The Princess Is A Villainess
By: Iwaswiththestars
Language: Filipino
Status: Completed
Soon to be published under Paperink Publishing!
[WARNING!]
Some scenes are not suitable for young readers. Trigger warning for violence, foul languages, and r4pe. Reader's discretion is advised.
BLURB:
Everyone knew Cinderella and her story.
She lived a vicious life when her divorced parents needed to work in the Royal Palace and left her alone. Her stepmother and her two stepsisters did nothing but mistreat her, not until that party happened.
Or... did they?
What would happen if the princess everyone adored throughout their life was the antagonist everyone would hate if they only knew?
What if the beloved princess... is the true villainess?
CHAPTER 1:
HABOL ko ang aking hininga habang tumatakbo sa kung saan man. Ano’ng lugar ba kasi ‘to? Paano ako napunta rito? Sa pagkakaalam ko, naglilinis lang ako ng bahay kanina tapos nandito na ako sa gubat.
Nakakapagod tumakbo, punyeta. Pakiramdam ko rin, lalabas na ang puso ko mula sa katawan ko. Hindi naman ako makatigil! Para kasing may hahablot sa akin kapag huminto ako sa paggalaw.
May nararamdaman akong humahabol sa akin pero wala naman akong makita. Nababaliw na ba ako?
“Tulong!” sigaw ko. ‘Di bale nang magmukhang baliw!
Ilang beses akong sumigaw pero tanging malakas at malamig na simoy ng hangin lang ang sumagot sa akin. Tanging ang buwan lang din na bahagyang tinatakpan ng ulap ang nagbibigay-liwanag sa puwesto ko ngayon.
Ang ganda sana ng tanawin sa totoo lang. Tahimik din, hindi kagaya roon sa bahay kung saan puro bulyaw ng madrasta at mga kapatid ko ang palagi kong naririnig. Hay, sana rito na lang ako.
Mapayapa. Wala ring nanonood sa kilos ko. ‘Yon nga lang, wala ring tutulong kapag nakagawa ako ng katangahan.
“Aray!”
At ito na nga ang sinasabi ko. Napadaing na lang ako nang matalisod sa isang maliit na bato. Napatingin ako sa tuhod ko at napangiwi nang makita ang gasgas at mumunting dugo roon.
“Lintik!” Mabilis akong tumayo at tumakbo nang marinig ko ang mumunting hakbang papunta sa direksiyon ko.
Hindi ako makasigurado kung multo ba ang humahabol sa akin o laman loob. Ayokong lumingon. Karamihan kasi ng gumagawa no’n sa mga napapanood ko, namamatay. Ayaw ko pang mamatay!
Kaya lang, mukhang doon na talaga ang destinasyon ko ngayon. Napairit ako nang makitang nasa harap na pala ako ng bangin.
Akala ko ay ‘yon na ang pinakanakakagulat na pangyayari ngayong araw, pero bigla na lang nagkaroon ng pader sa magkabilang gilid ko!
Wala naman ‘to kanina, ah! Nauntog kaya ang ulo ko nang hindi sinasadya?
“Tangina,” napamura ako at napahawak sa aking dibdib, pilit itong pinapakalma.
Kapag pinasukan ako ng nerbyos, mas lalo akong mahihirapang makaisip ng paraan kung paano ako makakaalis dito.
“Mahal na prinsesa.”
Hindi naman ako prinsesa, kaya hindi ko alam kung bakit ako lumingon. Nang gawin ko ‘yon ay isang matangkad na lalaki na nakasuot ng mamahaling damit ang sumalubong sa akin.
Ang una kong napansin ay kung gaano siya kaguwapo, kakisig, at kung gaano rin kaganda ang kulay asul niyang mga mata. Ang lalim din ng boses na ‘to, mukhang mas malalim pa sa bangin dito sa likod ko.
Pero kaagad na nawala sa kan’ya ang atensiyon ko nang itutok niya ang hawak nitong espada sa leeg ko. May bakas pa ng dugo roon. Mabilis tuloy akong napatalon sa takot pero wala naman akong matakbuhan.
“T-Tama na!” bigla ko na lang nabulalas. Hindi ko rin alam kung bakit ko ‘yon nasabi, at mas lalong hindi ko maintindihan ‘tong takot na nararamdaman ko.
Na para bang pagod na ako sa mga pangyayaring ‘to. Nangyari na ba ‘to sa akin dati?
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa mapanghusgang tono. Ang kaliwang kamay niya ay dumako sa pisngi ko, at napasinghap ako nang makitang basa na pala iyon ng luha ko. “Wala pa akong ginagawa sa ‘yo, pero natatakot ka na?”
Lalo akong nakaramdam ng takot sa mga salitang ‘yon.
Sa isang iglap lang ay nakasandal na ako sa pader. Matalim ang titig niya sa akin nang iangat niya ang kan’yang espada, ambang isasaksak ito sa akin.
“Huwag!” pagmamakaawa ko pero hindi siya tumigil.
Napapikit na lang ako at hinintay ang sakit, pero bakit ganoon? Sa dibdib ko nakatutok ang espada niya, pero bakit ang likod ko yata ang sumakit?
“Cinderella! Punyeta naman, oh!”
Ano ba ‘yan. Kaya naman pala masakit ang likod ko. May tumulak ba naman sa akin sa sahig.
Napangiwi ako at dumilat. Hindi na ako nagtataka na si Anastasia, isa sa mga kapatid ko, ang bumungad sa harap ko. Siya lang naman kasi ang mahilig sumigaw dito.
Tiningnan ko ang mukha niya. Mukhang mauubos na ang pasensiya nito, base na rin sa pagkakakunot ng noo niya. Gusto kong matawa dahil mukha siyang tigre kapag nagagalit, pero pinigilan ko iyon.
“Bakit?” tanong ko. Bakit kaya siya nasa kuwarto ko ngayon?
“Ano’ng bakit? Sobrang sarap ba ng tulog mo at hindi mo alam kung anong oras na?” Itinuro nito ang wall clock, at napatingin ako roon. “Alas-sais na, tanga! Wala ka pang naluluto, at hindi ka ba naglilinis! Hindi ka prinsesa para umasta nang gan’yan!”
“Mahal na prinsesa.”
Bigla ko tuloy naalala ang kakaibang panaginip ko kanina. Kung hindi ako ginising ni Anastasia, malamang ay patay na ako.
“Ay, nag-daydream pa si tanga. Hoy, kilos na!”
Nabalik ako sa reyalidad nang may bumato sa akin ng sapatos.
Si Dasha iyon. Kakambal nito ni Anastasia, pero magkaiba ang ugali nila. Madaldal si Anastasia, mapanakit naman si Dasha.
Magkakapatid kami, mas matanda lang ako sa kanila ng tatlong taon, pero kung itrato nila ako ay higit pa sa isang katulong. Kahit anong pagpapakabait ang ipakita ko sa kanila, galit pa rin sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
Napangiwi ako sa sakit ng sapatos, habang nagtawanan naman ang dalawa. Sa araw araw ay palaging tila mauubos ang pasensiya ko, pero palagi ko rin namang kinakaya. Si papa ang palagi kong iniisip. Balang araw ay kukunin niya ako rito at ilalayo.
“Magluluto na—”
“Dapat lang! Punyeta, sumasagot pa, eh!” angil ni Anastasia. “Halika na nga, Dasha! Nag-iinit lalo ang ulo ko!”
Itinikom ko na ang labi ko pagkatapos no’n. Mainit yata ang ulo niya dahil sa gutom. Ako lang naman kasi ang marunong magluto rito sa bahay.
“Ito na! Bakit ba kasi kailangan pa nating bumaba rito— Ahhh!” Hindi na natapos ni Dasha ang pagrereklamo niya nang bigla itong umirit. Itinuro niya ang luma kong cabinet, ang lugar kung nasaan ang mga dagang inaalagaan ko.
“Daga! Daga! Ahhh!” irit ni Dasha na sinabayan naman ni Anastasia. Mabilis silang lumabas ng kuwarto, dahilan para matawa ako.
“Malamang, basement ‘to. Buti nga at hindi ipis ang nakita nila,” bulong ko bago lumapit sa cabinet.
Baliw man sa paningin ng iba, pero inaalagaan ko ang mga dagang ‘to. Pakiramdam ko kasi ay mas mahal pa nila ako kaysa sarili kong pamilya.
“Salamat, three musketeers,” nakangiti kong saad nang magpakita sila sa akin.
Hinimas ko pa ang isa sa kanila, dahilan para lumikha sila ng ingay na para bang nakikipag-usap sila sa akin pabalik. Minsan, nakakabaliw din na mga daga lang ang kinakausap ko.
Papa, kailan ka ba babalik?
HABANG nagluluto ay naglalakbay ang utak ko. Naaalala ko pa rin ang panaginip ko kanina. Hindi ‘yon ang unang beses na nanaginip ako nang ganoon. Ilang beses na rin nangyayari ‘yon sa akin.
Naisip ko tuloy na baka babala iyon.
“Hindi. Baka praning lang ako.”
Iwinaksi ko ang mga agam-agam, at itinuon ang aking atensiyon sa paglilinis at paghahanda ng mga damit na ititinda ko mamaya. Isa kasi ito sa utos sa akin ni tita Elizabeth, ang nanay-nanayan ko.
Nang matapos ako magluto ay inihain ko na ang ulam sa lamesa. Kaagad na kumulo ang tiyan ko nang makaramdam ng pagkatakam sa menudong niluto ko.
Kailan nga ba ako nakatikim ng matinong pagkain sa pamamahay na ‘to? Hindi ko na rin matandaan.
“Tikim lang, okay?” pagkumbinsi ko sa sarili ko. “Tikim lang—"
“Anong tikim ang pinagsasasabi mo?”
Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang isang pamilyar na boses sa likuran ko. Nang lumingon ako ay hindi ako nagkamali. Si tita Elizabeth nga iyon.
“Nagugutom na ako, tita—"
“Nakalimutan mo bang hindi ‘yan ang pagkain ng mga asong katulad mo?” nakataas-kilay na sagot niya.
Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa nga pala ako kumakain, ni hindi pa ako nakakainom ng tubig.
Naka-lock kasi ang ref, at ang inilalabas lang nila ay ‘yong mga sangkap sa ulam na kailangan kong lutuin.
Ayoko na ng mga panis na pagkain. Kahit ngayon lang sana ay maawa siya sa’kin.
“Pagkatapos nitong ginawa mo, magmamakaawa ka nang gan’yan?” Hinampas niya ang ulo ko gamit ang hawak niyang diyaryo. “Parusa mo ‘to dahil hindi ka nakapagluto kaagad! Tumabi ka nga!”
Kasabay ng pagtulak ni tita sa akin ay ang pagtulo ng luha ko. Si Anastasia naman at Dasha at naghagikhikan pa, wala man lang ginawa upang tulungan ako.
Nanahimik na lang ako. Sa panibagong araw ay nadurog na naman ang puso ko.
Habang kumakain sila ng masarap na pagkain ay ito ako, nasa basement, pinagtitiyagaan ang mga sirang gulay na hindi ko alam kung kaya pa bang kainin ng mga dagang alaga ko.
Nagtatalo ang utak at tiyan ko. Gutom na kasi talaga ako, pero hindi ko alam kung kaya ko bang kainin ang mga pagkaing ‘to. Gusto kong magwala at sabihin sa kanilang lahat na hindi naman magiging ganito kadali ang buhay nila kung hindi ko sila inaasikaso.
Kailangan kong kayanin, para kay papa. Pero napapagod na ako.
Palagi na lang. Paulit-ulit na lang.
Wala na bang katapusan ‘to?
CHAPTER 2:
Sinampal-sampal ko na lang ang sarili ko para magising. Mamaya, sisiguraduhin kong makakapuslit ako ng makakakain. Kapag nagpatuloy ‘to paniguradong manghihina ako nang husto.
“Cinderella!”
Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Si Mang Isko pala ‘yon, isa sa mga kaibigan kong tindero rito sa lugar ng Corohelia.
“Magandang umaga po,” nanghihinang pagbati ko pabalik.
Siya rin ang madalas na nagbibigay ng pagkain at gamot sa akin. Katulad na lang ngayon.
“Kumain ka,” aniya bago ibinigay ang dala niyang kanin at manok.
Hindi na ako nag-atubiling kunin ‘yon. Halos mapaluha ako nang maginhawaan ang sikmura ko dahil sa pagkaing ibinigay niya. Pasalamat na lang talaga ako na may mababait na gaya ni Isko sa mundong ‘to.
Nang matapos ako kumain ay yumuko ako. “Maraming salamat po.”
“Walang anuman,” tugon niya. Akala ko ay aalis na siya, pero muli niya akong kinausap. “Pinagmalupitan ka na naman ba nila?”
Tumango ako. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya, at alam nila ang mga paghihirap na dinaranas ko sa kamay ng pamilya Fortelle.
Kailangan palagi akong maglinis ng bahay. Hindi ako puwedeng kumain nang walang pahintulot nila. Pili lang din ang oras kung kailan ako puwedeng lumabas.
Daig ko pa ang isang preso, pero alam din nilang lahat kung bakit ako nagtitiis nang ganito kahit mahirap.
“Wala pa rin bang paramdam ang papa mo?”
Umiling ako. Anim na taon na ang nakararaan nang huminto sila sa pagpapadala sa ‘kin ng sulat, at hindi ko alam kung bakit.
“Ilang taon na mula nang magtrabaho sila sa palasyo, ah.” Tumingin siya sa akin. “Bakit hindi mo sila subukang bisitahin? Baka ay may nangyari na.”
Napabuntong hininga na lang ako. Kung puwede lang talaga, kaso ayaw ko nang makaladkad ulit ni tita Elizabeth. Noong minsan kasing lumagpas ako sa oras ipinahiya ako ni tita sa labas at sinabunutan.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sakit ng anit ko roon, pucha.
Pero. . . sa tingin ko ay tama si mang Isko. Paano nga kung may masama talagang nangyari sa kanila? Bakit ngayon ko lang ‘yon naisip?
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. “May pupuntahan lang po ako. Puwede n’yo po bang bantayan muna ang tindahan ko?”
“Ako ang bahala sa ‘yo.” Tumango siya.
Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis kong tinahak ang daan papunta sa palasyo, pero hindi ko inaasahan kung ano ang sasalubong sa akin.
MAKULIMLIM ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin at nagkalat din ang mga patay na puno. Kulay itim na palasyo na mukhang abandonado ang bumungad sa aking harapan. Ibang-iba sa inaasahan ko na magarbong tanawin at mamahaling mga disenyo.
“Tama nga ba ‘tong napuntahan ko?” Napakunot ang noo ko. Hindi ko maiwasang magduda. "O baka naman naliligaw ako— Aray!”
Hindi ko na natapos ang litanya ko nang bigla akong matalisod sa isang kahoy, dahilan upang mawala ako sa balanse. Napatili ako at pumikit habang inaabangan ang paglagapak ko sa sahig.
Pero hindi iyon natuloy. Naramdaman ko na lang na may kamay na pumulupot sa aking beywang. Hinila ako nito pataas upang makatayo ulit ako nang maayos.
Naramdaman ko pa ang tigas ng kan’yang dibdib nang mapasandal ako roon, kaya naman ay nailang ako. Mabilis akong lumayo at humarap sa kan’ya para magpasalamat, pero napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino ang taong iyon.
Siya ang lalaking nasa panaginip ko. Naramdaman ko ang paghuhurmentado ng puso ko.
“S-Salamat.” Mabuti at nagawa ko pa ring bigkasin ang mga katagang iyon.
Kakaibang takot ang naramdaman ko nang mapatingin ako sa mga mata niya. Malamig iyon at walang bakas ng kahit anong emosyon.
Maputi siya, matangos ang ilong, malaki ang pangangatawan, at nakasuot ng itim na damit na mukhang magarbo kagaya niya. Mga damit ang pinagkakakitaan ko kaya marunong akong kumilatis ng tela sa isang tingin lang.
Ganito rin ‘yong suot niya sa panaginip ko. Nakakabit din sa beywang niya ang espadang hawak niya noong mga oras na ‘yon. Mas lalong pumasok ang takot sa sistema ko.
“Papatayin mo ba ako?” naibulalas ko nang hindi sinasadya.
Tumaas ang kilay niya, tila hindi makapaniwala sa biglaan kong tanong. Napailing na lang ako.
Hindi. Tinulungan niya ako. Bakit niya ako papatayin?
Dahil kung saan-saan na nagpupunta ang isip ko, nagpasya akong lumayo na lang sa kan’ya. “M-Mauuna na ako.”
Tumalikod na ako at naglakad paalis, pero bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa ginawa niyang ‘yon. Ramdam ko ang kakaibang init mula sa mga kamay niya, pero mabilis akong umiling. Ano ba ‘tong pinag-iisip ko?
“Bakit?” Humarap ako sa kan’ya habang nakakunot ang noo. Hindi ako puwedeng magpaapekto sa taong ‘to.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya bago ako hinila, dahilan para bumangga ako sa dibdib niya. “At hindi ka ba tinuruan ng magulang mo kung paano gumalang, binibini?”
Napangiwi ako dahil sa pagkakauntog, pero tumaas din ang kilay ko pagkatapos no’n. Gumalang? Pinagsasasabi nito? Nagpasalamat na ako, ah!
Hindi ko na lang pinansin ang huling tanong niya. Hindi ako umimik, dahilan para mapangisi siya. Halata ang pagtataka sa mga mata nito, pero kita ko rin ang galak sa mga mata niya. Hindi ko alam kung saan siya natutuwa, pero katulad ng tanong niya ay hindi ko na lang din iyon pinansin.
Lumayo muna ako sa kan’ya bago sumagot. Itinuro ko ang palasyo medyo malapit sa amin. “Pupunta ako roon. Tama bang ito ang palasyo ng Corohelia?”
“Ano’ng pangalan mo?”
Imbes na sagutin niya ang tanong ko, binato niya ako ng panibagong tanong. Awtomatiko tuloy na napataas ang kilay ko.
“Hindi ako nagsasabi ng pangalan ko sa hindi ko kilala,” walang pag-aalinlangan kong sagot. “Tama ba? Ito ba ang palasyo ng Corohelia?” pag-uulit ko.
Pero hindi niya ako sinagot. Pinasadahan niya ako ng tingin mula sa aking mukha pababa sa aking paa. Huminga ako nang malalim dahil baka may magawa akong hindi namin magustuhan.
“Wala kang kuwentang kausap,” saad ko, tuluyan nang nawalan ng pakialam kung tinulungan niya ako kanina o hindi. Hindi naman siya sinasagot ang tanong ko.
“Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo. Hindi mo ako kilala?” tanong niya. Bahagya pa itong tumawa.
“Dahil ba guwapo ka ay kailangang makilala kita?” Napasinghal ako. Guwapo siya, totoo ‘yon, pero ang yabang naman yata niya.
“Mabuti naman at aminado kang guwapo ako.” Kumindat ito habang nakangisi.
Napairap ako. Hindi lang pala mayabang. Ang kapal din ng mukha niya.
Ninguso ko na lang ang aking mga labi dahil ayokong sayangin ang boses ko sa mga taong kagaya niya. Nakita ko kung paano ito tumitig sa labi ko, at kung paano dumilim ang kan’yang paningin sa bawat segundong lumilipas.
Nagtaka ako nang bigla siyang lumunok. Napakunot ang noo ko, pero kaagad ding nawala ‘yon nang magsalita niya.
“May kakilala ako sa loob ng palasyo,” aniya. Seryoso ito, hindi katulad kanina. “Kailangan mong sabihin sa akin ang pangalan mo para masabi ko sa loob na papasukin ka.”
Napalunok ako at naalala ang kakaibang panaginip ko. Paulit-ulit niya akong tinatawag na prinsesa, eh isa lang naman akong katulong! Hindi kaya ay napagkamalan niya akong ibang tao?
Tama! Dapat sabihin ko ang pangalan ko para malaman niyang hindi ako ang taong kailangan niyang patayin! Mahirap na, ano. Baka bigla na lang niyang ilabas ang espada niya at kitilan ako ng buhay dito!
“Ella Cinderia Fortelle,” mahina kong saad, pero sapat na ang lakas para marinig niya. “Isang katulong…”
Hindi naman niya tinatanong, pero sinabi ko na lang din. Siyempre, kailangan ko makasiguradong hindi niya ako papatayin!
“Fortelle…” Napatulala ito saglit sa akin na para bang may naalala, pero maya maya lang ay umiling ito, tila bumalik na sa reyalidad. “Kapag diniretso mo iyan ay makakarating ka sa palasyo. Ipakita mo lang ‘to at siguradong papansinin ka nila.”
Inabutan niya ako ng isang gintong medalyon. Mukhang mamahalin ‘to kaya kinuha ko. Wala akong ideya kung totoo man ang pinagsasasabi niya, pero kung sakali mang niloloko niya lang ako, hindi na niya makukuha pabalik ‘tong medalyon dahil isasangla ko na ‘to kaagad.
“Salamat,” saad ko na lang.”
“Magpakatatag ka sa daan.” Bahagya niyang tinapik ang ulo ko bago umalis.
Imbes na gumaan ang loob ko ay naramdaman ko ang pag-angat ng mga balahibo ko. Ako lang ba o parang may kakaibang kahulugan iyon?
CHAPTER 3:
“Hindi ka puwede rito,” saad ng isa sa kanila.
“M-May hinahanap lang po ako,” mabilis ko namang sagot sa kanila. “Ako po si Ella Cinderia, anak ni Trevor at Naomi Fortelle. Matagal na silang nagtatrabaho rito sa palasyo. P-Puwede ko ba silang mabisita kahit saglit?”
“Hindi ka puwedeng pumasok kung walang pahintulot mula sa pamilya ng Corohelia,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. “Umalis ka na. Huwag mong hintayin na kaladkarin ka pa namin palayo.”
Tila tumatambol ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Muntik na akong hindi makapag-isip nang maayos. Mabuti na lang at may naalala ako.
“Teka, ito po.” Nilabas ko ang medalyon mula sa bulsa ko. “May nagbigay sa akin nito kanina sa daan. Ang sabi niya sa akin, kapag ipinakita ko ‘to, papapasukin n’yo ako.”
Tila ay binuhusan sila ng malamig na tubig nang ipakita ko sa kanila ang binigay kanina ng lalaking ‘yon. Kinuha iyon ng isa sa kanila at matamang tinitigan iyon.
“Ito nga ‘yon…” saad niya pa. Halos mamutla ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin, na labis kong ipinagtaka.
“Pasensiya na sa trato namin, mahal na prinsesa.” Yumuko ang may hawak ng medalyon, at sumunod naman ang dalawang guwardiya. “Maaari na kayong pumasok sa loob.”
Prinsesa? Bakit nila ako tinatawag na prinsesa?
Napakunot ang noo ko. Ganito ba sila gumalang sa mga tao rito?
Nagtataka man pero sumunod na lang ako sa guwardiya nang igiya niya ako papasok ng palasyo. Imbes na mamangha ay mas lumala lang ang pagkakilabot ko. Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya rito sa loob.
“Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo, mahal na prinsesa?”
Napatigil ako nang may kumausap sa akin na matandang lalaki. Nakasuot din ito ng magarbong itim na damit. Sa tingin ko ay isa siya sa mga tagapagsilbi rito sa palasyo, pero nagtataka ako dahil ginagalang niya ako, eh mukhang parehas lang naman kaming tagasilbi.
Hinayaan ko na lang ‘yon. Sige na nga, magiging prinsesa muna ako ngayon. Kahit ngayon lang.
“Trevor Fortelle at Naomi Fortelle. Trabahador sila rito sa palasyo,” panimula ko habang nasa likod ko ang magkabilang kamay ko. Kailangan kong itago ang kabang nararamdaman ko. “Maaari n’yo ba akong dalhin sa kanila?”
“Masusunod,” mabilis niyang tugon. “Sumunod ka sa akin.”
Sumunod ako sa kan’ya. Tila lalabas na ang puso ko mula sa aking katawan pero kinontrol ko ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko.
Habang naglalakad ay naghahanda ako ng sasabihin sa magulang ko— kung paano ko sila babatiin o kukumustahin. Ito ang unang beses na makikita ko sila ulit sa loob ng matagal na taon, ni hindi ako sigurado kung natatandaan pa ba nila ako.
Pero lahat ng iniisip ko ay biglang naglaho na parang bula. Ang pagkagalak na naramdaman ko kanina ay napalitan ng pagtataka.
“Bakit tayo… nandito?” tanong ko nang makita kung nasaan kami ngayon.
DINALA ako ng matanda sa sementeryo. Tahimik dito ngunit maliwanag. Katulad ng dinaanan ko sa labas kanina, nagkalat din ang mga puno rito. Mukhang tagtuyot ang panahon dahil malapit nang maubos ang mga dahon nila.
Ganoon pa man, mas na-pokus ang atensiyon ko sa mga nitsong parang pinagmamasdan ang kilos at galaw ko. Alam ko na kung bakit dito niya ako dinala, at alam ko na rin kung bakit hindi na sila nagpaparamdam sa akin.
Hindi ko kayang tanggapin. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. Nagpumilit akong pumunta rito, pero ngayong nasa harap ko na ang kasagutan, gusto ko namang tumakas. Nababaliw na yata ako.
“Sumunod ka sa akin,” aniya.
Nagpatuloy ito sa paglalakad, at sumunod ako sa kan’ya. Pilit kong inihahakbang ang mga paa ko kahit sobrang hirap. Tila napigil ko ang hininga ko hanggang sa makarating kami sa bandang dulo ng sementeryo.
“Sila,” sambit niya bago itinuro ang dalawang nitso sa harapan ko. “Sila ang hinahanap mo.”
Tuluyan akong tinakasan ng lakad. Naramdaman ko na lang ang paglagapak ng mga tuhod ko sa sahig, kasabay ng pag-agos ng luha ko. Nahihirapan man ay pilit ko pa ring binasa ang mga pangalan na nakalagay sa lapidang nasa harapan ko.
Trevor Fortelle, December 25, 2016
Naomi Fortelle, December 31, 2016
“Anim na taon…” sambit ko.
Anim na taon na silang patay, at anim na araw din ang pagitan ng pagkamatay nila. Patuloy sa pag-agos ang luha ko habang hindi ko magawang iiwas ang tingin sa mga lapida nila.
Sobrang sakit! Wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyari!
“Mama! Papa!” Hindi ko na napigilan ang paghagulgol.
Sigurado akong malakas iyon at nakaririndi, pero hindi ko na kayang kimkimin pa ang lahat ng ‘to. Sobrang sakit na para bang may kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa aking kalamnan.
Sobrang sakit… na para bang unti-unti akong nilulunod ng mga lapidang ito papunta sa kadiliman.
Pakiramdam ko, nasayang lang ang lahat ng hirap at pagtitiis ko. Sayang ang mga taong hinintay ko, tapos ay ito lang din pala ang maaabutan ko. Pero kailangan kong kumalma. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari at namatay sila.
Tumayo ako. Huminga ako nang malalim bago pinahid ang luha sa mga mata ko. “Ano po ang nangyari?”
“Napagdiskitahan si Trevor sa daan noong inutusan siyang mamili ng mga gamit para sa palasyo,” malungkot niyang saad. “Hindi kinaya ni Naomi ang pagkamatay niya. Nagulat na lang kami nang makitang naglaslas ito.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko pagkatapos no’n. Ayokong magpakita ng kahinaan sa lugar na ‘to. Kailangan kong maging matatag, pero hindi ko pa rin kayang pigilan ang luha ko.
Para na akong mababaliw sa sakit. Iyon pa lang ang naririnig ko pero parang hindi ko na kakayanin.
“Anim na taon… Bakit walang nagbalita sa akin tungkol dito?” May pait sa tono ng boses ko.
“Matagal ka naming hinanap,” kaagad niyang sagot sa akin. “Hinahanap ka namin dahil ikaw ang nag-iisa nilang anak, pero si Elizabeth lang ang natagpuan namin. Sabi niya ay siya na raw ang magsasabi sa ‘yo, kaya ngayon ay nagtataka ako. Bakit hindi mo alam ang nangyari sa mga magulang mo?”
“Alam ni tita Elizabeth… ang tungkol dito?” Napakuyom ang magkabilang kamay ko.
“Oo.” Tumango siya. “Asawa siya ni Trevor kaya binalitaan din namin siya.”
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo papunta sa aking ulo. Naalala ko ang pangmamaliit, pang-aalipusta, at ang pagtrato nila sa akin higit pa sa isang katulong.
Kaya pala naaalala ko noon, nang binanggit ko na isusumbong ko sila kay papa dahil sa ginagawa nila, tinawanan lang ako ni tita Elizabeth. Iyon pala ay dahil alam niyang patay na ang susumbungan ko.
Dumilim ang paningin ko bago ikinuyom ang kamao. “Salamat po. Aalis na ako.”
Tumango ang matanda, pero halatang tinatantiya niya ang reaksyon ko. Hindi na ito nagsalita pa nang makita ang pagdilim ng ekspresiyon ko. Katulad kanina, iginiya niya ulit ako pasunod sa kan’ya.
Pero bago ako sumunod, muli akong sumulyap sa lapida ni mama at papa. “Babalik ako. Pangako.”
HINDI na ako dumiretso pa sa palengke. Sa bahay na ako pumunta upang komprontahin si tita, pero hindi ko inaasahan na nakaabang pala silang mag-iina sa akin. Base sa mga itsura nila, mukhang alam na nila ang ginawa kong pagtakas.
“Bruha ka talagang babae ka!” Hinila ni tita ang buhok ko at marahas akong kinaladkad papasok sa bahay.
Nasasaktan ako, pero hindi ako nagsalita. Ni hindi ako lumaban. Wala nang mas sasakit sa natuklasan ko kanina.
“Akala mo hindi ko malalaman na tumakas ka sa palengke?! Tanga! Papunta ka pa lang, pabalik na ako!” Binitawan ako ni tita at itinulak ako, dahilan upang sumubsob ako sa sahig.
“Deserve,” komento ni Anastasia.
“Buti nga sa ‘yo,” sang-ayon naman ni Dasha. “Bilis ng karma, ano?”
“Saan ka nagpunta, ha?” Saang lupalop ka nagpunta?!” pagalit na tanong ni tit. Hinawakan niya nang mahigpit ang baba ko. “Ano, nagbabalak kang tumakas sa amin?!”
Hindi na ako nakatiis. Iwinaksi ko ang mga kamay niya dahil sa galit. “Oo! Nagbabalak na akong maglayas sa walang kuwentang pamamahay na ‘to!”
Nalaglag ang panga nilang tatlo, hindi inaasahan ang pagkaubos ng pasensiya ko.
“Tita, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay papa?” Bakas ang sakit sa boses ko. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na patay na pala si mama at papa, anim na taon na ang nakararaan?!”
Nanlaki ang mga mata niya, pero kaagad din niyang iwinaksi ‘yon. “May magbabago ba kung sinabi ko? Wala! Mananatili ka pa rin dito kasi wala ka namang mapupuntahan!”
Mariin ang kaswal lang ang pananalita niya… na para bang wala lang sa kan’ya kung ngayon ko lang nalaman na wala na pala ang mga taong hinihintay ko. Na para bang wala siyang pakialam kung pakiramdam ko ngayon ay kinuha sa akin ang pangarap ko.
“Gamitin mo ‘yang utak mo, ha? Hindi ka mabubuhay dito kung hindi dahil sa ‘kin, tandaan mo ‘yan!” aniya bago itinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo niya.
Ano raw? Hindi mabubuhay? Napaismid na lang ako. Ako ang nagsilbi sa kanila mula ulo hanggang paa, kaya dapat ay ako ang nagsasabi no’n. Tingnan ko na lang talaga ang magiging buhay nila kapag lumayas na ako sa pamamahay na ‘to.
Chapter 4:
NAGING mabilis ang pagkilos ko. Inilagay ko na ang mga damit ko sa maleta, at nagpaalam na ako sa mga daga ko bago muling pumunta sa sala.
“Aba, maglalayas ka talagang tanga ka?” nakataas-kilay na tanong ni Anastasia nang dumako ang tingin nito sa mga gamit ko.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad. ‘Di bale nang mamatay ako sa kalsada, kaysa naman patuloy akong magpagamit sa mga mapang-alipin na pamilyang ‘to.
Narinig ko ang pag-ismid ni Anastasia. “Good luck. Tingnan natin kung makatagal ka ng isang araw diyan sa daan.”
Hindi ko na siya sinagot. Imbes ay lumabas na ako at naglakad-lakad.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung makakatagal ako. Pero bahala na. Siguradong sa gagawin kong ‘to ay gagaan ang pakiramdam ko.
Walang sisita sa akin. Magagawa ko kung ano’ng gusto ko. Masasabi ko nang bukal sa loob ang nasa puso ko.
Wala nga lang akong bahay.
“Kahit maliit na espasyo lang sana. Ayos na ako roon,” bulong ko bago nagpatuloy sa paglalakad na walang destinasyon.
Kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko ay ayos lang, pero hindi ko inaasahan na dito ako dadalhin ng paglalakbay ko.
ISANG mahinang tawa ang pinakawalan ko nang makita kung saan ako napadpad. Nandito na pala ulit ako sa gubat papunta sa palasyo. Mukhang gusto ulit akong makita ng mga magulang ko kaya nila ako dinala rito.
“Parang kanina lang, sabi ko ay babalik ako, ah.” Napangiti na lang ako nang mapagtanto ‘yon.
Tumingin ako sa aking likuran, at doon ko rin napagtanto na sa tagal ng pagmumuni-muni ko ay malayo na rin ang narating ko. Kaunting lakad pa ay makakarating na ako sa palasyo.
Dito na ako titigil. Mahirap na, wala na ang medalyon sa kamay ko kaya siguradong hindi ako papapasukin doon.
Pero saan naman ako makakakita ng bahay sa ganitong klaseng lugar? Baka naman bahay ng kapre ang makita ko rito! Bumalik na lang kaya ako?
“Masyadong malayo.” Umiling ako. Tumingin ako sa langit at nagdasal sa magulang ko, kung nakikinig man sila sa akin. “Sana, tulungan n’yo akong makahanap ng matutuluyan ngayong gabi. Kahit maliit lang, ayos na ‘yon,” taimtim kong panalangin.
Muli akong naglakad habang lumilinga-linga sa paligid. Tinitingnan ko kung narinig ba nila mama ang panalangin ko, pero wala, eh! Wala pa rin akong makitang bahay, at malapit na ring bumuhos ang ulan.
Maya maya pa nga at lumakas pa ito. Nalintikan na! Kahit hindi na pala bahay, kahit silungan na lang pala!
Lakad-takbo ang ginawa ko habang naghahanap ng masisilungan. Masukal ang paligid, at puro puno lang naman ang mayroon dito. Bakit kasi rito ako napunta? Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko!
“Aray ko, punyeta,” pagrereklamo ko nang madapa sa nakakalat na kahoy.
Mabigat ang dala ko, ganoon din ang paghinga ko pero hindi ako puwedeng tumigil. Kapag namatay ako dahil sa lamig, para ko na ring pinatunayan kila tita Elizabeth na tama ang sinasabi nila. Hindi ako papayag!
Nahihirapan man dumilat dahil sa marahas na patak ng ulan ay pinilit ko pa ring maghanap ng kahit maliit na masisilungan, at nagtagumpay naman ako. Halos mapatili ako nang makakita ng isang maliit na bahay rito sa gubat.
May tao bang magtatangka na tumira sa ganitong klaseng lugar? Nakakapagtaka, ah. Pero ganoon pa man, iwinaksi ko na lang ang isip ko. Mamamatay na ako sa lamig, ngayon pa ba ako mag-iinarte?
Maliit lang ito at mayroong isang ilaw na nakabukas. Mukha man itong abandonado, pero sa tingin ko ay puwede na rin ito para masilungan ko. Kahit ngayong gabi lang.
Hindi na ako nag-inarte pa. Mabilis akong tumakbo roon at kumatok sa pinto. “Tao po? May tao po ba rito?”
Walang sumasagot. Itinulak ko ang pinto at nakitang hindi iyon nakakandado. Lumalakas na ang ulan, at tila tinutukso ako ng Maykapal na maging masamang tao at pumasok na lang bigla.
Hindi. Mabait ako.
“Tao po?” pagtawag ko ulit, pero katulad kanina ay wala pa ring sumasagot.
Iyon na ang naging senyales ko para pumasok sa loob. Pagtapak ng mga paa ko roon ay kaagad akong napangiwi. Mabilis kasing rumehistro ang masangsang na amoy sa ilong ko.
Amoy… patay.
“Daga lang ‘yon, kumalma ka nga,” pagkumbinsi ko sa sarili ko. Pilit akong tumawa habang sinasampal ang magkabilang pisngi ko. “Tiisin ko na nga lang kahit masangsang.”
Sumalampak ako sa sofa. Halos maubo ako nang magsiliparan ang alikabok doon. Gusto ko na sanang umalis, pero mas lumakas ang buhos ng ulan.
Bigla tuloy akong napaisip sa mga desisyon ko sa buhay. Tama nga bang tumakbo ako rito? Isa pa, mukhang hindi ko na kayang tiisin ang amoy na ‘yon. Linisin ko na lang kaya?
Tumayo ako at naglakad para hanapin kung saan nanggagaling ang kasula-sulasok na amoy na ‘yon. Sa bawat hakbang ay ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Kaya ko ‘to. Kaya ko ‘to,” paulit-ulit kong wika na para bang nagriritwal.
Matapang ako. Iyan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko magmula nang iwan ako nila papa kay tita Elizabeth. Dahil mag-isa lang ako sa buhay, kailangang palaging nakahanda ang sarili ko.
Nagmumuni-muni ako hanggang sa matalisod ako sa isang bagay… o hindi.
“Ahhh!” Napasigaw ako nang malakas bago napaupo sa sahig. Sino ba namang hindi kung may bubungad sa iyo na isang paa na may bakas pa ng dugo?
Sa sobrang takot ko ay kaagad akong napaatras. Bumangga ang likod ko sa lamesa, dahilan upang malaglag ang isang picture frame roon na ngayon ko lang din napansin. Hindi ko kaagad tiningnan ‘yon. Paano kung si sadako pala ang nandoon?
“P-Pasensiya na po! Makikisilong lang naman ako!” mangiyak-ngiyak na saad ko.
Sigurado na ako. Minumulto ako ng kung kanino mang kaluluwa ang narito! Kasalanan ko naman kasi basta na lang ako napasok sa bahay ng may bahay, pero anong gagawin ko? Wala namang ibang puwedeng silungan dito!
“A-Aalis ako kaagad kapag tumila na ang ulan, pangako!”
Mabilis kong pinulot ‘yong picture frame para sana ibalik ‘yon sa lamesa, nagbabakasakaling patatawarin ako ng multo kapag ginawa ko ‘yon, pero hindi ko inaasahan kung kaninong litrato ang nandoon.
“Mama?” Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
Ito ‘yong litratong kinuha ni papa dati kay mama bago sila pumunta sa palasyo. Tandang-tanda ko ‘to kasi matagal ko na ring hinahanap ang litrato ni mama. Ang ganda niya kasi rito. Simple lang at mukhang inosente.
Pero bakit ito nandito?
“Ay kabayo!”
Nawala ang pagmumuni-muni ko nang maramdamang may dumaan sa likod ko. Mabilis pa sa alas kuwatro akong lumingon doon, pero tumaas ang mga balahibo ko sa batok nang makitang wala namang tao roon.
Napatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may biglang dumaan sa likod ko. Mabilis pa sa alas-kuwatro akong napalingon, kasabay ng pagtaas ng balahibo sa batok ko nang makita kong walang tao roon.
Hindi ko na kaya! Aalis na ako rito kaysa naman sa takot ako mamatay!
Maglalakad na sana ako para kunin ang maleta ko nang mapadako ulit ang tingin ko roon sa gilid ng sofa. Nawala na ‘yong paa pero nandito pa rin ‘yong sapatos. May bakas pa rin ng dugo roon.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Biglang may nagsalita sa likod ko, dahilan para mapapitlag ako sa gulat.
“Pucha!” mura ko bago sinamaan ng tingin ang tao sa likod ko, pero kaagad na nawala ‘yon nang mamukhaan ko ang lalaki. “Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?”
Siya ‘yong nagbigay sa akin ng medalyon kanina. Sa kan’ya kaya ‘tong bahay na ‘to?
Ipinitik niya ang kamay sa harapan ko, dahilan para manumbalik ako sa reyalidad. “Binibini, libre lang mangarap pero huwag sa akin. Hindi ikaw ang tipo kong babae.”
Sinabi niya ‘yon sa napakalamig at seryosong tono, dahilan para mapairap ako. Buwisit ‘to, ah.
“Sa ‘yo ba ‘tong bahay na ‘to? Bakit mo ako pinapaalis?” Tumaas ang kilay ko.
Baka mamaya ay parehas lang naman kaming naligaw, tapos kung makaasta siya ay parang kan’ya ‘to. Sino ba siya sa akala niya?
“Oo, bakit?” walang pag-aalinlangan niyang sagot. “May angal ka?”
Kan’ya ‘to? Bakit nandito ang litrato ni mama kung ganoon? Alam niya kaya ang tunay na nangyari sa mga magulang ko?
Pero teka, punyeta, habang tumatagal ay mas nanunuot sa ilong ko ‘yong mahabong amoy na ‘yon.
“Hindi mo naaamoy ‘yong mabaho?” tanong ko. May pagtataka na sa tono ng boses ko.
Tumagilid ang ulo niya at tiningnan ako na para bang isang kabaliwan ang sinabi ko. Hindi niya ba naaamoy ‘yong amoy patay? O baka naman ako lang talaga ang minumulto ng kaluluwa rito?
“Sigurado ka bang mabaho?” aniya bago sumingot. Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi nito. “Hindi kaya sarili mo lang ang naaamoy mo?”
Ano raw?
“Para sa kaalaman mo, araw-araw akong naliligo!” Napasinghal ako at inilapit ang mukha ko sa kan’ya. Nagtiim-bagang ako at nakipagsukatan ng titig sa kan’ya, pero ngayon pa lang ay gusto ko nang iiwas ang tingin ko.
Ang guwapo ba naman kasi! Mas guwapo siya sa personal kaysa panaginip ko!
Nakaramdam ako ng pagkailang kaya naman hahakbang sana ako palayo, pero hindi niya ‘yon hinayaang mangyari. Gamit ang isang kamay nito ay hinapit niya ang beywang ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naghurnamentado ang puso ko dahil doon.
“Oo nga, araw-araw ka ngang naliligo,” tila nang-aasar na sabi niya bago marahan na sininghot ang leeg ko.
Sa puwesto naming ito ay rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Sa kan’ya nga ba iyon o sa akin?
“Mahal na prinsipe.”
Mabilis kong natulak ang lalaki sa harapan ko nang may pumasok sa guwardiya. Mahirap na kasi baka kung ano ang isipin niya, lalo na at ang mahal na prinsipe pala ang nasa harap ko— Ano raw?!

.png)
.png)
.png)
.png)
0 Comments