G-Tech sa kamay ko.
This became my habit lalo na kapag nag-iisip ako.
"Yes, you should use it. Mapagbigay naman ako sa mga naghihirap," sagot niya pa bago niya ako inirapan.
Tumango na lang ako bago ko inilagay ang G-Tech niya sa bulsa ko. I'll just consider this as a gift. Bihira lang din ako makakagamit nito, ah. Kahit mukhang masama pa ang loob ni Nica ay wala naman akong pakialam sa kan'ya.
Kung inaakala ni Nica na maiinis niya ako dahil lang sa pag-emphasize niya na mahirap lang ako, nagkakamali siya roon. Una sa lahat, hindi kami mahirap na mahirap. Kumakain kami nang tatlong beses sa loob ng isang araw, maayos ang bahay namin, maayos din ang mga damit namin, at iba pa. Sadyang mayaman na mayaman lang sila.
I am not the type of person that someone can annoy easily, but at the same time, I don't want any issues here at the university, lalo na ngayon at hindi pa ako nagtatapos ng pag-aaral ko.
Mabuti nga at minamalditahan lang nila ako kaya naman kahit papaano ay kaya kong maging kalmado, dahil kung sasampalin niya ako ngayon nang malakas, doble no'n ang ibabalik ko sa kan'ya. Malakas akong manampal, hindi lang halata dahil mukha akong tahimik na hindi pa nakararanas ng away.
The beast inside of me is not non-existent. It's just... sleeping. The beast inside of me is not something that people should wake up or trigger, because if they do, I'm one hundred percent sure.
They'll not gonna like it.
"NATAPOS ko rin," bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong i-type ang minutes kanina na nilista ko sa scratch notebook ko sa computer dito sa school.
I can use the laptop in the student council room dahil student council task naman itong ginagawa ko, but I would rather walk onto our University's free computer shop than to use the student council's laptop. Baka may mawala pa roon at mapagkamalan pa ako. Mainit pa naman sa akin ang mata ng mga tao sa student council, especially Nica.
I wonder why, but I don't care.
"I already sent the minutes to your email. Kindly check it, thanks," mabilis kong saad kay Nica noong sinagot niya ang tawag ko.
Mabuti na lang talaga at sponsored ng University ang cellphone at ang load ko. Yes, ganoon kayaman ang University na 'to, at ganoon nila ako kamahal. I may not be rich, but my whole existence screams value.
"Why do you need to call—"
And I hung up without even letting her finish her sentence. Why would I bother, anyway? Magra-rant lang naman siya sa akin kung bakit ko pa siya tinawagan kung puwede namang i-text ko na lang siya.
Does she hate me that much to the point na ayaw niyang marinig man lang ang boses ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya. Wala naman akong ginagawa sa lahat, pero kung i-judge nila ako rito sa eskwelahan na ito ay para bang nakapatay ako ng tao.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa iniisip ko. Kahit naman ano ang gawin kong tanong ay hindi iyon masasagot.
Anyway, the only reason why I chose to call her is for her to check the minutes immediately. Balak kong magbabad sa pag-aaral para sa advanced accounting bukas dahil bukod sa maghahabol ako ng aaralin ay magkakaroon kami ng quiz next week. I won't let myself be distracted tomorrow, so, kung may ipadadagdag siya sa minutes or ipababawas, ngayon pa lang ay sabihin na niya.
"Salamat po." Tumango ako roon sa nagbabantay sa computer shop bago ako naglakad palabas.
Tumango lang din siya sa akin pabalik bilang sagot.
Agad akong napatigil sa paglalakad nang humampas sa akin ang sariwa ngunit malamig na hangin pagkalabas ko. Pakiramdam ko tuloy ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso dahil sa kakaibang kilabot ngunit kapayapaan na naramdaman ko.
It's already dark, given that it's nine o'clock in the evening. Kaunti na lang din ang tao rito sa eskwelahan dahil gabi na.
Bukod sa manipis ang white blouse ko ay nakalimutan kong magdala ng jacket. Nagdadala kasi ako ng jacket kapag gagabihin ako ng uwi.
Biglaan kasi ang meeting ngayon dahil sa Freshmen week. Dapat kasi ay next month pa iyon, pero sinabi ng professors na gawin daw ngayong month dahil next week ay magbibigay na sila ng assignments.
Pinilit ko na lang indahin ang lamig na nararamdaman bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad habang hawak-hawak ko ang tali ng black backpack ko. I don't love the color black. I don't love any particular color, to be specific. I just like the color black because of it's... darkness.
Darkness that gives me peace.
"F.uck," pagmumura ko nang biglang humangin nang malakas, dahilan para lumihis ang maikli naming blue checkered skirt.
At the back of my mind, I wanted to curse the one who designed this uniform. Bakit kasi hindi na lang slacks ang uniform namin para naman kahit papaano ay maging komportable ako kapag nakaupo ako?
Agad kong inayos ang skirt ko, pero kaagad akong napatigil nang biglang may sumipol sa bandang gilid ko kaya naman ay nilingon ko ito.
Napairap na lang ako nang makita na si Cullen pala 'yon. He was wearing the boys' uniform. White blouse and blue slacks. Nakatanggal pa ang dalawang butones nito kaya naman ay kitang-kita ko ang sando niya sa loob. He partnered it with his black leather shoes, black jansport backpack, and... wait, how dare he smoke inside the school premises?
Nakasandal pa ito sa puno habang hinihithit ang sigarilyo niya.
"Do you want to say something, miss student council secretary?" Nakataas-kilay niyang tanong sa akin bago siya humithit sa sigarilyo niya.
Ramdam niya siguro na kaya ko siya tinitingnan ngayon ay dahil sa naninigarilyo siya, na bawal na bawal sa eskwelahan na ito.
Agad na napako ang tingin ko roon, iniisip kung sisitahin siya o hindi.
My responsibility as a student council secretary is to punish and report bad guys like him to the student council. Someone like him who loves to break the rules. Ang mga lalaking kagaya niya ay dapat nire-report sa student council para naman madala sila sa pangungulit nila.
But at the same time, I am afraid of him, even if it's not that obvious. It's because he's much more influential than my classmates, than Nica, or than just anyone from this school.
It's because he's the son of one of the f.ucking owners of this school— the same school who gave me the opportunity to study in a private university like this.
Ace Cullen Rutherford.
The one that I should avoid at all costs.
"Cat got your tongue?" muli niyang tanong noong hindi ko siya sinagot.
Habang nakatitig ako sa sigarilyo na hawak-hawak niya ay nakita ko ang pagdilim ng mga mata niya noong bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko... papunta sa labi ko... at papunta sa legs ko ngayon na kitang-kita na pala dahil bigla-biglang lumalakas ang hangin.
"Wala," I answered nonchalantly.
Kahit na naiinis ay ipinikit ko ang mga mata ko nang mariin bago ako nagpatuloy sa paglalakad ko. I shouldn't talk with him like this. Baka mas lalo lang akong ma-issue kapag nakita ako ng ibang babae rito na kinakausap siya. Baka mas lalo lang gumulo ang buhay ko.
At ayoko no'n.
"Good choice, baby," rinig kong sabi niya pa habang naglalakad ako palayo sa kan'ya. "Good choice."
CHAPTER 3:

CULLEN is not just rich and influential, but he's also a hot mess. A seductive hot mess. Maraming babae ang nahuhumaling sa kan'ya dahil na rin siguro sa taglay niyang kaguwapuhan at kakisigan, na hindi ko naman itatanggi. Hindi ko naman siya lalaitin dahil lang sa ayaw ko sa kan'ya.
I am not that petty, at least, that's what I think.
He has those black curly hair like mine, and those black pair of eyes na kapag tinitigan ka ay paniniwalain ka niya na mahal ka talaga niya at ikaw lang ang nag-iisa niyang babae sa mundo, but the reality is that, he doesn't.
Guys like them doesn't know how to love. They just know how to f.uck, at pagpalit-palitin ang mga babae niya na para bang nagpapalit lang siya ng sapatos o kaya naman ay ng laruan.
Sa tatlong taon ko rito sa university ay hindi ko pa nakikita si Cullen na magseryoso sa isang babae. Madalas pa nga ay mga tahimik na babae ang hinuhuli niya sa bitag niya. Paiibigin niya ang mga babaeng iyon at iiwan na lang niya bigla dahil nagsasawa na siya.
Is it because he's rich? He's handsome? He's freakin' influential? Bored na ba siya sa buhay niya kaya ganoon na lang siya kung magpaiyak at paglaruan ang mga babae.
What a ruthless j.erk.
However, as long as hindi naman niya ako guguluhin, it will be fine. My whole life will be fine.
Mabuti na nga lang din at sa loob ng tatlong taon na nag-aaral ako rito, ni minsan ay hindi niya ako ginulo. The first time that he talked to me was the time that we had a conversation earlier, at ang dahilan pa no'n ay dahil akala niya ire-report ko siya sa student council, given that he knows that I am the student council secretary.
Siguro ay hindi niya ako ginugulo dahil sa boring ako. Well, I love to live my life like that. A boring one. A wallflower. An outcast. In that way, walang makapapansin sa akin.
That's why I need to avoid him at all costs.
He's a bad influence to everyone. He's making the good girls gone bad.
However, I am not a good girl, either.
"MUKHANG araw-araw ka nang ginagabi ng uwi, ah," wika ni papa sa akin pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng bahay namin.
Literal na katatapak ko lang ng paa ko sa loob ng pintuan. Ni hindi ko pa nga naaapak ang kaliwang paa ko, ngunit nandito na kaagad si papa sa harapan ko, nakapameywang habang sinesermunan ako.
"Marami lang pong ginagawa sa school," I answered him as I removed my two-inches black shoes and my socks. "Wala po akong ginagawang kabulastugan, kung iyon ang iniisip niyo."
Malakas ang loob kong sumagot dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. Totoo naman ang sinasabi ko na marami talagang ginagawa sa school. Hindi na nga ako nakapag-duty sa library dahil sa lintik na student council na 'yan.
Hindi ko rin alam kung bakit naging requirement pa na sumali sa student council kapag academic scholar. Halatang-halata naman doon na ayaw nila sa akin. I am just forcing myself to blend with them, even though it's hard to do it.
"Mano po," magalang na pagkakasabi ko sa kan'ya bago ko kinuha ang kamay niya at idinikit iyon sa noo ko.
Senyales iyon ng paggalang ko sa kan'ya, pero ang tanong, karapat-dapat ko nga ba siyang galangin? Respect is earned, not given. He doesn't even deserve the politeness that I am giving to him right now.
After all of the horrible things he had done, hindi ko alam sa sarili ko kung paano ko siya nakakayang harapin, at hindi ko rin alam kung paano niya rin nakakaya na sermunan ako ngayon, matapos ang lahat ng mga pangyayari, apat na taon na ang nakararaan.
Pagkatapos kong magmano sa kan'ya ay dumiretso na ako sa kuwarto ko para magpalit ng damit. Pawis na pawis na itong uniform ko. Nadudugyutan na ako sa sarili kong pawis.
"Hanggang kailan ka magiging gan'yan sa akin, Lucy?" Hindi ko man nakikita si papa ngayon ay rinig na rinig ko ang kalungkutan sa tono ng boses niya.
Kalungkutan na kailanman ay hindi matatanggal ang harang sa puso ko.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay kinuha ko na ang uniform ko para ilagay ito sa labahan. Kailangan ko kasi itong labhan dahil hanggang sabado ang pasok ko, at tatlo lang ang uniform ko sa kadahilanang hanggang tatlo lang ang sagot ng school na uniform para sa akin.
Miyerkules na ngayon, kaya naman ay kailangan ko na labhan ang uniform ko.
Nagpalit na ako ng damit kaya naman ay nakasuot na ako ngayon ng puting t-shirt at dolphin shorts. Sa wakas naman ay nakasuot din ako ng komportableng damit.
I really don't like my uniform, pero wala naman akong magagawa roon. Hindi ko lang gusto na masyado 'yong pambabae, eh minsan naman ay hindi ako babae kung kumilos.
"Hanggang kailan ako magiging ganito?" tanong ko kay papa pagkalabas ko ng kuwarto. "Hangga't nandiyan ka, papa."
Hindi ko man gusto ay biglang tumalim ang tingin ko sa kan'ya habang mahigpit kong hawak ang damit ko.
"Hangga't nandiyan ka," sagot ko. Diniinan ko ang pagkakabigkas ko sa bawat katagang ibinato ko sa kan'ya.
"Bastos ka talagang bata ka!" rinig kong sigaw niya... at hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari bago niya ako sinampal nang sobrang lakas.
Pakiramdam ko ay kamuntikan nang matanggal ang ulo ko sa katawan ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang sakit ngayon sa kanang pisngi ko, at kahit na gusto kong hawakan iyon ay hindi ko ginawa. Mas hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa uniform ko.
Hinding-hindi ko ipakikita sa kan'ya na kaya niya akong saktan. Hindi na ako ang Lucy na umiiyak sa kan'ya, apat na taon na ang nakararaan.
"A-Akala ko ba ay mahal mo kami..." humihikbi kong saad habang kaharap ko ang papa ko na walang emosyon na nakatingin sa akin. "Pero... pero bakit mo niloko si mama?"
Hindi na ako ang babaeng iyon.
"Dahil ba sa scholarship mo kaya gan'yan ka na kabastos?! Hindi ka makakarating diyan kung hindi dahil sa akin! Wala kang utang na loob!"
Kahit na masakit pa ang kanang pisngi ko ay ngumiti ako sa kan'ya nang sobrang tamis. Sa ganitong paraan ako napaikot ni papa noon. Sa ganitong ngiti niya kami nabihag ni mama.
Mama thought that he's a good husband, while I thought that he's someone that I can look up to. Ginawa ko siyang idolo magmula noong bata pa ako dahil ang sabi ko ay mabait si papa, matulungin, at maalaga.
Naaalala ko pa ang sinabi ng tatanga-tanga kong sarili noong nasa sampung taong gulang pa lang ako.
"Papa, paglaki ko, gusto ko ring maging engineer kagaya mo! Idol po kasi kita, papa, kaya kung ano man po ang tinahak mo ay iyon din ang tatahakin ko!"
Tanga, Lucy. Tanga.
"Tama ka," sagot ko kay papa bago ako ngumisi. "Tama ka naman, papa. Kaya ako nandito sa ganitong sitwasyon ay dahil sa iyo. Tama ka, kaya kahit pagod na pagod na ako ay kailangan kong pagsabayin ang pag-aaral ko at ang pagtatrabaho ay dahil sa iyo. Bakit? Dahil sa utang mong milyon na pang-aral ko sana sa kolehiyon pero ginamit mo para sa pagsusugal mo."
Kung sa eskwelahan ay kailangan kong magtimpi nang husto para maging mapayapa ang buhay-eskwela ko, iba ako pagdating dito sa bahay. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Gagawin ko ang gusto kong gawin. Hindi siya worth it para sa pasensya ko.
Ang dapat niyang maramdaman ay ang galit ko.
Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi ko, kaya naman ay ginamit ko ang pagkakataong iyon para pumunta sa kusina upang ilagay muna roon saglit ang damit ko, at naglakad muna ako palabas ng bahay para magpalamig muna ng ulo kahit papaano.
Curious ako kung nasaan si mama dahil wala siya roon sa bahay, pero sa ngayon ay sarili ko na muna ang iisipin ko. Kailangan ko ng sariwang hangin.
KASALUKUYAN akong naglalakad ngayon papunta sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Sa sobrang pagmumuni-muni ko ay ang layo na pala ng nararating ko, at hindi ko alam kung nasaan na nga ba ako.
"Ano'ng lugar ito?" tanong ko sa sarili habang sinusuri ko ang buong paligid.
Nanlaki ang dalawang mata ko nang mapagtanto na nasa lugar pala ko kung saan ay mayroong water fountain sa gitna, at napakaraming puno sa gilid. Ang ganda naman tingnan ng lugar na ito. Napakatahimik ngunit mapayapa rin at the same time. Nasa isa pala akong paraiso.
Paraiso na may demonyo.
"Cullen," mahinang tawag ko sa kan'ya nang makita ko ang demonyo sa gilid ko na nakasandal lang sa isa sa mga malalaking puno habang nakatingin sa akin.

Want to read more? This is COMPLETED on Dreame/Yugto app!

.png)
.png)
.png)
0 Comments