When I Loved Him (Painful Series #1)

 


When I Loved Him (Painful Series #1)
By: Iwaswiththestars 

Genre: Romance-Comedy, Drama, Twisted

Language: Taglish

Tags: Slice of Life, Romance, Comedy, Secrets, Drama, Painful

Status: Free and Completed

Blurb:

"Magmo-move on na ako!" sabi ni Sunset na matalino naman sa career pero tatanga-tanga sa pag-ibig.

Two years ago matapos makipaghiwalay sa kan'yang ex-boyfriend na si Mark, nangako si Sunara Suzette Villanueva na hindi na ulit siya iibig at magpapakatanga sa isang lalaki. Ipinagpalit kasi siya nito kay Stacey, ang isa sa pinakamayaman sa lugar nila. Kaya nga ay pumunta pa siya sa States para lang mapatunayan niya ang sinabi niyang 'yon, eh.

Pero, paano kung biglang magpakita ulit si Mark sa kan'ya para i-test kung gaano pa rin ba karupok ang puso niya? Paano kung sabihin ni Mark na mahal pa rin siya nito?

What will she do when he tries to bring back the feeling that she already learned to forget?

Despite the pain that he inflicted on her when she loved him, does their love deserve a second chance?

CHAPTER 1: THE EX-BOYFRIEND


"SUNSET! Hoy!”

Lumingon ako sa paligid ko dahil naririnig ko ang boses ni May pero hindi ko naman siya makita rito. Where’s that girl, by the way? Naririnig ko na agad ang boses niya kahit na wala pa naman siya rito. Abnormal ba ako na nakaririnig ng kung anu-ano or buwisit lang talaga ako sa kan’ya dahil ang bigat ng mga maleta na dala ko ngayon?

Pero infairness, ha! Ang hirap magtulak ng mga maleta rito sa beach. Imagine, lumulubog ‘yong mga gulong ng maleta habang hinihila ko sila gamit ang magkabila kong kamay. Gusto ko sanang buhatin ang mga maleta ko pero hindi naman ako si Wonderwoman na kayang magbuhat ng dalawang maleta nang sabay. The struggle is real!

At itong mga nakasasalubong ko naman na mga lalaki ay tinitingnan lang ako. Sa bagay, sino ba kasing baliw ang nakasuot ng gray sweater, black loose pants, winter boots, at may nakasabit pang panyo sa leeg na akala mo ay nasa ibang bansa na mayroong snow? Ako lang naman ang babaeng baliw na tinutukoy ko.

Akala ko kasi ay malamig dito sa beach sa Nasugbu katulad ng mga beach sa States. Halos hindi ko nga kayang magsuot ng bikini roon kahit na summer, eh. Mainit pa rin pala rito sa Pilipinas, ano? 2022 na, Pilipinas, at January naman na ngayon, pero bakit ang init pa rin? Para akong tinutusta sa loob ng oven, eh!

Ah, ngayon ko lang naalala na nakabalot nga pala ako ng mainit na damit, shunga.

“Tungaw, dito sa likod mo!” saad niya kaya naman kaagad akong lumingon sa likuran ko, at doon ko nakita si May na nagtatatakbo pa na parang bata habang papalapit sa akin.

Short hair pa ang peg niya ngayon kaya naman mas lalo niyang naging kamukha si Dora. Naka-pink pa siyang pajama, ni hindi man lang nag-abalang magpalit ng damit. Siguro kasi malapit lang siya rito? O dahil kakagising lang niya?

Teka, ano ulit ang sabi ko? Kagigising lang? Alas-dos na ng hapon, ah! Anyway, May ‘yan, eh. Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"May!"

Hindi na ako nag-atubiling bitawan ang mga maleta ko at tumakbo na rin ako papalapit kay May upang yakapin ito.

“I missed you, witch!” I said as I pulled her hair lightly. Kita ko pa ang pagngiwi niya dahil sa pagsabunot ko nang bahagya sa buhok niya, pero tinawanan ko na lang siya bago ko siya niyakap nang mahigpit.

“Don’t english me, I’m nosebleeding!” sagot niya pabalik bago niya sinuklian ang pagkakayakap ko sa kan’ya sa pamamagitan ng pagyakap niya nang mas mahigpit sa akin. Natawa na lang ako sa ginawa niya. Abnormal.

Charot ko lang naman ang pag-e-english ko sa kan’ya, eh. Marunong pa rin kaya akong magsalita ng Tagalog kahit na dalawang taon ako sa States!

Sinanay kasi ako ni mama na magsalita pa rin ng Tagalog kapag naroon ako sa bahay namin. Isa pa, Tagalog din ang gamit ko kapag kausap ko si sir Lean dahil half-Filipino siya at marunong din naman siyang magsalita ng wikang Tagalog. Mabuti na lang talaga at marunong siya, dahil kung hindi, kawawa naman ang ilong ko, char.

Hays, kaya crush na crush ko siya, eh. Sino ba naman ang hindi kikiligin kay sir Lean, eh guwapo na nga siya tapos ay mayaman pa?

Ano ba ‘yan, bigla tuloy akong kinilig!

Ramdam ko na pinagpapawisan ang kili-kili ko habang magkayakap kami ni May. Ang init nga lang talaga rito sa Pilipinas pero na-miss ko ang sariwang hangin at magandang tanawin dito kahit papaano. Magandang tumira sa States pero iba pa rin talaga ang Pilipinas dahil ito ang lugar na kinalakihan ko. I was just glad that the Marketing Department forced me to come back here.

At kahit naman hindi nila ako pilitin ay babalik pa rin talaga ako rito kasi as if may choice naman akong tumanggi? Naghahabol kaya ako ng promotion! Perang-pera na ako, okay? As in, kailangan ko talaga ng pera sa buhay ko! Sino ba naman ang hindi?

Isa pa, napamahal na sa akin ang Dream Luxury Furniture o DLF kung tawagin. Confident ako na magaganda ang furnitures na mina-manufacture namin doon sa ibang bansa, at sure ako na kapag naibenta ang mga iyon sa Pilipinas ay papatok iyon sa maraming tao. Magandang strategy ang naisip nila na sa Nasugbu mag-expand ng branch dahil inaayos pa lang naman ang lugar na ‘to at hindi pa siya fully developed.

Well, medyo na-develop na rin naman ‘tong Nasugbu. Malaki na rin ang pinagbago ng lugar na ‘to kumpara noong dito pa ako nakatira. Mas marami na rin ang tao ngayon sa beach dahil mas naging malakas na ang hatak ng lugar na ‘to sa mga turista, at mas marami na rin ang mga negosyo na itinayo rito.

I smiled as I admired the view.

Since this is my hometown and everybody in the company knows that, they chose me to check the business location and supervise the business expansion. Sana lang talaga ay ma-promote na ako pagkatapos nito para kahit papaano naman ay madagdagan na rin ang suweldo ko.

This beach gives me a painful memory. I wanna hit my head on the wall because I remember these things unconsciously.

“Bakit ayaw mo pa akong pakasalan? Apat na taon na tayo at nasa tamang edad na rin naman tayo pero ayaw mo pa rin mag-propose,” nagtatampo kong tanong kay Mark na nakaupo ngayon sa tabi ko habang nakatingin sa papalubog na araw.

Sunset.

He’s watching the sunset and it suddenly feels like he’s watching me.

Nang nilingon niya ako ay nginitian niya lang ako pero sinimangutan ko siya pabalik. Akala niya ba madadaan niya ako sa pangiti-ngiti niya? Aba, oo naman. Marupok ako, eh.

Nilaro niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa kanang hita niya bago siya nagsalita.

“We’re married, one way or another,” paliwanag niya sa akin bago niya hinalikan ang likod ng palad ko. “Isa pa, ayokong magpakasal hangga’t wala pa tayong sapat na ipon. Set, alam mo kung gaano kahirap ang buhay. Mahirap lang ako. Wala pa akong napapatunayan sa iyo. Gusto ko na kapag nakasal ka na sa akin, hindi ka maghihirap. Gusto kong magawa mo ang lahat ng mga kailangan mong gawin kahit na kasal na tayo.”

Matapos niyang sabihin ‘yon ay inilapit niya ang ulo ko sa kan’ya bago niya ako ginawaran ng halik sa noo ko. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya. Ang sweet talaga ng isang ‘to kapag nagseseryoso.

“Pakakasalan kita kapag handa na tayo.” Ngumiti siya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi. This time ay nakangiti na ako at tuluyan na ngang nawala ang pagtatampo ko. “Pangako.”

Napangiwi na lang ako nang maalala ko ang mga karumaldumal na mga bagay na ‘yon. Isang malaking scam ang lahat ng sinabi niya sa akin dahil nasaan na siya ngayon? Sumakabilang-bahay na siya! Promises are meant to be broken talaga.

Hay, naku. Pakakasalan? Sure ba siya roon? Ipinagpalit nga niya ako, eh! Kasal niya mukha niya!

I just shook my head lightly to erase that prohibited thought out of my head. Naka-move on ka na, Sunset. Tandaan mo ‘yan. Hindi na ikaw ang Sunset na nakilala nilang lahat. Hindi ka na marupok, okay?

“Wala ka pa ring pinagbago!” saad ni May noong humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para matitigan ako nang mabuti. “Cutie ka pa rin! Pati ang hair mo ay ang cutie rin!”

Alam ko na kanina pa ako nakangiwi pero napangiwi pa ako lalo, hindi dahil sa sinabi niya, kung hindi dahil sa bigla niyang hinila ang buhok ko pagkatapos niyang sabihin na wala akong ipinagbago. Jusko, bihira na nga lang akong magsuklay tapos guguluhin niya pa ang buhok ko!

“Cutie mo ulo mo, bruha!” sigaw ko.

Naiinis ako sa kan’ya pero tinawanan lang niya ako bago niya inalis ang kamay niya sa buhok ko. Inggit na inggit na naman siya sa natural brown wavy hair ko, hays. Wala, eh. Natural ang buhok ko katulad na lang ng pagiging natural ng ganda ko, char.

Teka nga, parang kasasabi ko lang na hindi na ako ang Sunset na kilala nila tapos sasabihin niya na wala akong pinagbago? Ganda ng timing, ha. Nakabubuwisit.

“ANG INIT, hindi ko na kaya. Mamamatay na yata ako,” reklamo ko bago ko tinanggal ang panyo sa leeg ko.

Ano ba ang tingin ko rito sa Pilipinas? May snow? In my dreams. Ang mayroon dito ay mga tsismosa kagaya ng mga nakatingin sa amin ngayon habang naglalakad kami!

“Ang OA, ha!” saad niya bago niya ako sinapok na kaagad na nagpakunot ng noo ko. Magre-react pa sana ako pero nag-peace sign lang siya sa akin bago niya inagaw sa kamay ko ang hawak kong maleta.

“Sis, ang bigat! Dala mo ba rito buong bahay mo?” tanong niya sa akin na para bang buong mundo na ang pasan-pasan niya kahit na isang maleta lang naman talaga ‘yon!

Hindi niya pa nga gaanong ginagamit ang energy niya sa paghihila ay nagrereklamo na siya!

“Ang OA naman!” paggaya ko sa sinabi niya kanina sa akin. “Alangan naman na kaunti lang ang dalhin kong damit. Matagal-tagal din akong mananatili rito, ‘no.”

“Aw, ang sweet mo naman para mag-stay nang matagal para sa akin,” pang-aasar niya pa na naging dahilan para irapan ko siya.

“Sweet mo mukha mo,” usal ko naman pabalik sa kan’ya bago kami naglakad habang hila-hila namin ang tig-isang maleta. Hawak niya ‘yong maleta kung saan nakalagay ang mga importanteng dokumento na pang-trabaho ko maging ang travel documents ko, habang hawak ko naman ang maleta kung saan nakalagay ang mga damit ko at pati ang ibang necessities ko.

Kung hindi lang sana ako kuripot ay sa siyudad ako kukuha ng condo para naman hindi ko muna kailanganging dumaan sa buwisit na beach na ito bago ako makarating sa tinutuluyan ko ngayon, pero dahil sa gusto kong bumili ng maraming souvenir pagkabalik ko sa States ay tinipid ko ang sarili ko.

Ginusto mo ‘yan, self, kaya huwag kang mareklamo!

"After two years, sis! Bumalik ka rin dito!” pagsisimula ni May ng panibagong topic na puwede naming pag-usapan. Sure ako na mamayang gabi ay pupunta kami sa Crisso para kumain o kaya naman ay makikitambay siya sa condo ko para manood ng movie.

Ginagawa naman namin iyon sa discord kahit na noong nasa States pa ako, pero iba lang kasi talaga kapag personal. Mas feel mo na mayroon kang kasama. Nakawawala iyon ng lungkot.

“Tuwang-tuwa ka naman,” untag ko sa kan’ya habang nakangisi. “Parang hindi tayo magkausap kagabi, ah.”

“Siyempre, ‘no! Iba pa rin kasi kapag personal, sis!” pangangatuwiran naman niya. “Kapag sa discord tayo nanonood, hindi kita makurot, eh. Ngayon ay puwede na ulit!”

Kung siya ay excited dahil sa sinasabi niya, ako naman ay napangiwi. Dapat ba ay hindi ko na lang sinabi kay May na babalik ako rito sa Pilipinas? Charot, pero mukhang bugbog-sarado ang braso ko mamayang gabi, ah. Masakit pa naman manghampas ang isang ito lalo na kapag kinikilig siya.

Nevertheless, it just feels so good to see her again. Feeling ko ay nakabalik ako sa comfort zone ko. Living in the States was a continuous challenge dahil hindi ko naman ka-vibes ang mga tao roon. Napakaraming competition lalo na at hindi ko naman sila kalahi. Kailangan kong makisama pero hindi ko puwedeng ibaba ang depensa ko sa sarili ko dahil nasa ibang lugar ako.

It’s too tiring to fight, to be honest.

“So, ano, kumusta ang lovelife mo?" tanong ni May sa akin habang tumataas-baba ang kilay niya, halatang inaasar ako. Hirap pa rin siyang dalhin ‘yong maleta ko pero dahil nakiki-tsismis siya ay hindi niya napansin na nahihila niya na nang maayos ang maleta na hawak-hawak niya. The power of chismis talaga!

“Lovelife?” pag-uulit ko sa tinanong niya sa akin. “May crush ako pero priority ko ang trabaho ko. Kilala mo naman ‘yon, ‘di ba? Si sir Lean.”

Tumango siya.

Nakuwento ko na kasi iyon sa kan’ya dati. Hindi pa nga raw niya bet si sir Lean kasi mukha raw masungit, eh ang totoo naman niyan ay masungit talaga si sir Lean, hindi nga lang sa akin.

Malamang, Marketing head namin iyon kaya kailangan talaga na maging intimidating ang aura niya. Marketing head siya sa DLF at Marketing Associate naman ako. Bagay talaga kami, charot.

Crush ko lang siya pero hindi ‘yong tipo na gustong-gusto ko talaga siya. Feeling ko, kung sakali man na magkakagusto siya sa akin ay mawawalan na lang ako bigla ng gana. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Isa pa akong abnormal, eh.

At isa pa, okay lang na hindi maging bet ni May si sir Lean. Akin ‘yon, eh, so bakit kailangan niyang magustuhan? Char, ang possessive ko naman, eh wala pa nga kaming label.

Ang tanong, magkakaroon nga ba?

“Saka, duh, aanhin ko naman ang lovelife na ‘yan? Mabubusog ba ako roon? At least kapag kumain ako, sure na mabubusog ako,” dagdag ko pang wika kay May bago ko siya inirapan.

Ang main goal ko lang talaga ngayon ay yumaman nang husto. Sa dalawang taon kong nagtatrabaho sa States ay hindi rin ako masyadong nakaipon dahil inuna ko munang bayaran nang buo ang bahay namin sa France. That’s where my parents lived before he died, though.

Alam ko rin na iyon ang isa sa goals ni papa sa buhay. Hindi na nga lang niya natupad ‘yon dahil maaga siyang kinuha sa amin ni mama. Hindi alam ni May na namatay si papa sa mismong araw na naghiwalay kami ni Mark.

February 14, 2020.

Walang nakaaalam no’n sa buong Nasugbu dahil hindi naman dito nanatili si papa nang matagal. Dalawang beses lang naman kasi siya nagpunta rito at ‘yon ay noong nakipag-compete ako sa debate noong high school at noong naka-graduate ako sa kolehiyo. Ako ang paminsan-minsang pumupunta sa France kapag mayroon akong free time.

Isa pa ay wala na rin namang sense kung malalaman pa nila ang nangyari noon. I don’t wanna be a burden anymore. Kung may gusto man akong gawin ngayon, ‘yon ay ang ibaon na lang ang buong nakaraan ko sa limot at huwag nang hukayin pa iyon.

“Weh?” she asked sarcastically as she raised her right eyebrow. Aba at nagmamaldita pa nga! “Baka kamo hindi ka pa nakaka-move on! Aanhin ka riyan! Echos ka!”

“Ano’ng ka-ek ekan na naman ang tinutukoy mo, aber?” pagmamaang-maangan ko naman.

Kunwari ay wala akong naalala kahit na siya naman talaga ang kaagad na pumasok sa isipan ko. Wala akong naalala, okay? Wala. Past is past na. Kaya nga sila nasa past dahil hindi na dapat sila binabalikan pa.

“Uy hala! Si Mark, oh!” wika niya bago niya itinuro ang hintuturo niya sa likod ko.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso nang sabihin niya kung sino ang nasa likod ko. Kaagad akong lumingon kahit na hindi ‘yon ang gusto ko, pero tila ay may sariling utak ang katawan ko, at nang makita ko na wala namang tao sa likod ko ay kaagad kong inilipat ang tingin ko kay May na tumatakbo na ngayon palayo habang hila-hila ang maleta ko.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa kan’ya na tuwang-tuwa pa sa pagtakbo niya ngayon palayo sa akin. Akala ko ba ay nabibigatan siya sa maleta ko? Pero bakit ngayong tumatakas siya ay parang isang sako ng bulak lang ang dala-dala niya? Lokaret lang talaga siya.

“Luh, nami-miss niya, oh!” pambubuwisit niya pa sa akin bago niya ipinakita sa akin ang dila niya na para bang inaasar ako lalo. “Namumula na ang mukha mo, hoy!”

Nasaan kaya ang boyfriend niyang singkit na si Dale? Nakapagtataka lang kasi na wala ‘yon dito sa tabi niya dahil parang buntot na ‘yon ni May, eh. Nababaliw na naman tuloy ang girlfriend niya dahil nawala ‘to sa radar niya.

“Napalingon lang naman ako, ‘no!” I defended myself kahit pa na magmukha akong ewan ngayon. “Malamang, instinct!”

Nagsisigawan tuloy kami ngayon dahil ang layo na namin sa isa’t-isa. Abnormal ba naman kasi ‘tong si May, ang bilis ba naman niyang tumakbo! Runner ka, girl?

Palibhasa ay alam niyang hahabulin ko siya para bigyan ng isang malakas na batok tulad ng ginagawa ko sa kan’ya dati, eh. Gusto ko siyang habulin pero nabibigatan talaga ako sa maleta ko… unlike her. Sana lang ay ingatan niya ang maleta ko dahil naroon ang laptop ko.

Mukhang tama nga si May sa tinanong niya kanina. Dala ko ba ang buong bahay namin sa maleta ko ngayon? Ngayon ko lang naisip na parang ang OA naman ng dalawang maleta para sa tatlong buwan na pananatili ko rito. Bakit ko nga ba dinamihan ang mga damit ko? Feeling ko ba ay mamamasyal ako rito?

"Oh, ba’t defensive? Umamin ka na lang, mahal mo pa!” pagpilit niya pa sa akin bago siya pumasok sa loob ng building kung saan ako mananatili pansamantala. Doon ko lang din napagtanto na malapit na pala kami sa building na tutuluyan ko dahil natatanaw ko na ‘yon mula rito sa kinalulugaran ko.

I stopped walking as I sighed in relief when I didn’t see her anymore.

Ang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan habang inaasar ako ni May tungkol sa kan’ya. Hindi ko naman siya masisi sa ginagawa niyang pang-aasar sa aming dalawa dahil wala namang nakakaalam sa nangyari sa amin ni Mark, dalawang taon na ang nakararaan.

My decision to fly in the States before was the best choice that I can make to protect my remaining sanity and to protect his reputation at the same time. I still wanted to protect him despite the pain he inflicted on me. All along, kaming dalawa lang naman ang nakaaalam na niloko niya ako at ginago na para bang isa akong p.rostitute sa bar na puwede niyang itapon kapag nagsawa na siya.

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.

Sa dalawang taon kong pag-iisa, ilang beses kong inisip kung ano ang rason kung bakit niya ako nagawang lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa kan’ya para saktan niya ako nang ganoon, eh. Ang alam ko sa sarili ko ay ginawa ko naman ang buong makakaya ko para mahalin siya… pero siguro nga ay hindi lang ‘yon naging sapat.

Siguro nga ay wala akong nagawang pagkakamali. Siguro ay hindi lang talaga naging sapat ang pagmamahal ko para sa kan’ya.

Kung gusto niya na pala kasing makipaghiwalay noon ay sana sinabi niya na lang. Bakit kailangan pang umabot sa ganito?

It was a five-year relationship, after all. Ang sakit lang isipin na nakaplano na ang lahat ng pangarap naming dalawa. Kasama namin ang isa’t-isa sa anumang bagay na kinakaharap naming pero bigla na lang ‘yon nawala na parang bula.

Ang hirap pa rin bumitaw kahit dalawang taon na ang nakararaan. Alam kong kailangan, pero hindi ko alam kung paano. Paano nga ba bitiwan ang pagmamahal na minsan kong pinrotektahan?

Tama na, Sunset, tigilan mo na ‘yang kakaisip mo sa past. Naka-move on ka na, remember? Hindi mo deserve ang gagong katulad ni Mark, okay? Okay.

Dahil nakatayo lang ako sa labas ng building ay napaangat ako ng tingin upang pagmasdan ang buong lugar. This is the condo where he used to stay noong kami pa. Regalo ‘yon ng papa niya sa kan’ya kaya naman ay iniingatan niya ‘yon nang husto. Madalas din akong tumambay dito noon dahil mas gusto namin ni Mark na mag-bonding nang tipid kaysa mamasyal sa labas at gumastos nang malaki.

Kung may iba nga lang na puwedeng tirahan sa parteng ito ng Nasugbu na medyo mura lang din ay hindi talaga ito ang building na titirahan ko. I hate the memories that are coming in my head right now. Parang ngayon pa lang ay gusto ko na kaagad bumalik sa States. Natatakot ako na baka ay mas lalo lang sumakit ang kalooban ko habang may mga naaalala ako.

Hindi rin ako sigurado kung dito pa rin ba siya nakatira hanggang ngayon pero sana ay ibinenta na niya ito at lumipat na siya sa mas magandang lugar, o kung hindi man niya ibinenta dahil regalo iyon sa kan’ya ay sana pinabayaan na lang niya ‘yon.

Mayaman naman ‘yong hipon niyang kabit. Magpabili na lang siya roon ng bahay na mas maayos kaysa rito sa Nasugbu, o kaya naman ay doon na lang siya tumira sa mansiyon ni Stacey! Sa sobrang yaman no’n ay mukhang binili niya pati si Satanas dahil sa sama ng ugali niya. Maganda nga siya at mayaman pero demonyo naman ang ugali niya.

Ay mali, silang dalawa pala, kasi wala namang mangangabit kung walang magpapakabit, hindi ba?

Anyway, this building changed a lot, just like the beach. ‘Yong mga dating sirang bintana ay maayos na ngayon at nagkaroon pa ng ibang disenyo. Mayroon na ring mga puno sa gilid na nagpapaganda sa design ng building na ito. Maayos na rin ang hagdan nila at mayroon nang daanan para sa mga naka-wheelchair.

At habang nakatingin ako roon ay naisip ko na roon ko na lang idadaan ‘tong maleta ko para naman hindi na ako mahirapan pa. Ang bigat kaya nito! Feeling ko ay na-workout ko na ang buong pagkatao ko!

Sana lang ay hindi ko na talaga siya makita, ngayon, bukas, at magpakailanman. Tama na ‘yong sakit na dinanas ko noon sa pag-iisip ko pa lang sa kan’ya. Ayoko nang masaktan ulit dahil baka hindi ko na kayanin pa kapag nasaktan na naman ako. I’m barely living at this point.

“Bumalik ka na nga."

Isang baritonong boses ang narinig ko sa likod ko kaya naman ay agad akong lumingon para tingnan kung sino ito kahit na mayroon na akong ideya kung sino siya.

Nabitawan ko na lang ang maleta ko bigla nang makumpirma ko na siya nga iyon.

“Mark?” I asked unconsciously while staring at him.

Noong una ay nakakunot ang noo ko pero nang ma-realize ko kung ano ang pangalan na binanggit ko ay nanlaki ang dalawang mata ko.

Hala, nakapagsabi ako ng isang masamang salita!

"It's nice to see you again," he said before he flushed a smirk in front of me. Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa niyang iyon.

Grabe naman ‘to, world! Kakasabi ko lang na sana hindi ko siya makita rito, eh! May balat ba ako sa katawan at minamalas ako ngayon?!


CHAPTER TWO: STUPID



“HALA, ayos ka lang?!” parang tangang tanong niya nang makita niya na nalaglag ‘yong maleta sa paa ko mismo. Ni hindi man lang siya kumilos para kunin ‘yong maleta sa paa ko.

Buti pa ‘yong paa ko ay nagagawa niyang tanungin kung ayos lang. Samantalang ako, hindi man lang niya matanong kung ayos lang ako matapos niya akong iwan na parang bula.

Actually, hindi naman masakit maiwanan, eh. Parang kagat lang naman ng dinasour. Para ka lang din sinagasaan ng ten-wheeler na truck. Ganoon lang naman kasakit ‘yong nararamdaman ko na kahit kalian ay hindi niya malalaman dahil ang sakit na nararamdaman ko ay internal at hindi external.

Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay parang sakit ng ngipin. Hindi nakikita ng ibang tao o kaya naman ng kahit sino, pero ako, ramdam na ramdam ko. Ganoon ‘yong pakiramdam to the point na gusto ko na lang bunutin ang puso ko mula sa katawan ko para mamanhid na lang ako nang tuluyan.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang gusto niya akong yakapin or what pero hindi niya magawa. Para siyang nangungulila na hindi ko maintindihan… na para bang ang tagal niya akong hinintay pero ngayong nandito ako sa harapan niya ay nakatunganga na lang siya at hindi siya makagalaw.

Pero ‘yon nga ba ang nararamdaman niya ngayon? O ‘yon ang gusto kong maramdaman niya dahil ‘yon ang nararamdaman ko at in denial lang ako?

Pero teka, wait, what? Yakapin? Aba, ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin nga niya iyon!

Una sa lahat, gustong-gusto ko siyang sapakin. Ang tanga niya kasi, eh. Nakita na nga niyang nalaglag ‘yong malaki at mabigat kong maleta sa paa ko, tapos tatanungin niya pa kung ayos lang ako? Malamang, hindi! Ang sakit kaya sa paa mabagsakan ng maleta? Feeling ko ay hindi ako makakalakad nang maayos dahil sa sakit ng paa ko ngayon. Charot, ang OA, parang maleta lang, eh.

Teka nga, bakit nga ba ‘to nandito sa harapan ko ngayon? Nandidilim tuloy ang paningin ko. Gusto ko tuloy magsabi ng masasamang mga… words. Charot.

May parte sa akin na natutuwang makita siya ulit, pero mas malaki ang parte sa akin na naiinis dahil nakikita ko na naman ang pangit niyang pagmumukha.

Charot! Masakit man aminin pero hindi siya pangit. Ugali lang niya ang pangit dahil isa siyang dakilang manloloko. Ni hindi man lang marunong magbigay ng explanation bago manloko at mang-iwan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niya ‘yon nagawa sa akin.

I always doubt myself if it’s my fault. Hindi ko kasi talaga alam kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali. Kung may nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan at ikinainis niya kaya nagawa niya akong saktan at gaguhin nang ganoon.

Tapos nandito siya ngayon at tinatanong kung ayos lang ako? Paki niya ba, ha?! Isa pa, mula noong niloko niya ako two years ago, hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng maging maayos.

Ano nga ba ang pakiramdam ng maging maayos at maging mentally stable?

“Mukha ba akong maayos, ha?” Inirapan ko siya bago ko itinayo ang maleta ko. Punyemas naman, bakit kasi siya nanggugulat? Ang sakit kaya sa paa kahit naka-boots ako! Putik na iyan! Buti sana kung makapal ‘tong boots ko pero hindi, eh! Mumurahin lang kasi ‘to, bakit ba? “Saka, bakit ka ba nanggugulat?” dagdag ko pang tanong sa kan’ya. Bakas na ang iritasiyon sa boses ko.

Nakatitig lang siya sa akin ngayon habang naglilitanya ako. Hindi man lang niya ako pinansin kahit na galit na ako sa kan’ya. Mas lalo lang tuloy akong naiinis dahil pakiramdam ko ay wala man lang sa kan’ya ang presensiya ko ngayon habang ako naman ay kinakabahan dahil sa presensiya na. Hindi ko alam kung bakit, pero pasalamat na lang din ako sa katarantaduhan ko dahil kahit papaano ay naitatago ko ang tunay kong nararamdaman.

“Ikaw ang nanggugulat,” sagot naman niya. “Hindi ko alam na may balak ka pa palang bumalik sa Pilipinas, sa lugar nating mahal…”

Umiinit na ang dugo ko sa dahil sa kan’ya at sa mga pinagsasasabi niya pero mas nagtaka ako nang mapansin ko na parang bitin ‘yong sinabi niya.

At nang dinugtungan niya iyon, napadasal na lang talaga ako sa Maykapal.

“…kita,” dugtong niya sabay kindat pa sa akin na naging dahilan para mapangiwi ako. Mas matindi pa ang pagngiwi ko ngayon dahil sa sinabi niya kaysa noong nakakain ako ng Durian, eh!

Napahilot na lang ako sa sentido ko bigla. Lord, bakit po ba ganito ang first day ko sa Pilipinas? Bakit naman siya pa talaga ang kailangan kong makita sa araw na ‘to? Sa dinami-rami naman po ng tao rito sa Pilipinas! Puwede naman na 'yong mga b.itch kong workmates na lang dito ang makita ko, eh! Mas kakayanin ko siguro ‘yon kahit na siniraan ako at tsinismis ng mga bruhang ‘yon last time, pero bakit siya pa?!

Puwede kayang sapakin ko na lang siya agad ngayon para kapag hinimatay siya eh wala na akong kakausapin? Chos. Good girl ako, okay? Dito ko na magagamit ang mga tinuro sa amin sa seminar sa States dati na tungkol sa patience. Patience, okay? Kaya mo ‘yan, Sunara Suzette!

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako roon sa entrance kung saan idinadaan ang mga wheelchair. Ano nga ulit ang tawag dito? Nakalimutan ko na, ano ba naman ‘yan. Basta iyon! Ang mahalaga ay dito ko idadaan ang maleta ko para naman hindi na ako magbuhat!

Akmang hihilahin ko na sana ang maleta ko nang may biglang umagaw nito sa kamay ko. And my gosh, bakit ako nakaramdam ng something na parang kuryente noong nagdikit ang balat naming dalawa? Masyado na akong matanda para sa ganito. Feeling teenager lang ang peg, eh twenty-five na ako at madadagdagan pa ako ng edad sa February. Yikes!

“Excuse me?” I suddenly asked him, raising my right eyebrow. Alam niya ba kung ano ang ginagawa niya? Kakapalan lang naman ng mukha. Parang walang nangyaring lokohan two years ago, ah! Feeling close? Feeling inosente? Feeling walang kasalanan sa akin?

“Dadaan ka?” he teased at tumabi pa nga siya sa gilid habang hila-hila ang maleta ko.

At dahil napaka-corny niya ay hindi ako natawa, o kung sakali man na maging nakakatawa ang joke niya ay gagawin ko ang best ko na hindi tumawa kasi sino ba siya? Siya lang naman ang hinayupak kong ex-boyfriend. Yuck, I cannot deal with him anymore. Bakit ko pa nga ba kinakausap ang isang ‘to?

Please, give me a lot of patience. Ngayon pa lang ay mukhang magkakasala na ako. Where did he get the courage to talk to me after what he did?

What a ruthless j.erk.

“Nakakatawa ‘yon?” Tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya tinitigan nang masama. “Hindi. Napaka-corny mo.”

Inirapan ko lang siya bago ko pinagkrus ang dalawang kamay ko sa dibdib ko.

Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong gawin. Gusto ko siyang sapakin and at the same time, gusto ko siyang yakapin. Ang weird, hindi ba? Kasi gusto ko pa rin siya matapos niya akong lokohin at ipagpalit sa iba.

Parang isang lason si Mark na gustong-gusto kong inumin kahit na alam kong mamamatay lang din ako sa huli. It’s weird, but I can’t even evaluate my feelings. I still love him but it hurts so bad at the same time, lalo na ngayon na gan’yan lang siya umasta na parang walang nangyari sa aming dalawa noon.

Gusto kong sabihin sa kan’ya kung gaano kasakit para sa akin ngayon na ganiyan lang siya umasta kahit na sobrang gulo ng mga pangyayari bago kami maghiwalay, pero gusto ko rin sabihin sa kan'ya na kahit ganoon ay may natitira pa ring pagmamahal sa puso ko na nakalaan lang para sa kan'ya. Ang gulo ko ngang talaga, hindi ba?

Marami akong gustong sabihin pero ito lang ang nasabi ko.

“Alam mo, ang kapal ng mukha mo,” sambit ko bago ako dire-diretsong pumasok sa loob ng building.

Bahala siya sa buhay niya kung saan niya dadalhin ang maleta ko. Nasa maleta naman na dala ni May ang mahahalagang gamit ko kaya ayos lang. Ayaw ko na lang talagang makita ang pagmumukha niya dahil kapag nandiyan siya ay naguguluhan lang ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako at natutuwa at the same time. Natutuwa ba ako dahil ayos lang siya? Kahit na sinaktan niya na ako ay siya pa rin ang palaging iniisip ko. Kahit noong umalis ako papuntang States ay ang kalagayan pa rin niya ang inaalala ko kahit na dapat ang sarili ko ang iniisip ko noong mga panahon na ‘yon.

Katangahan.

Anyway, he changed a lot. He has a black hair now unlike before. Gray kasi iyan noong kami pa dahil sabi niya ay gusto niya raw magmukhang cool, eh hindi naman nangyari 'yon dahil mukha siyang katol. Isa siyang malaking buwisit.

Ang isa ko pa palang napansin ay mas toned na rin ang katawan niya ngayon. Mayroon pa siyang piercing sa tainga na itim at bilog ang design. Marami man ang nagbago sa kan'ya pero ang bukod-tanging hindi nagbago ay ang labi niya. Malaki pa rin ang upper lip niya at mukhang masarap pa rin ‘yon pisilin katulad noon.

“Palagi mo na lang akong kinukurot!” reklamo niya sa akin habang hawak-hawak niya ang labi niya. Nandito na naman ako sa condo unit niya at nakikinood ng fantasy movie. Mas gusto ko kasi rito sa unit niya kaysa sa sarili kong bahay, eh! Siguro ay dahil mas komportable ako rito dahil na rin sa amoy niya.

His presence feels like home.

“Ang cute kasi ng upper lip mo, eh. Ang laki,” puri ko naman sa kan’ya at akmang kukurutin ko pa sana siya ulit pero lumayo na siya sa akin kaya naman ay napasimangot na lang ako.

“Mayroon pang mas malaki riyan, gusto mo?” Nagtaas siya ng kilay sa akin at agad ko naman siyang hinampas ng unan dahil doon. Alam ko kasi kaagad ang tinutukoy niya kahit na hindi naman ako masyadong manyakis, hindi katulad ni May na kotang-kota na yata sa kanonood ng erotic movies at kakabasa ng erotic novels.

“Manyak!”

I shook my head in disbelief. Ay ewan, bakit ko pa nga ba siya iniisip? Hindi niya deserve, okay?

Suwerte niya na lang talaga at nagkaroon siya ng ex-girlfriend na maganda at tunay na tao na katulad ko bago niya nakilala ang girlfriend niya ngayon na mukhang hipon pero halimaw sa loob. Or can I call her a human? I don’t think so.

Char lang doon sa mukhang hipon na part pero totoo 'yong sinabi ko na isa siyang halimaw. Stacey’s pretty, I admit. Kaya lang ay kahit ibaliktad man niya ang Dunkin Donut o ang word na mom, isa pa rin siyang kabit. Mananatili siyang kabit, at kahit na ibayad niya pa ang lahat ng kayamanan niya sa mundo ay mananatili siyang kabit.

Ang ganda-ganda ng mood ko kanina noong kausap ko si May pero ngayon ay sirang-sira na ito. Sana ay tumawag si sir Lean mamaya para naman makausap ko na ulit ang aking prince charming at buuin niyang muli ang araw ko, hay.

“Hello, sis! Ipinaakyat ko na ang maleta mo sa room mo, ha,” bungad sa akin ni May pagkapasok ko sa loob ng building. Nandoon na pala siya sa lobby at hinihintay akong dumating.

Tumango lang ako sa kan’ya bago ako dumiretso sa receptionist para maayos niya na ang mga dapat niyang ayusin bago ako umakyat sa room ko. Ayaw ko kasi ng hassle na bababa pa ako dahil may nakalimutan pa silang gawin. Room 541 pa naman ako, ang taas lang. At kahit mayroon namang elevator ay tinatamad pa rin talaga ako. Charot, excuse ko lang talaga ‘yon kasi ayokong lumabas masyado ng unit ko.

At kakabasa ko lang na nasira raw ang elevator kaya aayusin na muna nila 'yon pansamantala. Maaayos din naman daw mamayang alas-otso ayon sa nakasulat sa notice nila sa pinto ng elevator.

Ito lang ang bukod-tanging iniisip ko ngayon. Nasira ang elevator dahil malas si Mark. Tama, ang galing ko talaga!

“Uy, Dale! What’s up, pare? Grabe ang laki mo na, parang kailan lang ay bata ka pa,” bati ko kay Dale noong napansin ko na katabi pala siya ni May. Nakahawak pa siya sa beywang nito na para bang anytime ay may kukuha kay May mula sa kan'ya.

Anyway, ganito talaga ako bumati, parang gago lang.

Kumaway lang siya sa akin bago niya ibinalik ang kamay niya sa beywang ni May na busy naman ngayon makipagdaldalan sa akin. Sabi na nga ba, eh. Buntot talaga ni May si Dale. Madaling hanapin si Dale dahil kung nasaan si May ay nandoon din si Dale. Parang kambal-tuko lang.

Ang sweet naman ng dalawang ‘to. Parang gusto ko tuloy masuka, charot. Nakaka-bitter, eh.

“Kayo pa rin hanggang ngayon?” nagtatakang tanong ko pero siyempre ay joke lang iyon. Alam ko naman na magtatagal pa sila nang husto dahil sobrang mahal nila ang isa’t-isa. “Seven years na, ah! Masyado naman kayong matatag. Ayaw n’yong i-try mag-break kahit one year lang?”

Agad naman akong sinapok ni May kaya naman napatigil ako sa panggagago ko.

“Joke lang naman, punyemas!” Hinimas ko ang ulo ko gamit ang kanang kamay ko. Feeling ko tuloy ay naalog ang natitirang brain cells ko sa ulo. Kaunti na nga lang ito, eh!

“Bunganga mo, marumi pa rin,” natatawang sabi ni Dale habang inaalis ang buhok na kumalat sa mukha ni May ngayon.

Nakakainis talaga! Ang sweet nila!

May mga oras na naiinggit ako sa kanilang dalawa kasi kahit na pitong taon na silang magkasama, hindi nagbabago ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa. May mga oras na napapatanong ako sa isip ko na baka ay makasalanan ako noon sa past life ko kaya naman grabe ang mga pinagdadaanan ko ngayon, pero at the same time ay masaya ako para sa kanilang dalawa dahil deserve naman nila kung nasaan man sila ngayon.

“Mama mo marumi,” pambabara ko sa kan’ya.

Tumawa lang siya sa sinabi ko dahil sanay naman na sila sa bunganga ko, and as far as I know, parehas kami ni May na ganito mambara. Kaya nga magkaibigan kami, eh. Noong una ay akala ko na isang mahinhin na babae si May, pero noong naging close na kami ay isa pa pala siyang balasubas kagaya ko. Minsan nga ay hindi ko na sure kung sino ang mas balasubas sa aming dalawa, eh.

“Anyway, tantanan n’yo na nga muna ‘yan, lover birds.” Sinita ko na sila dahil naaalibadbaran na ako.

Naiinggit kaya ako, duh! Tapos kakakita ko lang sa ex ko kanina, so please, huwag naman muna nila iparamdam sa akin nang sobra na single ako at hindi ko sure sa sarili ko kung kailan ulit ako magkakaroon ng boyfriend… o kung magkakaroon pa nga ba?

“Inggit ka lang kasi wala kang dyowa,” pang-aasar naman sa akin ni May. Okay naman na sana sa akin na wala akong dyowa pero dahil dinugtungan niya pa ang sinabi niya ay na-badtrip lang ako lalo.

“Bakit kasi hindi mo na lang balikan si Mark?”

Napatahimik ako dahil sa tanong niya. Madali lang iyon sabihin para sa kan'ya dahil ang alam lang naman nila ay naghiwalay kami ni Mark dahil iniwan ko siya papunta sa States at ayoko na sa kan'ya. Alam kong masyado akong masokista dahil hinayaan ko pa na masira ang reputasyon ko rito sa Pilipinas bago ako umalis, pero hindi ko rin naman inasahan na kakailanganin kong bumalik dito para sa trabaho ko.

At sa Nasugbu pa talaga, ha! Sa dinami-rami naman ng lugar sa Pilipinas, dito pa talaga sa lugar na inaayawan ko.

At pumayag naman ang tangang si ako, kaya kung mayroon man akong dapat sisihin? Ako 'yon. Ginusto ko ang trabaho na 'to, eh! Isa akong tanga na sobrang hayok sa promotion!

“Mauuna na pala kami, Sunset.”

Mabuti na lang at nakaramdam si Dale na bigla akong na-estatwa ngayon sa kinaroroonan ko dahil bigla na lang niyang hinatak si Dale palabas ng building. Aangal pa sana si May pero nang buhatin siya ni Dale na parang sako ay wala na siyang nagawa pa.

“Tatawagan na lang kita, ha!” paalala pa ni May sa akin kahit na mukha na siyang kakatayin na baboy ngayon dahil sa itsura nila ni Dale ngayon.

Agad naman akong tumango kahit na hindi naman niya ako nakikita dahil ang layo na nilang dalawa sa puwesto ko.

“Ano ba ‘yan, Dale! Buwisit ka naman, eh!” narinig ko pang reklamo ni May kahit na hindi ko na sila nakikita. Grabe talaga ang boses niya, loudspeaker lang ang peg. Daig niya pa ang naka-microphone, eh!

Napabuntong-hininga na lang ako nang ako na lang mag-isa ang nandito. Ang hirap pala ng sitwayon ko, ngayon ko lang naisip.

Pero kapag nalaman ni May ang totoo, alam kong magagalit siya kay Mark. Magkakagulo pa silang lahat dito. Baka kahit si Dale ay magalit din kay Mark. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila nang dahil sa akin. Aalis din naman ako kaagad dito sa Pilipinas kapag naayos ko na ang mga kailangan kong gawin kaya hindi ko na kailangan pang sirain ang pagkakaibigan na mayroon sila ngayon. Mabilis lang naman ang tatlong buwan… siguro.

Sabi nila, kapag gustong-gusto mo raw ang ginagawa mo ay tatagal ang oras, pero kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo ay sobrang matagal ito… kaya hindi ako sigurado kung magiging mabilis nga ba o matagal ang tatlong buwan para sa akin.

“Okay ka na?”

“Ay, punyeta!”

Hindi ko naman sinasadyang magmura nang sobrang lakas. Hindi rin naman ako nagmumura kapag kausap ang ibang tao unless si Dale or May ang kausap ko pero napamura lang talaga ako bigla dahil akala ko ay mag-isa ako tapos may magsasalita sa tabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat doon, ‘di ba?

“Bakit ang hilig mong magmura?” tanong ni Mark sa akin habang nanonood kami ng vampire movie. Ang sabi nila ay maganda ito, at tunay naman iyon.

Pero itong si Mark, parang walang interes sa pinanonood namin. Mas gusto niya pa yata akong panoorin kaysa manood nitong palabas. Ang adik lang.

“Wala lang,” saad ko bago ako nagkibit-balikat. "Hindi naman talaga ako palamura, eh. Si Dale at May lang ang gustong-gusto kong minumura talaga, tapos ikaw din kapag nabubuwisit ako sa ‘yo. Bakit mo natanong?”

“Wala lang din,” sagot niya pabalik. “Minsan lang ay hindi ako komportable kapag naririnig kang nagmumura. Kung ako ang masusunod ay ayokong nagmumura ka, pero ang gusto ko, ikaw mismo ang magbago noon sa sarili mo at hindi manggagaling sa akin.”

“Paki mo na naman ba?” naiinis na singhal ko sa kan'ya.

Naiinis ako dahil sa bawat minuto na nakikita ko siya ay marami akong naaalala. Ibinaon ko na ‘to lahat sa limot, eh. Kainis naman talaga! Parang isang tangang CD ang utak ko na paulit-ulit nagre-replay ng mga alaala na ayaw ko namang alalahanin!

Napatingin ako sa kamay niya at napansin ko na dala-dala niya pa rin pala ang maleta ko sa kanang kamay niya. Kukunin ko na sana iyon sa kan’ya pero agad niyang inilihis iyon nang mabasa na under maintenance ang elevator.

“Bunganga mo,” wika niya sa akin habang umiiling nang bahagya. “Saan ang room mo?” dagdag niya pang tanong.

“Wala kang paki, okay? Wala,“ untag ko. Ang kulit naman ng isang ‘to. "Sino ka ba sa inaakala mo?"

“Ang tigas pa rin ng ulo mo,” saad niya bago niya ako sinamaan ng tingin. Ni hindi niya pinansin ang tanong ko,

Wow, ha! Ako pa raw ang matigas ang ulo? At teka lang, siya pa ang galit sa akin ngayon?! Kakaiba siyang talaga!

“Ikaw naman, ang kapal ng mukha mo," sagot ko sa kan'ya bago ko nagpameywang sa harap niya. "Tanong ko lang, wala ka bang kahihiyan? Nagka-amnesia ka ba?”

He accidentally loosens his grip on my luggage bag because of my question. I grabbed that chance to steal the luggage bag away from him. Mabuti na lang at hindi na iyon nalaglag sa paa ko.

“Please," pakiusap ko sa kan'ya. "Kung wala ka namang gagawing matino, just shut the f.uck up and let me have my stay here in peace.”

I started to walk onto the janitor while Mark was left dumbfounded. Buti nga sa kan’ya!

“GRABENG workout naman ‘to,” reklamo ko nang makarating na ako sa unit ko gamit lang ang hagdan. Sana talaga ay maayos na ang elevator mamaya dahil baka ito pa ang maging cause of death ko, charot not charot.

Nakita ko na nakalagay sa tapat ng pintuan ko ang isang maleta ko kaya naman ipinasok ko na ito sa loob ng condo unit pagkatapos kong i-scan ang card key ko sa pinto. Mamaya ko na lang siguro ito lalagyan ng pin code kapag natapos na akong mag-ayos ng gamit ko. Siguro ay 1111 lang din ang ilalagay ko dahil isa akong dakilang makalilimutin.

Ibinalibag ko ang mga maleta ko sa gilid bago ako tumakbo ako papunta sa kama ko na kaagad ding makikita pagkapasok sa pinto. Hindi naman kasi kalakihan ang mga unit dito. Sa loob ng isang room ay sama-sama na kaagad ang kama, ang sala, ang kusina, at ang banyo. Sa gilid ng kama ay mayroong study table dahil isinali ko ito sa request ko. Madalas kasi na roon ako pupuwesto kapag nagsimula na akong mag-edit ng documents para sa trabaho.

Pagkasalampak ko sa kama ay ibinaon ko kaagad ang mukha ko sa unan at sumigaw para mailabas ko ang inis ko.

"Kingina mo, Mark!” Iyon agad ang una kong nasambit. Wala na akong iba pang nasabi pagkatapos no’n dahil sumigaw na lang ako nang sumigaw. Hindi ko na rin napansin na nag-uunahan na palang tumulo ang luha ko habang inaalala ko ang pagkikita namin kanina na nagdala na naman sa akin papunta sa nakaraan.

Ang tanga ko ba dahil dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakaka-move on? Ang tanga ko ba dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na masasagot ang mga tanong sa isipan ko?

Ang tanga ko ba dahil sa loob ng dalawang taon, mahal ko pa rin ang taong wala namang ibang ginawa kung hindi gaguhin lang at paglaruan ang nararamdaman ko?

“Oo, Sunset. Tanga ka. Tanga.” Sinagot ko na ang sarili ko bago ko ibinaon ulit ang mukha ko sa unan habang inilalabas ko ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak ko.


CHAPTER 3: YOU AGAIN



NAMUMUGTO na ang mga mata ko kakaiyak at nagsisimula na rin siyang humapdi. Gusto ko pa sanang sulitin ang moment ng pag-iyak ko para na rin ma-realize ko sa sarili ko kung gaano ako kabobo dahil iniiyakan ko pa rin siya hanggang ngayon, pero wala akong choice kung hindi ang tumigil dahil may tumatawag sa phone ko.

“Ano ba ‘yan, panira naman ng momentum,” reklamo ko bago ako nagkamot ng ulo ko saglit saka ko tiningnan kung sino ang tumatawag.

Kaagad akong napabalikwas ng tayo nang makita ko kung sino ‘yon. Hala, ang prince charming ko pala!

Agad kong pinunasan ang luha ko at nag-ayos pa ako ng buhok na para bang makikita ako ni sir Lean kapag sinagot ko ang tawag niya.

Ini-stabilize ko pa ang boses ko habang ginagawang mic ang suklay ko. Baka kasi biglang mag-crack ang boses ko mamaya kapag kausap ko na siya. It’s either dahil sa kilig or dahil sa pag-iyak ko kanina.

Pagkatapos no’n ay sinagot ko na ang tawag ni sir Lean. Baka kasi ay mainip na siya at magsisi pa bigla na tumawag pa siya sa akin, char.

“Hello, sir?” Nagpa-cute pa ako sa kan’ya kahit na hindi naman niya ako nakikita.

“Hi. How are you?”

Wait, ‘yong boses niya, natutunaw ako. Feeling ko isa akong yelo na kumekerengkeng.

Umupo ako sa kama at nilaro-laro ko ang dulo ng buhok ko dahil sa kilig. Hindi pa ako nakasagot sa kan’ya agad dahil kinilig muna ako at kailangan ko ‘tong pigilan.

Hindi naman ako ganito sa kan’ya kapag sa personal kami magkausap dahil kailangan kong maging professional. Baka bigla na lang ako kurutin sa singit ng co-workers ko kapag kinilig ako habang kausap ko siya, ‘di ba?

Ngayon na sa phone lang kami nag-uusap ay mas nailalabas ko ang pagnanasa, este, ang admiration ko para sa kan’ya.

Raile Leander Smith, or Lean for short, is my boss for two years in the States. Siya talaga ‘yong tipo ng boss na mai-intimidate ka pero at the same time ay kakakiligan ng mga kababaihan dahil una sa lahat, ang guwapo niya. Lalo na ‘yong blue niyang mga mata at jawline niya, naku, pamatay talaga! Siguro dahil na rin sa mahilig siyang mag-gym at dahil na rin half-half siya kaya naman ang ganda ng built ng katawan niya.

Iba talaga kapag imported, eh. Char, ginawa ko naman siyang aso dahil sa half-half na sinabi ko. Natawa tuloy ako bigla dahil sa iniisip ko.

“Sunset? Are you still there?”

“Sir yes, sir!” sigaw ko pero pakiramdam ko ay nagulat si sir Lean sa lakas ng boses ko. Ano ba naman kasi ‘tong utak ko, kung saan-saan nalipad! Manananggal ka, girl?

“I mean, I’m fine. I just went here,” I replied. Hindi ko alam kung bakit sa wikang Ingles ako kinakausap ni sir Lean ngayon, pero ayos lang naman. I can communicate in both languages naman.

Wow, feeling ko ang angas ko sa part na ‘yon, charot.

“I am not yet done packaging my things here since I had a hard time going here in the building where I am staying,” I explained as I stood up and turned on the air-con.

Ngayon ko lang kasi naramdaman ang init noong nasa tamang wisyo na ako. Hindi ko siya naramdaman noong umiiyak ako.

Hindi pa rin pala ako nagpapalit ng damit, kaya naman pala ako naiinitan.

“However, I already scanned the documents on the plane earlier. Don’t worry sir, you sent the right person. I got you. I got the company.” Nakangiti pa ako habang sinasabi iyon.

Hindi naman sa nagmamalaki ako, pero alam ko na maayos ako magtrabaho dahil na rin sa experience ko rito sa Pilipinas noon bilang isang Marketing Assistant, and Marketing Associate naman sa States.

Sa susunod ay ako naman na ang magiging Marketing Head, charot. Aagawan ko pa si sir Lean, ano? Pero nawa’y ma-promote ako kahit Marketing Manager. Goal ko talaga na umupo sa swivel chair tapos kagat-kagat ko ang ballpen ko habang may nagre-report na mga empleyado sa harapan ko.

Char, kagat-kagat talaga ang ballpen? Ang dugyot, ha. Baka naman nalaglag na iyon sa sahig tapos nangangatin ko pa after?

My gosh, I cannot. The contamination. Kung kanina ay nakangiti ako, ngayon naman ay nakangiwi na ako.

“I know,” he responded. Curious lang ako if nasa trabaho na siya kaya wala siya sa mood mag-Tagalog? “That’s why you’re the one the marketing department chose. You’re the best candidate.”

“Thank you for the compliment, sir.” Gusto ko sanang sabihin na ako lang ‘to, sir, pero hindi ko ginawa dahil una sa lahat, hindi ko sure if maiintindihan niya ba ‘yong punchline na ‘yon dahil sa Pilipinas lang naman ‘yon uso, at pangalawa, boss ko pa rin ‘to, ‘no.

Nakakausap ko man siya sa Tagalog, pero hindi ibig sabihin noon na puwede na akong mag-joke kung kailan ko trip.

“Anyway, how are you?”

I frowned. Natanong na niya ito kanina, ah? Lutang ba ‘tong si sir? Anyway, hindi naman ako nagrereklamo. Ang sarap kayang pakinggan ng manly niyang boses. P’wede na talaga siyang maging radio broadcaster kung ayaw na niyang maging Marketing Head, tapos bigay na lang niya sa akin ang posisyon niya, char only!

“As I mentioned earlier, I’m fine,” I replied. Bigla kong naramdaman ang pag-hapdi ng mata ko pagkatapos kong isagot iyon. Iyak pa more, tanga!

“No, I mean, you,” he said, shyly.

Hala, gusto kong tumili! Tama ba ‘yong nas-sense ko sa boses ni sir? Parang nahihiya at nag-aalala? Hala, sir naman, ‘wag naman paasa. Bad ‘yon. Baka umasa na lang ako bigla na crush niya rin ako, kaso feeling ko talaga kapag naging crush niya rin ako, mawawalan na ako ng feelings sa kan’ya. Hay.

“I’m… fine,” sagot ko naman.

Hindi rin kasi ako sure. Kakatapos ko lang umiyak. Ayos na ba ako after noon? Or more iyak sessions to come? Charot, ‘wag naman. Kawawa naman ang mga mata ko.

“I just hope that you didn’t encounter your stupid ex-boyfriend out there.”

I sighed.

Nangyari na, boss, gusto ko sanang sabihin. Sana lang ay ‘wag ko na talaga siyang makita ulit dito. Kung dito pa rin siya nakatira ngayon, I just hope na ‘wag nang magkrus muli ang landas naming dalawa. Tama na ‘yong kanina. Gusto ko lang naman ng promotion at ng mapayapang buhay. Sign ba ‘to na dapat ay hindi ko tinipid ang sarili ko?

“I didn’t.” I lied.

“That’s good to hear,” he answered, relieved. “I will hang up the call now. Do your best, Sunset,” he reminded me as he ended the call.

Gusto ko sanang kiligin pero mas naka-focus ang utak ko ngayon sa mga palpak na desisyon ko sa buhay. Bakit nga ba rito pa rin ako nag-stay kahit na alam ko na may possibility na rito pa rin siya nakatira? At hindi lang basta possibility, kung hindi isang malaking possibility.

Kahit naman papaano ay malaki ang Nasugbu, at may sasakyan naman ako rito dahil puwede akong magpasundo sa ibang employees ko na naka-assign din dito.

Alam ko naman ang pasikot-sikot ng Nasugbu kahit na marami na rin ang nagbago sa lugar na ‘to. Fast-learner naman ako kahit papaano kaya sigurado akong hindi ako maliligaw kapag gumamit ako ng Waze papunta roon sa site- ay, wala nga pala akong sasakyan! Assumera!

Hindi ko alam kung bakit, pero umaasa ba ako na makikita ko siya rito at magkakabalikan kami kung sakaling magkikita kami ulit? Talaga bang iniisip ko na wala nang epekto sa akin si Mark kung sakali mang magkakasalubong kami ulit?

Akala ko rin ay wala na, pero nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko dahil lang sa simpleng pag-alaala ko sa kan’ya

Napakatanga ngang talaga.

Matapos ang dalawang oras ay natapos na rin akong mag-ayos ng mga gamit ko. Inilagay ko na rin sa study table ang laptop at ang mga dokumentong kailangan kong i-review.

Nawa’y maging successful ang expansion ng DLF rito sa Pilipinas. Siguro ay kapag may branch na kami rito ay sa akin na rin nila ito ipa-handle. Wala naman iyon problema sa akin dahil kung ako ang tatanungin, mas gusto ko sa Pilipinas dahil iba talaga kapag nakatira ka sa bansa na kinalakihan mo. Hindi ko nga lang sigurado kung gusto pa nga ba ng lugar na ito sa akin.

Isa pa, siya lang naman ang bukod-tanging kinaaayawan ko rito at si Stacey. Si Stacey na walang ibang ginawa kung hindi ang gamitin ang pera at impluwensiya niya para makuha lahat ng gusto niya sa buhay. Kaya nananatiling immature, eh. Magkaparehas lang naman kami ng edad pero ‘di hamak na mas mature ako kaysa sa kan’ya.

Anyway, nakakapanibago lang na wala siya rito ngayon. Dapat bantayan niya ang boyfriend niya kasi baka mapatay ko ‘yon bigla kapag binuwisit na naman niya ako, char not char.

INABOT na pala ako ng alas-singko sa pag-aayos pa lang. Nakapagpalit na rin ako ng damit dahil sobrang pawis na pawis na pala ako dahil sa suot ko kanina.

Nakasuot na lang ako ngayon ng pulang t-shirt at pink na pajama. Alam kong sobrang weird ng fashion sense ko pero mas gusto ko na magaan ang pakiramdam ko sa suot kong damit kaysa naman sa maganda nga akong tingnan pero hindi naman ako komportable.

Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko masyadong gusto ang pagsusuot ng make-up bukod sa lipstick. Anyway, I don’t judge people who wanted to dress and wear make-up. It’s just not my cup of tea.

Sa pagod ko ay isinalampak ko ang sarili ko sa kama. Ang OA nga yata talaga ng bagahe ko. Feeling ko naman ay mamamasyal ako rito, eh ang pakay ko naman talaga rito ay mag-trabaho.

Bago ako tuluyang makatulog ay kinuha ko na muna ang phone ko at t-in-ext si mama. Nawala na sa isip ko ang i-update siya kanina dahil sa dami ng ganap. Nauna pa akong lumandi kay sir Lean bago kay mama. Sorry, mother dear.

Ma, I’m here na po. Kararating ko lang. Kain na po kayo ng breakfast, okay? I love you.

Matapos kong i-text si mama ay itatabi ko na sana ang cellphone ko para matulog pero may tumatawag na naman sa akin. Ang sakit pa nga ng ulo ko dahil sa jetlag at sa pag-iyak ko. Baka naman gusto muna nila akong pagpahingahin?

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Ah, si May lang pala.

“Bakit?” Wala nang hello hello. Diretso na agad sa topic. Inaantok na ako, ‘no! Saka alam ko naman ang pakay niyan kung bakit ‘yan tumawag sa akin. Mag-aaya lang ‘yan sa Crisso!

Crisso ang paborito naming kainan ni May. Bukod sa masarap na ang pagkain, malapit lang iyon dito. At isa pa, unli-seafoods and desserts doon. Sulit na sulit! Kaya nga isa sila sa pinakadinadayo na kainan dito sa Nasugbu.

Ang alam ko rin ay competitor dapat ito ng kumpanya nila Stacey. Gonzales Foods Corporation o GFC naman ang pangalan ng kumpanya nila. Pero dahil in-acquire na nila ang Crisso at GFC na ang major shareholder nila, tinulungan nila ang Crisso para mas maging maganda pa ito at mas malakas. So, technically, tinutulungan ko ang kumpanya nilang lumago dahil doon ako kumakain madalas.

GFC is the most famous company in the food industry. Sa loob ng ilang dekada ay walang tumalo rito, at magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatalo. They are still the best company, given Mr. Ramon Gonzales as the CEO.

I saw him a lot of times dahil ilang beses na rin siyang naging guest speaker sa seminars na pinuntahan ko noon. I can say that unlike her daughter, Ramon Gonzales was way more intimidating. Pakiramdam ko ay siya ‘yong tipo ng tao na ipapapatay lahat ng taong balakid sa pangarap niya.

Char lang, sa K-drama lang pala iyon nangyayari. Salbahe ang anak niya pero siguro naman ay mabait ang tatay niya. Siguro lang, kasi hindi ako sure, eh.

Pero sabi nga nila, ‘wag idamay ang pagkain sa anumang problema na kinakaharap natin sa buhay. Hindi ko naman kasalanan na sila Stacey na ang may-ari ng Crisso. Masarap naman talaga ang mga putahe sa Crisso, eh. Deserve nila ang number one spot dito sa Nasugbu.

If Mark’s father didn’t die before, maybe they also have the same popularity as GFC.

Fate really sucks, dahil kung kailan namin inakala na magiging maayos na ang buhay nila Mark dati, doon naman kinuha ang tatay niya. Mark believed that it was intentional. That someone killed his father because of their on-going business.

Hindi ko na lang siya sinagot doon noong in-open up niya iyon sa akin. I know how hard it is to lose someone you loved because I felt the same way when my father died. I didn’t know if kumusta na si Mark ngayon, pero nandiyan naman si Stacey para i-comfort siya. She stole Mark by being a b.itchy mistress, so dapat naman ay ayusin na niya ang role nila bilang bagong girlfriend.

“Hoy! Kanina pa ako tumatawag!” bungad sa akin ni May pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag niya. Nakatatlong tawag na pala siya sa akin. Napatay ko pala kanina ang call niya pero hindi ko napansin. Sorry naman, nawili ako magmuni-muni.

“Nagsasalita ako kanina pa tapos nakapatay na pala ‘yong tawag, buwisit ka,” litanya niya pa kaya natawa na lang ako.

“Ano ba ‘yon? Yayayain mo akong kumain?” diretso kong tanong sa kan’ya.

“Aba, siyempre naman, ‘no!” excited niyang sagot. “May alam akong bagong kainan!”

“Wow, hindi na sa Crisso?” nagtatakang tanong ko naman. Bago ‘yon, ah. Ayaw na niya sa Crisso. “Pero okay, go lang ako. Basta naman pagkain, g ako. Anong oras ba?”

“For a change. Palagi na lang tayo sa Crisso,” paliwanag niya. “Mamayang alas-otso pa naman, sis. Alam kong pagod ka pa dahil kakarating mo lang so magpahinga ka na muna riyan.”

“Thanks.” Iyon na lang ang nasabi ko dahil sa ngayon ay dinadalaw na talaga ako ng antok.

“Kasama si Mark, ha! Tropa rin kasi ‘yon, eh,” sabi niya kaya naman nawala bigla ang antok ko.

“Ay sis, parang masamang-masama na talaga ang pakiramdam ko. Hindi na pala ako makakasama. Enjoy!”

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Pinatay ko na ang tawag at saka ko ipinatong ang phone ko sa side table. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako kaagad dahil na rin siguro sa jetlag ko.

“ANO BA?” reklamo ko noong may makulit na nagdodoorbell sa pintuan ko. Ano ba naman ‘yan, ang sarap ng tulog ng tao rito, eh!

Naiinis man ako ay tumayo ako sa kama para tignan sa peephole kung sino ang bumibuwisita sa akin, pero kaagad ko ring nailayo ang sarili ko sa peephole nang makita ko kung sino siya.

Mark? Siya na naman?!


Want to read more? The remaining chapters are available exclusively on Dreame, Yugto, and Allnovel app! You can read this for free by WATCHING ADS on ALLNOVEL!

Post a Comment

0 Comments